//one message received//
napabalik ako sa realidad ng magvibrate ang phone ko at tignan ko iyon. halos malaglag ang puso ko sa nabasa ko
"Morales, report to the office immediately o dumiretso ka na sa Eventyr University. May patayan na nagaganap doon ngayon. nauulit ang laro"
An hour ago
[Alden’s Pov]
Matapos ng sayawan ay natahimik ang lahat ng mula sa mga speaker ay inannounce ng isang misteryosong boses ang laro tungkol sa eventyr. Nakaupo ako sa may mesa ko at katabi ko ng mga sandaling iyon si Alexandre. Ang girlfriend ko.
“Interesado ka ba sa laro?” Malambing nyang tanong. tumingin lang ako sa kanya at hinawakan ang ilong nya habang pinipisil ko iyon.
“sa iyo lamang ako interesado.” Sagot ko sa kanya ng nakangiti, sya naman ay ngumiti ng napakatamis at tumango tango.
Mula sa malayo ay nakita ko si Allison na kausap si Erin. Alam ko ang nangyari kanina, nung nakaharap ni Allison si Alex. Alam ko iyon, hindi na lang ako nakialam dahil alam kong gulo lang iyon. Sa ganoong emosyon ni Allison mahirap syang katalo, saka ipipilit nya ang gusto nya. Ano man ang mangyari.
“Ah so ganoon pala yung laro, lahat tayo may role,” nakangiting sabi ni alex sa akin, “kaylangan mong maalam ang role ng bawat isa para makaiwas ka sa mageeliminate sayo at para manalo ka.” Dugtong pa nya
“mukhang ganun na nga.” Maikli kong tugon habang hinahawakan ko ang pisngi nya at tinitignan ang maamong mukhang iyon.
“Kahit di ko itanong sa iyo, mukhang alam ko ang role mo.” Mahina nyang sabi “tama ba ako?”
Imbis sumagot ako ng oo o hindi, “alex, wag mo ng isipin yun, kalimutan mo na iyon” yun na lang ang nasabi ko. naalala ko yun invitation. Alam ko, sa umpisa pa lang alam na ni alex ang role ko, dahil alam nya ang sikreto naming ni Allison. At alam ko na rin ang role ni Allison. Nakakamangha lang, dahil sa bawat role, kaakibat noon ang mabibigat mong lihim.
Biglang dumilim sa buong hall sanhi para magtilian ang mga tao. Si alex naman ay napakapit ng mahigpit sa akin. Takot si alex sa dilim.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone para magsilbing liwanag pero bago pa iyon ay may spotlight na biglang nagbigay liwanag sa gitna ng stage. At bago pa ako makatingin ay malalakas na tilian ang umalingasaw.
BINABASA MO ANG
Beauty is your Curse
Mystery / ThrillerWelcome to a ball, where no one comes out alive.