40th Curse
Dahil sa totoo lang, isa ako sa mga naeliminate.
Hindi ko maaring iwan sa larong ito si Alden. Mahal ko sya. Akin lang sya. Hindi ako maaring matanggal.
Just like that fairytale, Gretel will never leave Hansel. They will survive, at kagaya ng tadhana ko, I'm going to kill that witch. Para kay Hansel. Ang tanging pinagkaiba lamang. Nainlove si Gretel kay Hansel. Sa kapatid nya.
Gretel killed the witch, saved Hansel and escaped together, get married and lived happily ever after. That's my fairytale.
[Glimmer's pov]
Eto na ang period. Ang huling period kung saan marereinstate ang eliminated kapag walang tickets. Eh di ba ako gumawa noong fake cards, kaya alam ko kung sino ang naeliminate. Una, si Mira na syang si Tinkerbell. Yung huli, yung Pocahontas na akala ni Psaricka ay ako, si Erin yun. Tapos yung pangalawa at pangatlo? Sino ng ba ang pangalawa at pangatlo?
Ang iniisip ng lahat, kami nila Alli ang naeliminate, pero niloko ko nga si Erin di ba? So ang mga taong nakakaalam na niloko ko si Erin, isa lang ang iisipin. Dahil ako ang nagtalaga kung sino ang maeeliminate, 100% sure na hindi ako, kahit ang kakampi ko na si Alli ay kasama sa naeliminate. Ang nasa isip nga ni Dennis, baka talagang totoo yung role ni Kristine, kasi galit ako sa kanya at gusto ko syang matanggal.
Pero nagkakamali sila, at mas lalong nagkakamali si Erin sa paglapit nyang ito sa akin.
"Glim, pwede ba tayong magusap?"
Sa loob loob ko ay tumatawa ako. Makikita nyo ngayong gabi ang kayang gawin ng isang Glimmer Hale.
Sige lang Erin, lumapit ka lang. Matapos mo, siguradong si Mira ang susunod.
[Erin's Pov]
"Glim, pwede ba tayong magusap?"
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at kinausap ko sya pero desperada na ako, wala na akong choice. Wala na talaga.
"Yes?" Nakangiting sagot sa akin ni Glimmer. Kapag nakangiti syang ganyan, ewan ko ba. Nakakatakot.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at gusto kong kausapin si Glimmer. Nagtataka ako sa lahat ng nangyayare. Trinaydor ako ng mga kaalyansa ko. Walang gustong kumausap sa akin. Ineliminate pa ako ni Psa. Kaylangan ko ng explanation. At maaring ang sagot ay makukuha ko lamang sa tusong si Glimmer. Kilala sya sa pagiging tuso at matalino.
"Dinemonyo mo ba ang mga kaalyansa ko kaya trinaydor nila ako ha? Anong sinabi mo sa kanila?" mahina kong sabi sa kanya kahit nangigigil na.
"Hindi ko sila dinemonyo, sa palagay mo maniniwala sila sa akin?" nakangiti nyang sabi.
"Panong hindi eh traydor ka. Trinaydor mo ko."
"How could i betray someone who never trusted me even once? Nasaan ang common sense Erin?" mapangasar nyang sagot habang tumatawa, "ang traydor, yung malapit sa iyo, bakit di mo tanungin si Mira?"
What? Nababaliw ba sya? Bakit si Mira? Bago pa ako makapagsalita ay lumapit si Glimmer sa akin, napaatras ako, natatakot ako sa gagawin nya. Mas natakot ako sa sumunod nyang ginawa.
Niyakap nya ako at bumulong sya sa akin "Makinig kang mabuti Erin. Ako ang gumawa ng lahat ng cards na mayroon ka. Ako ang nanlinlang sa inyong lahat. Ngunit hindi ako ang nagsulsol kela Psaricka. Kasi hindi naman sila maniniwala sa tulad ko hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Beauty is your Curse
Misteri / ThrillerWelcome to a ball, where no one comes out alive.