9th Curse
“Alli are you okay? Alli?” I worriedly ask her. She just nodded at me pero parang may mali.. I cupped her face
“Okay ka lang ba talaga?”
Then I noticed na umiiyak sya at nangangatog sya. Tinignan ko sya nakita kong may kung ano syang tinatago sa mga kamay nya. I tried to get it pero pilit syang nakikipaghilaan.
Then it fell down.
It looks like a container of pills or tablets.
Bago ko pa sya matanong ay tumakbo na sya papalabas.
I carefully examine the label. It looks familiar.
Anti depressants.
On the outside, Alli looks normal. Shes a bratt but shes nice and mature. Pero sa panlabas lang iyon. Ni hindi ko alam ano ang nasa isip nya o kung sino ba talaga sya. Sabagay, ampon lang naman sya.
[Mira’s Pov]
Naglalakad ako sa lobby ng school. Gabi na iyon at wala ng estudyante, pero kaylangan kong bumalik sa school dahil may naiwan akong gamit sa room. Madilim sa lobby dahil nakapatay ang mga ilaw, masyadong tahimik. Nakakatakot.
Gamit ang ilaw mula sa cellphone ko ay iniilawan ko yung daan, para makikita ko yung lalalakaran ko.
Tapos ay may narinig akong sumisigaw. Bigla akong kinabahan. May narinig akong mga yabag. Yabag na papalapit sa akin. Mga yabag. Nagsimula akong umatras, hanggang sa matumba ako.
Tumalsik ang cellphone ko pero bahagya pa rin nitong nailawan ang daan. Dahilan para makita ko ang itsura ng babaeng tumakbo sa may Harapan ko. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha nya. Oh ang reaksyon sa mukha nya. Kung yun ay takot o galit. Pero kahit sulyap lang sa mukha nya. Malinaw ko ng nalaman kung sino iyon.
Si Allison.
Dahil wala akong dapat ikatakot ay tumayo ako at kinuha yung phone ko at tinangkang tawagin si Allison. Ngunit pagdampot ko ng phone ko ay nasindak ako sa nakita ko.
May mga dugo sa sahig, at may narinig akong pagiyak sa di kalayuan. Hindi sya iyak. Hikbi ng isang nasaktan, na naging parang sigaw. Like she was in some excruciating pain. I started to panic. Hindi maganda ang naiisip ko. Tumayo ako para sundan yung tunog at sa paglalakad ko ay inilawan ko ang daan.
Nanghina at nangatog ako sa nakita ko. My knee just fell on the ground na para bang naubusan ako ng lakas.
Nasa isang sulok si Alex, nakahawak sa bandang dibdib nya o bandang balikat. Hindi ko alam kung saan, namimilipit sya sa sakit. Pawisan ang mukha nya at dugo ang nagdahilan para magkulay pula ang suot nyang damit. May saksak sya, at para bang mawawalan na sya ng malay. Pero kahit ganun ay nakatingala lang sya sa taas.
Nangangatog akong lumapit kay Alex habang nagsisigaw, umaasang may makakarinig
“Tulong!” sigaw ko pa na nagbabakasakaling may guard o kung sino mang makarinig sa amin. Nangangatog kong hinawakan ang phone ko at dinial ang number ni papa. Nasagot nya ang tawag, pero hindi ko magawang makapagsalita.
Nabagsak ko lang yung phone. Dahil sa pagtawag ko ay nailawan ang ilang bagay sa paligid, at pagtingala ko sa taas kung saan nakatingin si Alex. Nakita ko ang katawan ng isang babae na nakabigti sa kisame.
Si Christine.
A/N: Short update for today. Maybe ill update later or tomorrow. I just have to finish my household chores. Sinulat ko to kasi i have an oath to update at least once a week, s sinure ko ng may update ako ngayon. And as for the character here. She is Christine. Hindi ko pa sya naiintroduce sa kahit na anong chapter o siguro nabanggit ko man lang ang pangalan nya. Her part in the story starts the moment she died. Get to know more about Christine in the next Updates. Thanks
BINABASA MO ANG
Beauty is your Curse
Misterio / SuspensoWelcome to a ball, where no one comes out alive.