18th Curse
Si Allison. Naalala ko pa noong mga bata pa kami at nasa ampunan kami. Masaya ako noon, kahit wala akong pamilya, dahil kay Allison. Anim na taon ako ng dumating sa ampunan. Walang pamilya, walang pangalan.
“Mother Superior, may naisip na po ba kayong pangalan para sa kanya.”
“Bakit Allison? May suhestyon ka ba? Maaring pumili tayo ng isang pangalan sa biblia, o pangalan ng santa.” Nakangiting sagot sa kanya ni Mother superior. Ako naman ay nakaupo lang sa gilid.
“Pwede po bang nagsisimula sa AL? kasi di ba po mother, pag magkakapatid, karaniwan may parehong letra sa pangalan. Kagaya naming magkapatid. Kung sa Al nagsisimula ang pangalan nya. Ako na ang magiging ate nya.”
“Maganda iyan? Bakit hindi kaya ALexandre?”
“Oo nga maganda iyon. Magkakapatid na nagsisimula ang pangalan sa A,” tapos ay humarap sya sa akin, “narinig mo ba iyon? Alex na ang pangalan mo. Magiging younger sister ka na namin. May younger sister na kami.”
Naalala ko pa ang araw na iyon. Ng magkaroon ako ng pamilya. Pero hindi ko akalain ang pamilya na iyon, ay bigla na ring mawawala. Na parang bula.
“Alex,” Napalingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses, ng makita ko na si Alden iyon ay agad ko syang niyakap at humagulgol ng iyak sa kanya.
“Alden,” mahina kong sabi, “dito ka lang sa tabi ko ah, wag mo kong iiwan. Natatakot ako.”
[Psaricka’s Pov]
Nakaupo ako sa may bench dito sa tapat ng building namin. Hindi lang pala ako ang nakatanggap ng envelope na iyon. Marami pala. Sa ngayon, kalat na kalat na ang recording na iyon sa University.
Sirang sira na si Alli.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko.
Hindi kami close ni Alli. Pero kahit may pagkaprangka si Alli, hindi ko pa rin naman talaga akalain na magagawa yun ni Alli. Na ibang iba si Alli sa Alli na nakilala ko. Ang Alli na kakilala ko, masiyahin kahit pasaway. Hindi ko kaylanman naisip na magagawa nyang gawin yon. Na ganoon sya kasama.
Binuksan ko ang wallet ko at tinignan ko ang larawan naming magkapatid. Ako, at si Alli.
Nasaan man si Alli ngayon, sana ligtas sya, at sana.
Wag na syang bumalik, mapapahamak lang sya dito..
[Glimmer’s Pov]
Nakangiti ako habang nakamasid sa kanilang lahat. Nandito ako sa may mistulang park sa tapat ng building namin. Halos lahat ng tao dito, si Alli ang pinaguusapan. Sya na ang pinakasalbaheng nilalang dito sa paningin ng lahat. Demonya, mangkukulam. Tila ba sa isang iglap, nalimutan nila na ako, ako ang pinakasalbaheng nilalang dito. Dahil anak ako ng mamatay tao. Madali nilang nalimutan iyon.
Kasi, madali naman talagang sirain si Alli. At yung impormasyon na iyon, madali na lang para sa akin na kunin yon. Madali na lang linlangin ang lahat.
Ngayon, iintayin ko na lang na bumalik si Allison. At syempre kaylangan kong makalap ang impormasyon na hinahanap ni Dennis. Para malaman ko na ang mga bagay na dapat kong malaman. At para makabitaw na rin ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Beauty is your Curse
Misteri / ThrillerWelcome to a ball, where no one comes out alive.