24th Curse

167 9 7
                                    

24th Curse


Matapos noon ay nagpunta si Marcus sa microphone, sa may stage.

Akin na ang Eventyr. Akin na!

“For this night’s elimination round, no one has voted correctly. Walang nakahula kung sino ang uninvited ngayon, thus the uninvited survives!”

“Ano!” hindi ko mapigilang sumigaw. Anong hindi? Nahulaan ko ang tamang sagot. Imposible ito.

Nilingon ko si Dennis na nakatingin sa akin at nakangiting parang demonyo.

Naalala ko ang huli nyang sinabi sa akin.

“Siguraduhin mo lang na matatanggal mo ako ngayong gabi Glimmer,” mahinang sabi ni Dennis, “dahil kapag hindi, patay ka sa akin.”

[Erin’s Pov]

“For this night’s elimination round, no one has voted correctly. Walang nakahula kung sino ang uninvited ngayon, thus the uninvited survives!”

Laking gulat ko ng sabihin iyon ni Marcus. Kahit ano pala ang gawin ko, hindi ko pa rin mahulaan. Uninvited na yun eh, abot kamay ko na ang Eventyr pero nagkamali pa ako.

“Ano!” napalingon ang lahat ng biglang sumigaw si Glimmer. Hindi lang pala ako ang frustrated ngayong gabi. Marami rin pala.

“At dahil nakasurvive ang Uninvited, may tsansa syang mageliminate sa game. But the uninvited’s card is blank. Meaning walang maeeliminate ngayon. and her power to eliminate characters ay maari nyang gamitin sa future game. That’s all for tonight.”

Hindi ginamit nung uninvited yung chance nya na makaeliminate. Hindi ba , noong nakaraang laro, hindi rin ginamit ni SnowandMirrors yung chance nya na makaeliminate. Hindi maganda ito. Tila nagiipon sila ng lakas para sa mga susunod na laro. Kung marami ka nga namang naipon na chances, maari nyang ieliminate ang iba para sya na lang ang matira.

Hindi maganda ito.

[Psaricka’s Pov]

Natapos na ang elimination round. Pabalik na kami sa kanya kanya naming dorms. Nanatili ako duon para kausapin si Allison. Kaylangan ko syang makausap, kahit papaano, kapatid ko pa rin sya.

Nakita kong papalabas sya duon kaya hinawakan ko ang mga kamay nya.

“Allison,” mahinahon kong sabi. Tumingin lamang sya sa akin, “magusap tayo.”

“Allison, makikinig ako. Gusto ko lang sabihin mo sa akin kung bakit nagawa mo ang mga iyon~”

“Wag mo kong kausapin!”

“Allison naman.”

“Kakausapin mo ako. Tatanungin mo ako pero para saan pa, kung saan pa? When you have already decided what the answer is? Paano ko sasabihin sayo ang side ko kung naniniwala kang ako nga ang gumawa ng mga iyon. Ni hindi mo man lang ako kinamusta. Iniintindi mo lang ay yung sasabihin ng ibang tao!” sabi nya sa akin at inalis nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at tuluyan ng umalis.

Napakahirap naman nitong sitwasyon ko. Nandito ako sa Eventyr pinipilit protektahan sila Alli at She pero kahit anong gawin ko, wala pa din akong magawa.

[Dennis’ Pov]

Nandito kami ngayon sa tagong bahagi ng Eventyr. Alam kong tinataguan ako ni Glimmer kaya imbes na dumaan sya sa harapan, ginamit nya ang backdoor ng hall. Napansin ko iyon kaya sinalubong ko sya sa backdoor at hinarang.

“Akala ko ba wala na ako sa laro matapos ang gabing ito. Eh bakit nandito pa ako?” sigaw kong sabi sa kanya.

“Back off!” sigaw nya sa isang matinis na tinig. Highpitched. Natatakot nga ba si Glimmer?

“naalala mo ba yung sinabi ko sayo?” sabi ko pa habang dahan dahang lumalapit sa kanya hanggang mapasandal sya sa pader. Itinugo ko ang kamay duon at bumulong sa kanya para ulitin ang sinabi ko noong huli kaming magkausap, “Siguraduhin mo lang na matatanggal mo ako ngayong gabi Glimmer, dahil kapag hindi, patay ka sa akin.”

Matapos noon ay tumawa ako. Tawang nakakaloko. Ang sama naman ng tingin sa akin ni Glimmer. Yung sobrang talim na tingin.

“T[a]ngina mo. Di mo ba ko kilala?”

Ngumisi ako, mukhang natatakot sya. “The infamous Glimmer Hale or should I say~”

“Hindi!”

Tumawa ako nung sumigaw na sya.

“Mali ang ginawa ng aso na pagkagat nya sa sarili nyang amo, at dahil doon parurusahan sya ng amo nya.” Nakangiti kong sabi at umalis na ako sa pagkakadikit sa kanya.

“Susundin mo lahat ng sinasabi ko mula ngayon Glimmer!” sabi ko pa at naglakad na akong papalayo sa kanya.

“Kapag ako na ang pinahulaan. Isisigurado kong makakasurvive ako at ang ieeliminate ko, yung walang role na tulad mo!”

[Kristine’s Pov]

Natapos ang gabi na ganun ganun lang. Walang nakahula sa uninvited at lalong walang naeliminate. Matapos ang gabing iyon ay balik ulit ako sa paghahanap ng lihim ni Christine. Naglalakad akong tahimik ng maramdaman kong may mga yabag na tila ba sumusunod sa akin.

Gabi na at nasa liblib na parte ako ng eventyr. Nung una ay hinayaan ko lang iyon. Ni hindi ko magawang lumingon. Hanggang sa unti unti kong binilisan ang lakad ko hanggang sa nagiging takbo na.

Naramdaman ko na lang na may biglang sumaklob sa ulo ko.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon