47th Curse

36 4 5
                                    




47th Curse


As I walk outside, I try to avoid the rank 1. Yes, I am interested kung sino sya, but I am not in the mood to deal with anyone. Agad akong pumasok sa isang kwarto, na nakabukas. I slowly walked, making sure na walang tao duon. Once na nakapasok ako ay sinara ko ang pinto at nakahinga na ako.

            But again, I heard a scream. Then I realized, this time, I am the one screaming. Because the room I have just entered, is full of coffins.

[Psaricka's POV]

            I have never been surrounded by this amount of coffins my entire life. Nakatayo lang ako duon, frozen as I stare at those coffins. Para akong nasa isang horror moie. Waiting for someone to creep out from those coffins.

            With all my might I walk closer to the coffins. I chose the plain looking one, and carefully lift its lead. Nakapikit pa ang isa kong mata, natatakot na makakakita ako ng naagnas na bangkay. Ngunit sa loob nuong kabaong na iyon, is a manequin. Laying down and dressed as if she was a dead one waiting for her funeral. I wasted no time. Mabilis kong hinubaran yung manequin, then I took off my gray and baggy clothes. In less than five minutes, I'm wearing a simple, white dress. Damit na pangpatay pang burol. The manequin was wearing my baggy shirt and pants. Wala naman sigurong magtatangkang magbukas ng coffins na iyon no.

            Before I leave the room, tinignan ko pa yung ibang coffins. Though one of the coffins is locked. Nakakandado sya, and it seemed like I needed a key to open it. Hindi ko na tinangkang buksan iyon, who knows, it might contain a real corpse. I shuddered, then ran towards the door, to escape that room.

            As I was walking in the corridor, trying to not walk heavily, I bumped with someone. With rank 1. Sa suot nyang ball gown, I tripped and fell on the floor. She offered her hand to me.

            Then the next thing I know, I am staring at Alexandre's angelic face. Tinulungan nya akong tumayo, pero ang tangi ko lang nagawa ay tignan sya. She is wearing a ball gown, one adorned with diamonds, crystals and other gems. Malinaw na hindi pa sya nakakapagisip at nakakapagpalit ng damit at eto pa rin ang suot nya mula ng sya ay magising. Tinginan ko sya mula ulo hanggang paa. Naghahanap ako ng kung anong bagay, salamin, mansanas, suklay, kandila, buhok o ng kahit anong bagay na magsasabi kung sinong prinsesa sya sa isang fairytale. Pero wala. At kung meron man, maaring inalis nya ito ng makita ako. Tinignan ko ang buhok nya. Maybe a crown, a tiara or a crown of flowers? Pero wala, nakalugay lang at nakakalat ang buhok nya.

            "Psaricka, namumutla ka. I think you need to rest." Sabi na lang nya tapos ay inakay nya ako. We continued to walk. Kulay gray  ang mga pader, mahaba ang corridor at madilim. Nagpatuloy kaming maglakad ng maglakad. Lumiko kami ng ilang ulit. Tila nasa isang maze kami. Tatlong liko, tatlong kaliwa, Puro pader, walang kwarto. Para bang yung kwato ko ay nasa pinakadulo, ngunit paano iyon narating ni Alexandre?

            Then we reach a dead end.

            "Nasaan ta- Dead end na to?" I exclaimed, Alex shook her head. Tapos lumapit sya sa pader. Hindi ko makita kung ano ang meron dun. Pero lumapit din ako. Then she began to climb.

            There is a ladder. Tinignan ko syang pumanik. Nakagown si Alex, at nakaheels, pero parang madali lang sa kanya na pumanik. Tapos ay tinulak nya ang kisame. Bumukas ito. Isa pala itong pinto. Pagpanik nya ay sumunod ako agad. Kahit nakasimpleng damit lang ako. Yung damit na kinuha ko sa mannequin, nahirapan akong pumanik. Tapos ay inabot ni Alex ang kamay ko. Pagpanik ko ay sinara ni Alex ang pinto kung saan kami nagmula at pinatungan iyon ng carpet. At ganoon na lang, nawala na ang bakas kung saan kami nanggaling.
             Tumingin ako sa paligid. Wala na ako sa madilim na lugar. Nasa loob ako ng isang palasyo. Isang napakagandang palasyo na napakalawak. Sa gitna, my dining area na punong puno ng mga pagkain.

            Agad akong pumunta duon, kasunod ni Alex.

"Kaninang umalis ako, wala pang pagkain dyan." Sabi nyang tulala ngunit umupo na rin sya, at simulang kumain.

"Paano mo akong nahanap?" yun na lang ang nasabi ko, ngunit maraming ibang tanong sa isip ko.

"Maybe it is luck. Nagiikot lang ako, at napansin ko ang daan na iyon. Now I have answered your question, Tell me, Psaricka. What ae you doing down there. What kind of fairytale character lurks down there?" sabi nya, sa tono ng boses nya naghihinala na sya, ngunit nagawa pa rin nyang ngumiti.

"Unless you don't have a character at all."

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon