15th Curse

204 10 4
                                        

After kong isulat ang boto ko, nauna akong tumayo para icast ang boto ko. Nagsunudan na din ang iba.

Matapos ang ilang minuto ay nagkaroon na ng announcement. In this game, ako lang ang makakakuha ng Immunity. Dennis promised me na hindi nya iboboto yun. Unless, may ibang nakahula.

-We would like to announce that Christine’s character was succesfully guessed by two Elites.

Dalawa? Sino ang isa?

-Elmo will receive an immunity and so does Glimmer.

Naging maingay ang hall, tapos may nagflash na kung ano sa stage. Christine’s actual invitation.

 

Dear Pandora,

You are invited to a ball for the gods and the goddess.

You’ll receive all kinds of gifts: beauty, intelligence, wealth and even a small box.

But remember, you should never open that box, keep it or hand it to someone else.

In that way, you can enjoy everything you have forever.

 

Sincerely yours,

Eventyr De Manila

[Erin’s Pov]

May dalawang nakakuha ng tamang sagot. May dalawang nakakuha ng immunity. At muli, mali na naman ako. Napakahirap laruin ng larong ito, na pakiramdam ko ay wala akong tsansa na manalo.

Tumingin ako sa harap at nakita ko ang nagflash. Ang letter para kay Christine.

Pandora. Pandora ang character nya.

“Si Glimmer at si Elmo ang nakakuha ng immunity.” Bigkas ni Mira na nakaupo sa tabi ko. Hindi ko maintindihan ang tono ng boses nya. Kung anong emosyon nya. Napakablangko ng emosyon nya pag nagsasalita. Lumingon ako ng bahagya sa kanya at nakita ko ang reaksyon nya.

Nakasimangot sya..

“Mira, mukhang ~” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang tumayo si Mira at pumunta kay Dennis.

Sa boyfriend nya.

Nilingon ko sia at sinundan ng tingin, si Mira ay binati si Elmo sa pagkakakuha ng immunity ngunit parang dismayado na hindi ito nakuha ni Dennis.

Pinat naman ni Dennis ang ulo nya na parang sinasabing okay lang yun.

Matagal ng Boyfriend ni Mira si Dennis. Hindi lang sila yung tulad ng ibang magkasintahan na nagppda at hantad na hantad. Pero sila.

Alam ko iyon at alam iyon  ni Marcus. Kung si Mira ay dismayado dahil hindi si Dennis ang nakakuha ng immunity. Dismiyado ako dahil si Glimmer ang isa sa nakakuha. At nasa laro pa rin si Alli, kahit ngayon ay wala sya.

-The two Elites, will be exempted for the next elimination, from this period until the next elimination, they can’t be eliminated in the game by any means. But they can still cast their votes. For the next Elimination, the clues will be announce after a couple of minutes.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon