31st Curse

82 5 0
                                    

31st Curse

"Matulog ka na Alli, and by tomorrow I want you to do something for me?"

At ano naman yun?

"Kausapin mo si Mira. Tell her Erin's secret."

"But she won't believe me!" I protested.

"Once na nasabi mo na yun kay Mira, keep Quiet. And after the second round of the second period, tell Erin Mira's secret."

"Pero hindi nga nila ako paniniwalaan!"

"Dami mong satsat. Di mo na lang gawin."

[Allison's Pov]

Nagtataka pa rin ako sa kung anong pinaplano ni Glimmer. Pagkagising ko, agad ko syang tinanong agad kung bakit nya pinapagawa sa akin yun pero ang sinagot nya lang is,

"Trust me Alli. Lahat ng gagawin ko, para makasurvive tayong dalawa sa ptnginang larong ito."

Hindi ko pa rin maintindihan kung talagang nagaalala sya sa akin o di kaya kaylangan nya lang ako. Pagdating ng araw gagamitin nya lang din ako.

Kaya ginawa ko na lang ang pinapagawa nya. Matapos ang klase ko ng araw na iyon, tinext ko si Mira na magkita kami. Nung una sabi ko na magkita kami at magusap. She then replied

[From Mira

Sorry Alli, wala na tayong dapat pagusapan pa. Tapos na. ]

Ano ba yang si Mira. Hindi ba pwedeng pagpaliwanagin nya muna ako? Inuunahan akong masyado eh.

Agad agad kong tinawagan si Glimmer. Hindi ko alam kung nasaan ngayon itong babaeng to.

"Hello." Sagot nya sa phone na parang irita.

"Glim, ayaw makipagkita sa akin ni Mira." Sabi ko pa.

"Ay shet. Tinawagan mo ako para lang dyan?

Oo. Tinawagan kita para lang dyan kasi ikaw kaya ang nagutos nyan.

"Ano ng gagawin ko?"

"Itext mo sya ulit. Sabihin ko, alam ko kung bakit ginawa ni Erin yun. Sasabihin ko sa iyo kung bakit. Basta ganoon itext mo." Pagkasabi nya nun ay naghang na sya ng tawag.

Wala akong nagawa kundi sundin ang inutos nya. At tinext ko ang eksaktong sinabi nya sa akin.

[To Mira]

[Alam ko kung bakit nagawa ni Erin yun. Sasabihin ko sa iyo kung bakit.]

Sinend ko iyon sa kanya at wala pang ilang minuto ay nagreply na sya agad.

[From Mira]

[Meet me at the Cafe infront of our school. Now]

Gaya nga ng sinabi ni Glimmer, makikipagkita nga si Mira kapag sinabi ko iyon. Pero nagtataka ako kung ano ang tinutukoy ni Glimmer duon. Ano ba ang nagawa ni Erin kay Mira?

Dumating ako sa cafe na iyon. Matapos ang ilang minutong pagiintay ay dumating na si Mira. Tinignan ko si Mira, mukhang hindi maganda ang mood nya. Mukhang malungkot sya.

"Mira," sabi ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya pero agad naman nyang hinila yun papalayo.

"Alam mo kung bakit nya nagawa sa akin yun? Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit? Or is it just a bluff. Don't try to fool me or else~"

"Alam ko ang lihim ni Erin at maaring may kaugnayan ito."

"At ano na namang lihim yan? Wag mo akong tangkaing lokohin Alli o tangkaing siraan man lang si Mommy E~"

"Hindi mahal ni Erin ang papa mo."

"What the hell?"

"Makinig kang maigi sa sasabihin ko. Hindi nya mahal ang papa mo. Hindi rin totoo lahat ng alam mo sa kanya. She entered your family, gained your trust to get eventyr. At gagawin nya kahit ano makuha lang ang Eventyr. And he has a man he really loves so much. Yung boyfriend mo Mira, si Dennis. Yung pagkakakilala mo kay Dennis, yung pagiging kayo, lahat yan kasama sa plano ni Erin." Pagkasabi ko pa. Pinikit ko ang mga mata ko. Any time posible akong sampalin ni Mira. Sabihan na sinungaling. Alam kong hindi sya maniniwala sa akin. Sobra syang nagtitiwala kay Erin. Sobra nya iyong mahal. She had fallen completely sa mga lies ni Erin and there is no way na maniniwala sya sa mga sinasabi ko.

"Kaya pala." Isang mahinang tugon lang ang narinig ko mula sa kanya. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mira na nakayuko.

"Mira? Naniniwala ka sa sinasabi ko?" tanong ko pa sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon lang ang reaction nya.

"Kaya pala nya nagawa sa akin yun?"

Ganoon lang? ganoon lang sya kadaling naniwala e ni wala nga akong dalang ebidensya.

[Mira's Pov]

"Makinig kang maigi sa sasabihin ko. Hindi nya mahal ang papa mo. Hindi rin totoo lahat ng alam mo sa kanya. She entered your family, gained your trust to get eventyr. At gagawin nya kahit ano makuha lang ang Eventyr. And he has a man he really loves so much. Yung boyfriend mo Mira, si Dennis. Yung pagkakakilala mo kay Dennis, yung pagiging kayo, lahat yan kasama sa plano ni Erin." Paliwanag pa sa akin ni Alli. Napayuko na lang ako.

Kaya pala. Kaya pala takot na takot si Mommy Erin na malaman ko ang sikreto nya. Kaya ganoon nya na lang kagustong mawala sa laro si Alli. Para hindi mabulgar ang mga sikreto nyang iyon.

Kaya pala nya ako ineliminate kagabi sa laro.

Kaya pala gustong gusto nyang manalo sa laro. Kasi gustong gusto nyang makuha ang Eventyr.

Dahil sa umpisa pa lang, yun na ang gusto nya. Ngunit dahil Eventyr ang magiging premyo sa laro, naisip nyang tila walang silbi lahat ng ginawa nya, ang pagpasok nya sa pamilya namin at pagpapakasal kay papa. Kaya gagawin nya ang lahat para manalo sya sa laro.

At inuna nya akong tanggalin sa laro.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Pakiramdam ko naloko ako ng harapan. I never opened my self to anyone. Kay Mommy Erin lang. wala akong pakialam actually kung sila ni Dennis at ginamit lang nila ako. Hindi ko naman mahal talaga si Dennis. Kinailangan ko lang magkaboyfriend, upang matago sa buong mundo kung sino talaga ang mahal ko, at patuloy kong minamahal magpahanggang sa ngayon.

Ngunit ang bagay na hindi ko matanggap ay ang pangloloko nya sa papa ko. Ang pangloloko nya sa pamilya namin.

Hinding hindi ko sya mapapatawad.

[Glimmer's Pov]

Nasa kwarto ako at nakaharap sa laptop ko. Ang sabi ni Alli ay pumayag na raw makipagusap sa kanya si Mira. Sa mga sandaling ito siguro ay magkausap na silang dalawa.

At mas malinaw pa sa sikat na araw na maniniwala si Mira sa lahat ng sasabihin ni Alli.

Binuksan ko ang laptop ko at agad agad nagpost ng status sa facebook.

[Glimmer Hale Posted a status.

When someone's frightened, she's most likely to believe in every lie she'll hear. When someone's confused, shes most likely to believe in lies and create false assumptions.]

Ang taong takot kagaya ni Erin, madaling mapaniwala. Dahil sa takot nya na ibulgar ni Alli ang lihim nya, tinangka nyang alisin ito sa laro. At ng makita nya ang card, agad agad syang naniwala dito. Na hindi man lang kwinestyon kung real ba ito o fake. At dahil naguguluhan si Mira kung bakit nagawa iyon ni Erin sa kanya, maliwanag pa sa sikat ng araw na maniniwala sya sa sasabihin ni Alli, at na ieexagerate nya ang mga iyon.

In no time, a traitor will come forward.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon