Something is burning on the lower floors. East side. Alex, Alden and Psa run towards it, and so did I.
Until I realized that only the three of us are running towards it. And Psaricka is running to the opposite direction.
[Glimmer's POV]
"So this is your plan? Arson?" Tanong pa sa akin ni Alli. I nodded at her, as if Arson is just a very simple thing.
"Nagsunog ka? Nasa closed abandoned mansion tayo? Gusto mo bang mamatay tayo sa suffocation? Glimmer! Is this your plan? Paunahan na lang tayong mamatay?" I can detect panic in her voice.
Tinuro ko sa kanya ang mga linya ng water sprinkler sa taas. "The fire is still relatively small, pero the moment that the sprinklers detected it, mababasa ito at matitigil ang apoy."
"Pero, bakit ka nagsunog? Magtitimes up na, at ayokong matanggal."
Oh sweet Allison, can you stop and think.
"Napakaganda ng posisyon ng apoy. Kung nasa upper floors ko, aakalain mong nasa east side ang sunog even though it is not. Dahil sa hangin. Kapag nasa ground floor ko, it looks like the fire is coming from everywhere. Maliit lang na apoy ngunit sapat para mataranta ang kahit sino. Sapat na para mataranta ang uninvited. At puntahan ang pinagtataguan nya ng sulat."
Alli nodded. I am right. Sapat na ang sunog na yun. Kitang kita namin ang pagtakbo nila.
Kitang kita rin namin ang paghiwalay ni Psaricka kela Elmo at tumakbo sa kabilang direksyon.
"We got her." Sabi ko pa ng nakangiti. Then I started to race after her.
"Glim! 1 minute na lang. Push the button. Paano kung ikaw ang matanggal."
I looked back at her and smiled, "Then make sure I won't." Tapos ay tumakbo na ako para sundan si Psaricka.
[Elmo's POV]
Nakarating kami sa ibaba. Nandun na kami ng biglang gumana ang water sprinklers. Kami ay basang basa, pero naapula din ang apoy.
"Okay ba kayong lahat?" Linga ko sa kanila, tinignan ko sila. Basang basa sila Alex at Kristine. Di ko makita kung nasaan si Psa.
00:00:59
Shit. 59 seconds. I must press the button para mailigtas ang sarili ko.
Tumakbo ako patungo sa button. Ang makakapagligtas sa akin. I will be saved, in this round. But not in the other ones.
Bakit ba sobrang layo nito? At ang usok. I can see?
The alarm is now blaring loudly at pagtingin ko sa orasan ay unti unti na tong nauubos.
Hingal ako ng marating ko ang button ngunit the alarm blared.
00:00:05
00:00:04
00:00:03
00:00:02
00:00:01
I closed my eyes wishing na hindi ako ang naeliminate.
00:00:00
Binuksan ko ang mata ko. I seem to be here. Alive. Meaning hindi ako ang natanggal. Ngunit sino?
I made my way back, running, hoping na its not one of my friends. No, I'm hoping it is not anyone. No one deserves to die in a game like this. Pagbalik ko ay ang tahimik nilang lahat.
There Kristine is, her hand covered in blood. Oo, covered. Na para bang nilubog nya ang kamay nya sa isang baldeng puno ng dugo. Ang mukha nya, blank, emotionless.
At ang basag na bungo ni Ceejay, sa sahig.
Sabi ko before, no one deserves to die. Pero mali ako. Ceejay deserves to die. This is what he deserves.
One down. Pero sino ang isa pa?
[Allison's POV]
Papalapit ako sa kanila ng makita ko ang pinakanakakatakot na bagay na nakita ko.
Ilang segundo na lang. I have to do something to keep Glimmer alive. Dahil sya ang susi. Sya ang nakakaalam kung nasaan ang uninvited. It doesnt matter kung alam kong si Psaricka ang uninvited. It's important for me to know the location of the letter.
Pero ang nasaksihan ko, straight out of a horror movie.
Kristine's face is emotionless habang sumampa sya sa ibabaw ng naparalisang si Ceejay. Hinawakan nya ang ulo nito at buong lakas na hinila at hinampas sa sahig. Hindi sya sumisigaw. She is silent, her face blank and emotionless ngunit buong lakas nyang pinaghahampasan ang ulo ni Ceejay sa sahig. Hindi ko maimagine, how can a frail girl like her have a strength to bash someones head. Nakailang hampas sya ng ulo nito, before it cracks, before it bleeds. But she didn't stop. Adrenaline rush. Meron sya noon. Her face calm, yet you can feel that she is full of anger.
Walang umawat sa kanya. Not Dennis. Dennis who just watched her. Hindi ko alam ang nangyari, but it seem like Ceejay is a horrible person and that he deserves this.
Hindi tumigil si Kristine. Hanggang mapuno ng dugo ang kamay at braso nya.
Si Elmo naman ay tumatakbong pabalik, tulala sa kanyang nakita. Kristine, hand dipped in blood.
Then she did the strangest thing. She leaned down Ceejays lifeless body, whispered something in his ear, before kissing his corpse.

BINABASA MO ANG
Beauty is your Curse
Misterio / SuspensoWelcome to a ball, where no one comes out alive.