Chapter 1

153 10 0
                                    

Spirit's POV

"Look, it's not you--" I immediately cut him off.

"Pwede ba? Narinig ko na ang linyang 'yan. Aba'y tangina wala talaga sa akin ang problema kun'di nasa 'yo. Bakit? Anong kulang Cal? Anong problema? Ayos naman tayo ah?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Naiiling pa ako habang hindi makapaniwala sa nangyayari.

"I'm sorry, Spirit." and with that, umalis na siya na parang walang nangyari.

My fucking goodness, 2 years! 2 years kaming magkasintahan pero ngayon pa siya nakipag-break!? Without even giving me a good reason at that!

Damn. Tatlong beses ng nangyari sa 'kin 'to pero bakit naiiyak pa rin ako?

Tanginang buhay naman 'to oh. It's like I'm cursed to get my heart broken like a shitty cycle.

Napahilata na lang ako sa sahig ng hallway habang iyak pa rin ng iyak. Ano na naman bang problema?

"Uy bes! My God. Ayos ka lang ba? Ano na namang nangyari?" Bigla ko na lamang narinig ang nag-aalalang tinig ng aking kaibigan.

"H-Hindi ko a-alam." I said while sobbing and shaking my head, overwhelmed with everything.

"Sshh. Tahan na." Paga-alo niya sa akin. Marahan niyang hinagod ang aking balikat habang pinapatahan ako.

Kasalukuyan kaming nandito sa hallway ngayon ni Sav. Dito kasi napiling makipag-break ng gago kong ex eh.

Wala namang tao kasi mukhang may klase pa ang mga studyante na nandito sa building na 'to. Nag-cutting na nga ako, nasaktan pa.

"S-Sav, wala ka bang pasok?" tanong ko sa kan'ya habang hinahaplos n'ya ang likod ko. Hindi pa rin kasi ako tumitigil kakaiyak. I am awfully sobbing at the moment.

"Nah. I'm fine. Mas kailangan mo 'ko ngayon." Mahinahon niyang sagot sa akin.

I'm so happy that I have Saveans here with me. Without her, I really don't know what to do.

"Bes? May mali ba sa 'kin?" I suddenly blurted in the middle of my cries.

"What? Syempre wala!" She said habang inaayos ang pagkakaupo n'ya sa tabi ko. She clearly looked taken aback by my question.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi kaibigan mo 'ko eh." Padabog kong inirap ang aking mga mata sa kaniya.

"Of course not. Alam mo, sa isang bagay talaga sometimes, it's the situation that matters. It's the situation that we have to consider." She consoled me. Pero kahit anong isip ko ay hindi ko talaga makita kung saan ako nagkulang or when would a relationship start to go south.

"Anong situation?" I innocently asks while wiping a falling tear on my cheek.

"Situation. Minsan 'yan 'yong reason at 'yan 'yong magma-matter. As for your case, nagkataon lang na napasukan mo ang iba't-ibang bad situations. Makinig ka sa 'kin, okay? Sa una mong boyfriend, it's not your fault naman na bakla siya. Nagpasalamat pa nga siya dahil because of you, na-realize niyang gano'n pala siya." Paliwanag niya. I appreciate her concern for me but couldn't she have phrased it a little better? Pinagmukha niya naman na parang training ground lang ako ng mga naging ex ko.

Well, yeah right. Mark.

"Babe?" I asked.

We were just sitting together here in the park near the campus. Our favorite hang-out place. Naalala ko tuloy no'ng tinuruan n'ya 'kong sumakay ng bike dito. I remembered how frustrated he was yet very proud no'ng natuto na 'ko. Binilhan pa niya 'ko no'n ng Ice Cream and flowers as a reward dahil sa wakas ay natuto na rin ako.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon