Hiniling ko na magkaroon sana ng magandang pangyayari sa buhay ko pero bakit parang nang-aasar yata si Tadhana?
"Bakit ba big deal sa 'yo ang presence ko? Siguro naa-awkward ka na sa 'kin kasi crush mo 'ko no?"
Oh bullshit.
"Alam mo, kung anong kabulastugan 'yang mga pinagsasasabi mong loko ka."
"Hindi ka ba natatakot na minumura at inaaway mo ang isang tulad ko?"
"Oh come on, Cupid."
Nandito lang naman si Cupid sa bahay ko. Buti nga at maagang umalis si Sav kanina kundi, mapipilitan na naman akong magsinungaling sa kaniya at isa pa, masisira lang ang mood ko.
In fact, sira na nga ngayon eh. Sirang-sira na. Bwesit.
"You know I can read your thoughts right?"
"So what? Sa isip ko man o vocally, inaaway pa rin kita. Kaya, go on. Listen at your own risk."
"Nah. Minsan napapagod rin akong basahin 'yang mga iniisip niyo eh. Kaya lang, I can't help it. It's as if yoy're saying all of your thoughts out loud kaya naririnig ko ito effortlessly."
"Magulo ba?"
"I got used to it. Para saan pa't isa akong Deity 'di ba?"
"Yabangness Level not found. Pwede ba? Lumabas ka nga muna ng kwarto ko! Kita mong may pasok pa 'ko eh! Alis na!"
"So? Pumasok ka na. Dito lang ako."
"Excuse me? Wala ka man lang bang kahihiyan? Babae ako at lalaki ka. Magbibihis ako kaya get out!"
"Pwede ba? It's not like as if may pagnanasa ako sa 'yo. Ikaw ang dapat mahiya diyan sa iniisip mo. Makikitulog lang naman ako."
"Sa dinami-dami ng kwarto, ba't dito pa!? Argh! Ano bang problema ng mga tao at mas gusto nilang tambayan ang kwarto ko!?"
"Mas maganda kasi dito kasi it really feels like a room. Kesa do'n sa iba na wala namang kabuhay-buhay. So boring at ang lungkot ng vibe. Ayaw ko ng gano'n. Sadness isn't my thing."
"Wow. Akala ko ba sadness and love collides?"
"Well, yeah. But that does not apply to me. I'm not love so technically, Sadness and I doesn't really get along well."
"Dami mong alam. Bahala ka kung anong gagawin mo d'yan, maliligo lang ako. 'Wag mong gagalawin ang mga gamit ko ah?!" bilin ko sa kaniya bago tuluyang pumasok ng C.R.
Nakakahiya naman sa kaniya, baka kung anong masamang bagay pa ang masabi niya sa kwarto. Siya na nga 'yong nagpumilit makitambay. Psh. Kakagigil. Sarap niyang ibalibag sa bintana. Argh!
Matapos kong maligo, do'n na rin ako sa C.R. nagbihis. Aba! Mahirap na kung do'n ako magbibihis sa harap niya 'di ba?! Ano ako? Baliw!?
Nang makita kong tapos na 'kong mag-ayos, lumabas na agad ako at kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Alis na 'ko. Uy, wala kang gagalawin sa mga gamit ko ah?"
"Oo na. Tch. Anong akala mo sa 'kin, magnanakaw? Grabe ka talaga. 'Di ka pa nakuntentong murahin at tarayan ako, pinagbibintingan mo na agad ako."
"Hindi kita pinagbibintangan ah. Masyado ka namang advance mag-isip. Naninigurado lang kaya ako."
"Naninigurado ka diyan. Alis ka na nga."
"Aba. Improving ka na ngayon ah. Taray-tarayan ka na rin just like me? Ano 'to? Natuto ka na sa 'kin?"
"Nag-training ako buong araw na nawala ako. Aba, hindi naman pwedeng ako lang ang maapi dito no."
BINABASA MO ANG
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...