Chapter 50

55 3 0
                                    

Nandito na 'ko sa ni-request na Three-Star Italian Restaurant ni Sav. Sabi niya mauna na raw ako dito at bahagya pa siyang mali-late dahil sinorpresa siya ng Fiancé niya. Sinundan daw siya dito sa Pilipinas. Jusko. Eh expected na kaya 'yon. Patay na patay kaya sa kaniya 'yong mokong na 'yon. Saan ba nagsususuot 'tong si Sav sa France at nakahagilap siya ng ganoong lalaki? Swerte niya ah.

My Gosh. Ako pa talaga mag-aadjust sa kanilang dalawa. Pasalamat talaga 'tong si Sav at mahal ko siya. Kasi kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, Naku kanina pa 'yon nakatanggap ng batok with matching mura galing sa 'kin.

Ayaw ko pa namang pinaghihintay ako. Kung sana sinabi niya na ganito pala siya katagal mali-late eh 'di sana di na lang muna ako pumunta dito no?

Excuse me, hindi kaya madaling mag-hintay ng tatlumpong minuto. Wala na. Haggard na 'ko. Buti airconditioned ang lugar na 'to. Grabe Sav. Naku, papaulanan talaga kita ng sermon!

Nag-abang lang ako sa may pintuan ng restaurant dahil nagbabakasakali na dumating na si Sav.

Ang daming nagsipasok at nagsilabas na mga tao pero walang Sav.

I was about to look at my phone nang may biglang nahagip ang mata ko sa may pintuan.

There was a familiar person na naglalakad palabas ng restaurant! I'm sure siya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko siya kahit naka-side view pa 'yan o nakatalikod.

Alam kong si Zeal 'yon. He was wearing a black long sleeves na nakabukas pa 'yong dalawang butones sa taas at nakafold ang sleeves hanggang siko niya.

Tatayo na sana ako para sundan siya nang bigla akong harangin ng Waiter.

"Buon Giornata Senyora! May I take your order?"

Napatingin agad ako sa Waiter na nakangiti habang inaabot sa akin ang hawak niyang Menu.

"U-Uh. Wait a mi--"

"Our today's special course Madame is the Italian Lasagna-Pasta with Cheddar Balls. It is our Chef's very own invention and combination of Italian Cuisines."

"N-No. I'll take my order later. Wait for a sec."

Agad akong tumingin sa may labasan ngunit wala na siya do'n. Tinignan ko rin ang labas ng restaurant since it's made of glass pero wala na siya do'n.

Tangina. Namamalik-mata lang ba 'ko!? O totoong siya talaga 'yong nakita ko!?

Shit. After how many years. Almost seven years, ngayon pa lang 'to nangyari.

I saw him. I know that.

"Spirit! Hey! Anong tinatayo-tayo mo diyan? Let's have a seat and order." Sabi ng kararating lang na si Sav at naupo sa harapan ko saka inabot 'yong Menu mula sa waiter.

Hindi pa rin ako maka-kibo dahil masyado pa rin akong nawindang sa nakita ko kanina. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kasi naman 'to g waiter na 'to! Panira. Hindi na nga ako babalik dito. Epal 'tong waiter na 'to eh.

"Spirit, hey! Sit down."

I slowly reached for my chair at umayos ng upo.

"I'll take this Spicy Buttered Pizza and your Special Course for today." sabi niya sa Waiter.

"Ako rin. 'Yon na rin 'yong order ko." Mabilis na sabi ko na bahagya pang ikinagulat ni Sav at ng waiter.

Wala lang. Para lumayas lang 'yong waiter. Naiirita ako eh.

Umalis naman ang waiter matapos magsulat na siyang ikinapasalamat ko talaga. Thank Heavens!

"What happened to you kanina Spirit? Ba't ka nakatayo?"

"H-Huh? Wala. May nakita lang ako na akala ko kakilala ko. Lalapitan ko sana para kausapin nang sa gano'n ay may magawa naman ako dito maliban sa paghihintay sa 'yo, 'di ba? Nakakahiya naman sa 'yo, pinaghintay mo pa 'ko."

Natawa naman ang loka. Ano? Tuwang tuwa pa eh napagalitan na nga siya. Grabe. Ganiyan ba kaganda 'yong mood niya? Ano kaya ginawa nila ng Fiancé niya? Hmm.

"Ito naman. Sorry na Best! Talaga nasorpresa kasi ako sa pagdating niya! My gosh. Kakuntsaba pa niya sina Mama! Naku girl nakakaloka talaga kanina. As in wala akong kaide-ideya. My gosh sana nando'n ka para nakita mo ga'no ka unexpected!"

Shet. Love kita Sav pero wala talaga akong pake. Ang importante ay talagang pinaghintay niyo 'ko. Bagot na bagot ako dito habang kayo do'n kilig na kilig. Ano naman tayo diyan? Kamusta naman 'yong pagkainip natin no?

"Ewan ko sa 'yo. Nakakatampo ka ha. Ikaw na nga 'tong minsan ko lang mahagilap dahil palipat-lipat ng trabaho sa iba't-ibang bansa, ikaw pa 'tong na-late. Tsaka hindi kaya madali maghintay ng kalahating oras eh no? Jusko ka Sav. Hindi ka pa rin nagbabago."

"Sorry na best! Ikaw naman. 'Wag ka na magalit. Nagtatampo ka agad eh. Balato mo na sa 'kin 'to. Ngayon lang kaya ako sa wakas nakahanap ng mahal ko talaga after no'ng kay Christian."

"Oo na. Ayan na naman alas mo eh. Ginagamit mo na naman sa 'kin. Oo na, pinapatawad na kita."

"Ba't parang napipilitan ka lang?" Sabi niya at nag-pout pa ang loka. Gago akala mo bagay sa kaniya. Naku nagpapa-cute lang 'to sa 'kin eh kasi may kasalanan siya.

"Okay na nga kasi. Itigil mo na 'yan. Mukha kang aso."

"Yay! Napatawad niya na 'ko. 'Di na siya magtatampo. Thank you best! Alam ko namang hindi mo 'ko matitiis eh! Hayaan mo, next time babawi ako sa 'yo. Ano? Sama ka minsan sa mga business trip ko?"

"'Wag na. Para namang wala akong business trip."

"I mean, 'yong sa 'kin is meeting the international models and designers from around the globe. Baka gusto mong maghanap ng lovelife do'n?"

Napairap naman ako sa sinabi niya. Akala ko ba tapos na kami sa usapang ito?

"Hindi ba alam mo na ang sagot ko diyan?"

"Best naman. Gusto ko lang naman na makahanap ka na ng lovelife mo. You're already 27 pero wala ka pa ring ine-entertain ni isa sa mga manliligaw mo at sa mga nirereto ko sa 'yo. Ever since that incident 8 years ago."

"Stop it Sav. I inderstand your concern for me and I know that your intention is pure pero please, kapag para naman talaga sa 'kin, darating 'yan. Hindi na kailangang ipilit at hindi na kailangang madaliin. Ano ine-expect mo? Jowain ko 'yong mga manliligaw ko kahit wala akong nararamdaman para sa kanila? 'Wag na 'no. Sasaktan lang namin ang isa't-isa."

"So what are you planning to do?" Nag-aalalang tanong ni Sav sa 'kin.

"Let's learn to wait and not rush things. Because if we wait, we'll meet the right person at the right time who'll say the right words and if that happens, we'll be able to love that person with ourselves, whole. And not with a broken soul."

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon