Chapter 9

54 6 0
                                    

Nandito na 'ko ngayon sa bahay kanina pa. It's already quarter to 11 in the evening pero I am still wide awake. Pa'no ba naman kasi, ayaw akong patulugin nitong si Sav.

Yep. She's still here. Naghintay talaga siya at dito na lang din daw siya matutulog. Girls' Night daw namin ngayon kaya pinipilit akong pagkwentuhin kahit wala namang masyadong nangyari.

Bago talaga 'ko hinatid pauwi ni Grey, napagdesisyunan muna naming mag-stop sa isang park para mag-chikahan. Ayaw niya pa raw kasing umuwi agad kaya ayon, nagusap muna kami tungkol sa mga bagay-bagay.

I learned na only child lang daw siya and his parents are always busy with their business. Typical rich kid problems.

Naikwento ko naman sa kaniya na I have a brother at mag-isa na lang kaming tinataguyod ni Mom kasi namatay sa plane crash si Dad no'ng 5 pa lang ako at 10 years old na si Kuya.

Nabanggit din niyang he has girl problems. He was hurt pero mahal niya pa rin. Gano'n 'yong sinabi niya pero 'di na niya 'yon in-explain specifically, basta 'yon daw 'yong dahilan bakit gusto niyang mag-flings para makalimot. Kind of bullshit though.

"Anong walang nakakakilig!? Eh sa lahat ng mga sinabi mo, wala ng paglagyan ang kilig ko eh! AAHH!"

Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tumili ng tumili. Jusko.

"Utang na loob Sav! Magigising mo lahat ng natutulog sa mundo sa lakas ng tili mo."

"O.A. naman neto. Minsan na nga lang ako kikiligin, binibitin mo pa! Tsk. Pero pa-tili, last na."

Agad akong napatakip sa tenga ko nang tumili siya agad. Argh.

"Okay. Tapos na. Ano pang kwento mo?"

"Wala na. 'Yon na lahat 'yon. Tulog na tayo?"

"Eeh. Eto naman, KJ! Pinuputol mo talaga ang happiness ko. Hadlang ka sa kaligayahan ko Aimra Prsli Spirit!"

I shot her a bored look.

"Okay fine. Pasensya na, malay ko ba kung may hindi ka pa nakukwento sa 'kin. Naku, I can't wait to witness your love story to unfold! Ommo!"

"Lul. Love story ka diyan! Walang gano'n. Pwede ba, 'wag ka na ngang umasa. Matulog na tayo."

Napasimangot naman siya sa sinabi ko pero bigla ding lumiwanag ang mukha.

"Hephep. 'Wag kang magsalita ng patapos. Wala tayong kaalam-alam sa mga maaaring mangyari sa future. Hmm."

"Psh. Wala na, imaginations na lang 'yan. Matutulog na talaga tayo. Baka nakakalimutan mong may pasok pa tayo."

"Hala! Oo nga pala. Sige, tulog na tayo besty. Bukas na lang natin ipagpatuloy 'tong Girls' Night natin."

At humiga na rin si Sav sa wakas. Mabilis naman 'tong makatulog, nakakainggit nga eh. Samantalang ako, kailangan pang mag-imagine at magpalipat-lipat ng higa para tamaan ng antok.

I lie down on my bed. Dilat na dilat pa ang mga mata ko. I don't know why I can't sleep.

Napatingin ulit ako sa phone ko para i-check ang oras, and it's already 12 midnight. Shet why can't I sleep!? Ba't hindi ako dalawin ng antok ngayon!?

Nasubukan ko na ang iba't-ibang pwesto para makatulog pero wala pa rin kaya naisipan kong bumangon at mag-drive papunta sa pinakamalapit na Convenient Store.

Bumili lang ako ng isang Choco Drink at Hotdog and I decided to sat down for awhile.

Napatingin naman ako saglit sa may counter, mukha kasing medyo may misunderstanding na nangyayari sa casheir at sa lalaking customer. Magkaedad lang naman yata 'yong guy at 'yung babaeng casheir kaya malakas ang loob no'ng lalaking 'yon na pagalitan ang casheir.

May tatlong iba pang mga customers na nandito sa convenient store bale apat kaming lahat, hindi pa kasama 'yong casheir.

Tiningnan ko kung ano 'yong binili niya. Sus, tatlong cans lang naman pala ng beer. Ano 'to, makikipag-away siya sa isang babae dahil gusto niyang maglasing? Ba't 'di siya mag-bar?

Hindi ko na lang sila pinansin kasi mukhang naayos na rin naman agad. Nakita kong naupo sa labas 'yong lalaki at mukhang galit na galit siya. Gano'n ba talaga 'yong galit niya sa casheir?

Hay buhay nga naman. Nakaka-stress 'tong mga ganitong tao. 'Yong mga mainitin ang ulo.

I was busy drinking my choco drink nang biglang lumitaw na naman ang mga mahiwagang arrows ni Cupid.

Ommo. May last surprise pa pala ang araw na ito.

I took one arrow and prepared the bow.

It was the female casheir! Ooh.

I shot her with an arrow at hinanap agad kung sino ang guy.

Oh my, kung sinuswerte o minamalas ka nga naman. It's the guy whom she had an argument with. Hay tadhana. I salute your skills. I won't doubt you anymore.

Matapos ang pagpana at pagtambay na ginawa ko sa Convenient Store, bumalik na kaagad ako ng bahay baka mamaya magising si Sav ng wala ako at mag-hysterical pa 'yon. O.A. pa naman 'yong babaeng 'yon.

As soon as I arrived at the villa, dumiretso na agad ako ng kwarto ko at humiga sa kama ko. Grabe talaga 'tong si Sav, ang dami namang bakanteng kwarto dito sa bahay pero dito pa talaga nakisiksik sa kwarto ko.

Naisip ko naman bigla si Cal. Bakit kaya may mga taong napakadali lang sa kanila na itapon lahat ng mga ala-alang binuo ng matagal na panahon?

Huh. It's so ironic na ako pa talaga 'yong pinarusahan ni Cupid sa dami ng nang-away sa kaniya kahit na ako naman 'tong laging sawi. Ano ba 'to? Nananadya ba siya? O sadyang nang-aasar lang si Tadhana? Aish. I really wish to meet you soon, Binibining Tadhana. Marami akong baong tanong para sa 'yo.

Hindi rin nag-tagal, nakaramdam na rin ako sa wakas ng antok. Buti naman, dahil madaling araw na at wala pa rin akong tulog. Magmumukha na talaga akong zombie nito.

I reached for the switch of my lamp shade saka pinatay ito. Sorry Sav, can't sleep with the lights on. Ikaw ang mag-aadjust sa 'ting dalawa.

I closed my eyes but before I fully drifted to sleep, I silently hopes and prayed na sana magkaroon ng mabuting bagay sa buhay ko bukas or soon. Ang dami na kasing stress. Nakakawindang.

Gaya na lang ng, pags-stay nila Mom o bakasyon. I just missed them. Lagi na lang silang wala. Sana nga mangyari. Anything away from stress. Ang sarap siguro no'n.

But thinking again about my responsibilities in life? Masyado pang maaga paramaghangan ng gano'n klaseng ka-stress free na buhay.

I sighed. Maybe I should accept the fact na ganito na talaga muna ang buhay ko for the next few months.

I heaved out a heavy sigh before finally letting sleep take over me.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon