Kanina pa dumating sina Mommy at kanina pa sila nagsasalita pero hindi ko magawang pakinggan kung ano ang mga sinasabi nila. Walang pumapasok sa utak ko kahit isa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Para akong namatay dahil sa nangyari. Masyado akong matamlay para kumilos at hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy sa aking buhay.
Bakit mo 'ko iniwan Zeal? Bakit kailangan mo 'kong iwan? Bakit kailangan mong umalis!?
Gago ka kapag bumalik ka talaga, babatukan kita ng sobra.
Utang na loob. Wala na akong ganang mabuhay.
"Spirit! Are you even listening!? Alalang-alala kami dito sa 'yo oh pero ikaw diyan, parang wala lang sa 'yo ang mga nangyayaring 'to." Rinig kong sita sa akin ni Mommy sa 'kin.
Pero kahit lakas para buksan ang bibig ko ay 'di ko magawa. Talagang tuluyan na nga akong nawalan ng lakas.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari kani-kanina lang.
Ako si Psyche. Naaalala ko. Ako si Psyche. Prinsesa. Sinumpa. Minalas. Iniwan.
Bakit kung kailan kilala ko na siya, ay do'n pa siya mawawala?
"Spirit! Anak, ano bang nangyayari sa 'yo!?"
"Ma. Hayaan na lang natin siya. Baka na-trauma pa siya sa sunod-sunod na aksidente na nangyari sa kaniya. We should let her take some rest."
Narinig kong bumuntong hininga si Mommy pero di ko pa rin sila nagawang tignan. Nakatitig lang ako sa puwesto kung saan naroroon si Cupid kanina bago siya nawala.
Totoo lahat ng 'yon. Hindi 'yon panaginip.
Muli akong nakaramdam ng matinding kalungkutan. Naiiyak na naman ako. Iniwan niya 'ko. Iniwan niya na 'ko. Wala na siya!
"Spirit. Hija, tahan na. 'Wag ka na umiyak. Kanina ka pa umiiyak pero 'di ka nagsasalita. Ano bang nangyayari sa 'yo?"
Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko sila magawang sagutin. Hindi na rin naman nila maaalala si Zeal.
"Tita, kanina pa po siya umiiyak ng grabe. Tapos 'yong huling sinabi niya po ay wala na daw si Zeal."
"Sino si Zeal?"
"Hindi ko nga alam po eh. Wala naman po akong kilalang Zeal sa school."
"Is that your friend anak?"
Again, I did not answered them. Iyak pa rin ako ng iyak.
"Is that her boyfriend?" Ma-awtoridad na tanong ni Kuya.
"N-Naku Kuya. Wala naman akong alam na may boyfriend si Spirit. Wala naman po siyang ibang kasama these past few days maliban na lang kina Carlo. Wala po kaming kilalang Zeal." Pagpapaliwanag ni Sav kay Kuya.
"Then who the hell is that Zeal!?"
"I-I don't know po."
Mas lalo akong naiyak dahil sa naging usapan nila. Oo na! Hindi niyo na siya maalala! Sinasampal niyo lang ako lalo sa mapait na katotohanan na 'yam eh!
Shit! Masakit sa puso oh. Tama na please. Utang na loob.
"Siguro kailangan muna natin siyang pagpahingahin. Let's check on her later." Suhestyon naman ni Mommy at nauna ng maglakad palabas ng ward ko.
Sumunod naman sa kaniya si Kuya at Si Sav. And now, I am left with the silence again. Mas lalo lang itong nagpapabigat ng nararamdaman ko eh. Sa bawat sulok ng kwarto, naaalala ko siya. Nakikita ko siya. Mas lalong masakit. Mas lalong sumasakit.
Lalo pa akong naiyak nang magsibalikan ang mga ala-ala naming dalawa. Tangina mo Zeal! Kung nasaan ka man ngayon at kung naririnig mo ba 'to, tangina mo! Mang-iiwan ka! Bakit mo 'ko nagawang iwan! Akala ko ba mahal mo 'ko!?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak.
Lumipas ang ilang taon mula no'ng iwan niya 'ko. Naghahanda na ako ngayon para sa pagpasok ko sa kompanya nina Mommy.
Pinilit nila 'kong mag-trabaho dito sa kompanya namin the moment I finished my studies. Sinabi ko nga sa kanilang kailangan ko muna ng experience sa ibang kompanya to be efficient pero masyado silang mapilit. Nandiyan naman daw sila para i-guide ako. They wanted me badly to help them handle one of our companies.
"Good morning, Ma'am Spirit." Bati sa akin ni Jenna habang nakangiti. Ang sekretarya ko.
Kay bago-bago ko pa ngang empleyado, CEO na agad ako. Hindi kaya't magtampo 'tong mga empleyado nila Mommy at sabihing masiyadong biased?
"Good morning, Jenna. What's my schedule for today?"
"You have a lunch meeting with Mr. Infiesto ma'am. Our new supplier of Southern Blue Silks and Rhinestones for our new product ma'am. Next is a close-door meeting with the board ma'am, this 3 in the afternoon. Mamayang gabi naman po ay dinner niyo ng Mommy at Kuya niyo."
Napahinga ako ng malalim nang marinig iyong sinabi ni Jenna. Good thing my schedule for today isn't that hectic. Baka mamaya mabaliw ako sa sobrang dami ng gagawin sa sunod-sunod na mga araw.
"Okay. You can go. Puntahan mo lang ako dito if it's time to leave for the lunch meeting already."
"Yes ma'am." She said and left my office.
Bigla namang tumunog ang phone ko.
It was Sav, calling.
[Hey Best! How are you? Busy ba masyado ang CEO life?] She said in the other line and laughed wickedly.
Ang sama talaga nito! Ang lakas mang-asar.
"Hey Sav. Well, tama ka. Busy nga siya but not today. Tatlo lang ang appointments ko ngayon. Napatawag ka nga pala?"
[Ito naman. Bawal na 'kong mangamusta? Sorry na Madame CEO ha?]
"Stop it Sav. 'Wag mo nga akong asarin!"
I heard her chuckled at my angry remarks.
[Pikon ka pa rin as always.]
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy bigla si.. ay ewan! 'Wag na nga. Move on. Tama. Move on.
[Hey? You still there?]
Nataranta agad ako nang magsalita muli si Sav. Shux. I was spacing out again.
"Uh yup. You were saying?"
[Naman. Hindi ka pala nakikinig sa 'kin eh. Ang sabi ko, free your sched for tomorrow. Bukas na ang dating ko galing France. It's my break from my Fashion Designing Career kaya you better have dinner with me.]
Oo nga pala. After we graduated, lumipad agad siya ng France at nag-aral doon ng isang taon for Professional Fashion Designing. Then now, isa na nga siyang Professional Fashion Designer. Kinuha siya ng isang Modelling and Fashion Agency. May sarili na rin siyang Boutique and Fashion House.
"Oo na po. Hindi ko naman 'yan makakalimutan eh. Ikaw pa ba. 'Di bale, tatapusin ko rin agad lahat ng lakad at meetings ko ngayon para libreng libre ako bukas."
[That's good to hear! I can't wait! See you tomorrow! Bye.]
"Bye."
Then the call ended. Ah. That girl. I'm still lucky enough to have her in my life kahit punong-puno na 'ko ng kamalasan.
BINABASA MO ANG
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...