Chapter 17

50 6 0
                                    

Tapos na ang klase naman and it's our lunch break already, kasama ko si Sav pero tahimik pa rin ako. Actually, I was silent for the past few hours. Tangina hanggang ngayon, nawiwindang pa rin ako. Una, 'yong first target ko gamit ang pink arrows ay 'yong crush pala ni Sav na mahal din ni Clara, well, soon of course because of the arrows. Tapos ngayon, Si Clara ay kaibigan pala ni Maris na second target ko ng pink arrows na mangf-friendzone kay Carlo. Shit. How could this be possible?!

"Hey, best! Okay ka lang? You seemed a little spaced out. May problema ba?"

"H-huh? W-wala naman. Iniisip ko lang 'yong mga school works ko. Loaded na kasi ako eh kaya medyo lutang na 'ko kakaisip kung ano ang uunahin ko. May sinasabi ka ba? I'm sorry, hindi ko narinig eh. Ano ulit 'yon?"

"Nothing important naman. I was just thinking na what if Grey's getting serious about your 'fake' relationship. What if totoo na pala siyang may gusto sa 'yo kasi imagine, siya pa 'yong nagpupumilit. Will you allow him to court you for real?"

"Nah. It's impossible Sav."

"What if nga lang 'di ba? Nga pala, sa'n si Zel?"

"Pinatawag siya no'ng coach ng basketball kanina sa court eh. Mukhang nakapasok yata 'yong mokong. Hindi pa kasi namin natingnan 'yong post sa bulletin kaya hindi pa namin alam kung nakapasok na ba siya."

"Omg really!? Congratulations to him."

"And congratulations to you too dahil may rason ka ng pumunta sa court para makita 'yang bebe loves mo. Yuck."

"Ito naman. Maka-yuck porque't wala kang crush ngayon eh. Ay, meron ka nga palang Grey Villaferde. Yiee. Punta tayong court!"

"Ayoko nga. Ano namang gagawin natin do'n?"

"Bibisitahin si Zel. Tsaka makikibisita na rin kay Grey bebe mo at kay Christian ko."

"Ew. Kung maka 'Christian ko' ka akala mo naman sa 'yo 'yong tao. Masyado kang advance mag-isip eh. Kalma ka nga. Alalay sa damdamin. Tsaka anong Grey bebe ko d'yan!? Mandiri ka nga."

"Sus. O sige, kahit si Zel na lang ang bibisitahin natin. Tutal kaibigan mo rin naman siya 'di ba? Dalhan na lang natin ng lunch para kunwari may excuse."

"Tingnan mo nga 'to. Ang sama. Ginagamit mo lang 'yong inosenteng tao para sa pansarili mong kagustuhan ah? Kawawa naman si Cu--" sht. Muntik na 'kong madulas.

"Si?"

"S-Si Zel. Kawawa naman si Zel kasi gagamitin natin siyang rason para makapunta do'n."

"O sige na nga. Pupunta na talaga tayo do'n para naman madalhan natin ng lunch si Zel."

Na-realize ko rin 'yon. Kawawa nga siya kahit loko 'yon. Matakaw pa man din si Cupid.

"Bakit ba kasi lunch break pa sila pinatawag? May plano ba silang gutumin mga players nila?" I blurted out unconciously.

Teka, nasabi ko ba talaga 'yon? Aish! Kung ano-ano na 'yong iniisip ko dahil sa lalaking'yon eh!

"Chill ka nga lang. Oh dahil concern ka na naman sa kaniya, bilhan na natin siya ng lunch at dalhin sa court."

Ako? Concern sa kaniya!? Hell no!

Pero ba't ang defensive ko?

Ako? Defensive!? Hindi kaya no! Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko!? Argh!

Nauna ng tumayo si Sav at pumila na sa may counter.

"Ano ang io-order natin para kay Zel?"

"'Yong usual na lang natin na ino-order." sagot ko. Tutal pareha lang naman kami ng ino-order palagi ni Sav. The usual lunch meal package.

Nang makuha na namin ang order, pumunta na agad kami ng court. It's past 12 na kasi. Buti nga at hanggang 2 ang break namin ngayon dahil wala ang ibang teachers kaya wala muna kaming pasok sa first at second subject ng hapon.

When we arrived at the court, naririnig na agad namin ang dribbles at yapak ng sapatos na tumatakbo.

Mukhang nagsimula na nga silang mag-practice. Sumilip muna kami bago pumasok and I saw Grey and the others playing. Hindi ko naman makita si Cupid.

"Mukhang wala yata si Zel sa loob." Sabi ko kay Sav.

"Talaga? Sayang naman 'tong binili natin."

"Hindi ko siya nakita sa loob eh."

"Text mo na lang."

Ay tangina wala akong number do'n o kung may cellphone nga ba 'yon?

"Wala akong number sa kaniya eh."

"Ano?! Akala ko ba friends kayo no'n. How can you contact each other?"

"Nagbago kasi siya ng sim." I lied. Okay, I am very aware of that. Pasensya na. Alangan namang sabihin kong, 'Actually wala siyang Cellphone dahil isa siyang diyos at hindi uso ang smartphone sa langit.' What? Do you expect me to say that? And besides, it's still a white lie though.

"Alis na lang tayo." I suggested.

Aalis na sana kami nang may biglang humawak sa braso ko.

"Hey." He said.

I turned around to see him.

"Oh. Hi Zel!" Masiglang bati sa kaniya ni Sav.

He was wearing a white v-neck shirt at blue jersey shorts. Fck ba't 'di ko magawang alisin ang titig ko sa kaniya?

"Z-Zel." Fck ngayon nabubulol pa 'ko.

"Sa'n kayo pupunta?"

"Aalis na sana kami eh kasi sabi ni Spirit wala ka daw sa loob. We came here to give you your lunch pa naman kasi sabi ni Spirit pinatawag daw kayo ng coach kaya hindi ka makakapag-lunch that's why we brought you your lunch na lang. Nagalit pa nga 'tong si best--"

Hindi na natapos pa ni Sav ang sasabihin niya dahil tinakpan ko agad ang bibig.

Nakita ko namang ngumisi si Cupid sa ginawa ko. Ugh. Nang-aasar na naman 'to eh!

I faked a smile.

"Tama na 'yan Sav. Masyado ka ng maraming nasabi." I said habang nakangiti pa rin ng peke.

Ano 'to, spokesperson ko siya? Panay sabi ng 'sabi ni Spirit' eh. Nagmumukha tuloy na mas ako pa 'yong gustong bumisita dito kay Cupid sa court. Tangina naman.

Sinamaan ko lang ng tingin si Sav bago bumaling ulit kay Cupid.

"Anyways, here's your lunch. Sav, ibigay mo na sa kaniya. Paka-busog ka ha? Matakaw ka pa naman." Sabi ko na may halong pang-aasar sa tono ng boses ko.

Totoo naman kasing matakaw siya. Psh.

"Uy hindi ako matakaw ah. Fake news ka talaga Spirit eh. Tsaka ayos lang namang aminin na concerned ka sa 'kin."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano? Sinong niloloko mo? Concerned ka d'yan. For your info mister, it was Sav's idea na dalhan ka ng lunch dito."

"Really? Aww Thank You Sav. Mabuti ka pa may malasakit sa 'kin. It's really nice that you care about me kahit iniisip mo no'ng una na baka karibal kita sa best friend mo."

"Nah. It's nothing. The lunch was really my idea pero si Spirit 'yong mas concern dahil baka magutom ka raw."

"What!? Ikaw talaga 'yong fake news Sav eh. Kailan ko ba sinabi 'yon."

"Sus deny pa. Ano namang masama kung sasabihin mo 'yong totoo?"

"Walang masama kasi hindi naman 'yon totoo."

"Don't worry, Sav. I know the truth." He said with a wink.

'Thank you sa concern.'

Napaubo na lang ako sa sinabi niya.

Yeah whatever. I'm outta here.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon