Nandito kami ngayon ni Cupid sa bahay, sa kusina specifically.
Akala ko talaga in my entire life, hindi kumakain ng human food ang mga diyos.
"Excuse me, nagugutom rin kami no!" Bigla niyang sita sa akin.
"Alam mo, nagtataka lang talaga ako." Depensa ko naman. My goodness, him and his freaking ability to invade privacy!
"Sa alin?" Inosente niyang tanong habang lumalamon.
"Since when ka naging maarte?" I annoyingly asks. Inarapan niya naman ako.
"Maarte ka diyan. I am not maarte no." Angal pa niya. He squinted his eyes at me.
"Woy anong hindi? Eh sa pananalita mo pa lang, ang arte arte na eh. Ang conyo mo! Shucks."
"Hindi kaya ako conyo! Grabe ngayon lang din ako na-inform na grabe ka pala magbigay ng atensyon sa 'kin. Are you interested in me?" He playfully asks habang taas-baba pa ang kaniyang kilay. I acted as if I wanted to vomit.
"Yuck. Bilib din ako sa taas ng confidence mo eh. Hindi ka lang baliw, mayabang pa!" Nandidiri kong tanggi.
Hindi na siya umimik pa dahil masyado na siyang naging busy sa pagkain niya.
Kumakain siya ngayon ng Fried Rice at Fried Chicken na may kasamang Mashed Potato. Parang nasa fast food lang.
Oo kasi natatakam daw siya no'ng pagkain sa TV. Kitams? Loko din talaga minsan. Ay hindi lang pala minsan, all the time talaga.
"Kain ka." pag-aaya niya. Napataas naman ang aking kilay sa kaniya.
"Wow. Ngayon mo pa naisipang yayain ako na tapos ka na. Unbelievable." I clapped my hands in amusement and disbelief.
"Ay. Pasensya na. Na-carried away ako eh." He smiled at me sheepishly at napakamot sa kaniyang ulo.
"Carried away? Ng ano? Pagkain? Ulol ka talaga."
Umayos ito ng tayo at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Alam mo, ang yaman-yaman niyo. Matalino ka pa. Pero sa pananalita at kilos mo, hindi halata na gano'n ka eh." Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. Talagang nang-insulto pa 'tong lokong 'to ah!
"'Di kasi ako maarte gaya mo." I stuck my tongue out at him and rolled my eyes.
"Tingnan mo nga 'to. Pinupuri ka na nga, binabara mo pa 'ko. Babawiin ko na nga lang lahat ng mga magagandang sinabi ko sa 'yo." Pagmamaktol niya.
"Sus. Para namang may sinabi kang maganda sa 'kin. Eh hindi mo pa nga nasasabi, binabawi mo na agad." I jokingly flipped my hair at him at napaatras naman siya.
"Psh. Matanong ko lang, sa'n magulang mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Wala na kasing pinapatunguhan iyong pag-aaway namin.
"Wala sila. Nasa Singapore. May business trip." Sabay kibit ko ng aking balikat.
"Sayang. Malakas pa naman ako do'n, 'di mo 'ko mapapalayas. Eh kung sa 'yo ako maiiwan, baka mamaya masipa mo pa 'ko palabas anumang oras." I glared at him. Iyon lang pala dahilan niya para tanungin 'yon!
"Ah talaga? Kung isipa na kaya kita palabas ngayon pa lang!? Wala ka talagang utang na loob no? Ako na nga 'yong um-oo na dumito ka muna, 'yan pa talaga sasabihin mo!?" Tumayo ako mula sa aking inuupuan at nilapitan siya saka sinimulang itulak ng marahan.
"Teka nga, syempre joke lang." Nagdrama pa ito na tila ay nasaktan sa ginawa kong pagtulak.
"P'wes sa 'kin, hindi 'yon joke! Lumayas ka na!" Marahas kong tinuro ang pintuan palabas.
BINABASA MO ANG
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...