Chapter 19

41 5 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa park, kasama ko pa rin si Grey. Ayaw pa raw niyang umuwi kaya pagkatapos naming kumain do'n sa Café, nag-aya namang mamasyal dito sa park.

"Ano ginagawa natin dito?" I asked him.

He was just silently staring at the kids na kasalukuyang naglalaro sa tapat namin.

Hindi niya muna ako sinagot kaya nakititig na lang ako do'n sa tinitingnan niya.

"You know what? There's someone who never failed to amuse me." He said, smiling.

I didn't say a word, instead, I waited for him to continue.

"She's very unpredictable and that's one of the many things na nagustuhan ko sa kaniya."

Oh. So she's talking about a girl now?

Hindi ulit ako nagsalita at hinintay lang siyang magpatuloy sa sinasabi niya.

"But unfortunately, things never worked out on us. She's my greatest blessing and at the same time my biggest karma." Natawa naman siya bahagya.

I could feel the pain in every word he says.

"Nawala siya sa 'kin and I was miserable."

"Iniwan ka niya?" I asked.

"Nope. Iniwan ko siya."

What!?

"Eh bakit mo naman siya iniwan kung ganiyan pala ang nararamdaman mo para sa kaniya?"

"It's her. It's a little complicated. She's suffering because of me, because of my attitude. Nasaktan ko siya out of anger. Hindi ko nagawang kontrolin ang galit ko kaya gano'n ang nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko and I hope she would know how sorry I was."

"Why don't you go to her and tell her you're sorry? I'm sure she'll understand lalo na kung mahal ka niya."

"I couldn't risk it. Ayokong gawing miserable ang buhay niya dahil maraming madadamay. I know she's so good at balancing her personal emotions with her effect on the people around her but I just couldn't. Basta. Kahit anong mangyari, I still believe in her na kaya niyang mai-ayos ang lahat even her own life."

"You still love her?"

He was silent and silence means yes.

"Actually, silence means I don't know."

Napakunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. That's a strike 2 for him.

"Narinig mo na naman ang iniisip ko?"

"You're so funny. It's actually written all over your face at isa pa, you girls are very predictable. Alam kong ina-assume mo na agad na silence means yes. It's obvious because of your question."

I just nodded but somehow, I couldn't believe what he said. Sabihin niyo na na sadiyang magaling siya sa mga ganiyang bagay but still! Hindi pa rin ako convinced.

"Hey. Are you still bothered? Seryoso, iniisip mo ba talagang nakakarinig ako ng mga iniisip mo? Sa'n ka naman nakakita no'n?" Natatawa niya namang saad.

Si Cupid! I wanted to say that pero mas lalo lang akong magmumukhang tanga. Oo nga naman, may point siya. Shocks dahil 'to sa kagagawan ni Cupid eh! Kung anu-ano na tuloy ang iniisip ko.

Napabuntong-hininga na lang ako and closed my eyes.

"Anyways. If you don't mind me asking, may I know the girl's name? She seems powerful enough though."

Napatingin naman siya bigla sa sinabi ko.

"P-Powerful? And why do you think na gano'n siya?" He said with a nervous laugh.

"Well, not literally though. I just thought kasi siya ang reason kaya nagkakaganiyan ka. She has a very huge effect on you, the great Grey Villafuente." Sabi ko habang bahagyang natatawa.

Wow. This is the first time na nakita ko siyang namroblema dahil sa isang babae, not because na buntis niya ito or obsessed sa kanya but because he's in love with her.

It seems cliché though but it never gets old.

I heard him heaved out a deep sigh. Why does he seemed so relieved after hearing my explanation? Hmm. 'Di bale na nga. Nago-overthink na naman ako.

I never get to know the girl's name. Ayaw niya yatang sabihin at hindi ko naman pinilit.

We stayed there for a few minutes, nagchi-chikahan lang. Kala mo naman babae 'to. Dumadaldal na rin eh, but in a good way naman. Nagpunta rin kami sa isang Italian restaurant para makapaglunch at bumalik ulit sa park para raw magpatunaw. Kala mo naman kung ano na 'yong kinain namin para kailangan pang tunawin ng matagal.

May mga batang naglalaro kasama ang families nila at 'yong iba naman ay mga Yaya lang yata. May iba ding mga couples na nagdi-date dito at may mga magba-barkada rin. Ang saya dito, in fairness.

After a few seconds of silence, nauna na 'kong magsalita.

"Uwi na tayo?" Pag-aaya ko saka tumayo.

Napatango naman siya at sumunod na ring tumayo.

Tahimik lang kami buong biyahe. Siguro napagod lang kami sa ginawa naming kabaliwan kanina kaya wala man lang nagnais na mag-ingay.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami ng bahay. I thanked him for driving me home kahit na it's one of his responsibilities since bigla niya 'kong hinila sa unplanned friendly date na 'to.

Papasok na sana ako ng gate nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Date ba?"

"Ay anak ng kalabaw!"

"Kalabaw ka d'yan! Diyosa ang nanay ko woy!"

"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?!"

"Hindi ako nanggugulat. Kasalanan ko bang magugulatin ka? Bawas-bawasan mo na kasi ang pagka-kape."

"Anong kape!? Hindi ako nagkakape no! Tsaka ano bang ginagawa mo dito sa labas, ha?"

"Maglalakad-lakad lang sana 'ko eh kaso bigla kitang nakita na kakalabas lang sa isang kotse. May Date ka no?"

"Friendly date, Oo. Sige pasok na 'ko ah?"

"Sandali nga." he said, dahilan para mapahinto ako.

"Ano ba 'yon? Daming tanong ah."

He rolled his eyes first before answering me.

"That Grey guy. He annoys me. 'Wag kang masiyadong makipagkaibigan do'n ah? I don't like him for you being a friend."

"Ang demanding mo naman masyado."

"Just do as I say."

"Inuutusan mo na 'ko niyan?"

"Bakit? Bawal?"

"Technically, yes. Dahil buhay ko 'to, ako ang masusunod."

"Oh come one Spirit. Masiyado ka nang nagiging matigas ang ulo. Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang pakinggan mo naman ako?"

"Bakit ba gano'n na lang ang galit mo sa kaniya? Ha?"

"You know what I am capable of at alam ko ang pagkatao ng lalaking 'yon Spirit. It's just for your own sake."

He seems serious right now at hindi ako sanay sa ganito.

"Okay fine. Susunod na 'ko okay? Kumalma ka na diyan."

"I am always calm." He said coolly at nagsimula nang maglakad palayo habang sumisipol pa.

What? In just a split second nag-change agad 'yong mood niya? Grabe. Gano'n ba siya kalala mag-mood swings? Parang babae lang.

Strings and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon