Lutang akong naglalakad sa hallway. Good thing at tapos na ang klase kundi, wala na namang papasok sa utak ko. Ayaw kong masita dahil lang sa hindi ako nakikinig sa guro at mabahiran ng masama ang good records ko dahil paniguradong madi-disappoint sa 'in sina Mommy. I can't handle that.
Marami nang mga tao sa hallway dahil tapos na ang klase at buti na lang ay walang bumabangga sa 'kin dahil hindi ko talaga mapapansin ang presensya nila dahil sa okupado kong utak. Ano teh? Ang tagal lang maka move on no'ng kanina? Binabalikan ko kasi talaga lahat ng mga nangyari simula sa umpisa.
Who could have thought that it would turn out like this? Shit.
"Uy best! Tulaley ka diyan?" Salubong sa akin ni Sav. Hindi ko namalayang nandiyan na pala siya. I was spacing out. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa mga nangyari kanina. Shit.
"Best naman. Tulala ka ulit. Ano bang nangyari?"
"H-Huh? Wala naman. Teka ba't ka nandito?"
Sabay kaming naglakad ni Sav palabas ng gate. I don't know why we're here outside. Nasa Parking Area naman 'yong kotse ko.
"Susunduin kasi ako ni Mang Ismael eh. May pupuntahan kasi kami buong pamilya sa Taguig. Mukhang bibisitahin namin ang kapatid ni Mommy doon. Pwedeng pa sama muna dito sa labas? Lakad-lakad muna tayo best. Tsaka Chika-chika rin." Sabi niya sa 'kin ng nakangiti. She's so happy right now. She was even giggling. Sasabihin ko ba ang nangyari kanina? Pero baka masira lang ang mood niya?
Pero bakit nga naman masisira ng mood niya, baka nga ay mas maging masaya pa siya kapag nalaman niyang umamin sa Clara kay Christian at hindi ito magawang suklian ni Christian.
I was just worried na if I tell her, maging bitter lang siya kapag marinig niya ang pangalan ng Ex Crush niya. You know how much she suffered and got her heart broken dahil lang do'n diba? She's so fragile.
"Alam mo best? Tulala ka na naman. Kaunti na lang talaga pipitikin ko na 'yang utak mo at nang mabalik naman ang katinuan dito. Hello? Earth to Spirit. Kung nasaan man naglalakbay ang diwa mo ngayon, pinapakiusapan ko na umuwi at bumalik muna dito sa katawang lupa niya." Pagpupukaw niya ng atensyon ko.
Shit. I didn't realized that she was talking to me pala. I was not even listening! I was spacing out again for the nth time. Baka mamaya ay magtaka na talaga itong si Sav at magsimulang mangulit. Hindi ko pa napapag-isipan kung sasabihin ko ba sa kaniya.
"Best? Ano? Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Namumutla ka oh. Plus pinagpapawisan ka pa ngayon eh wala na namang araw. Are you okay? Sabihin mo nga sa 'kin. May problema ka ba?"
"H-Ha? A-Anong problema? Wala. Wala. I'm fine. Don't worry."
"Best, you look bothered. Kaya come on. Spill. You have to tell me na. Sige na."
Shit. See? Hindi pa 'yan 'yong usual na kakulitan niya ah?
Oh Good Lord, help me. Give me a sign. 'Yong madali pong ma-recognize. Thank you po.
"Hindi naman kasi problema ang iniisip ko Sav. What were you saying kanina?"
"Hmm. Though hindi ako gano'n talaga ka-convince na wala kang problema, I'll let it slip na lang. Babalikan kita later. Ang sinasabi ko lang naman kanina ay 'yong tungkol sa sudden family gathering namin. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari? Wala naman kaming naging problema sa mga negosyo. I wonder what it could be."
"Don't think about it too much. Baka mamaya ay hindi naman pala problema. Malay mo naman kasi magsasalo-salo lang talaga kayong magkapamilya. O baka naman may Good news na sasabihin sa inyo diba? You have to stay positive."
"Well. That's kind of true. Though alam mo namang hindi rin basta-basta nawawala ang pagiging bothered ko sa mga bagay-bagay diba?"
Naglalakad kami papunta sa nearest Convenience Store sa kabilang kanto. Do'n na lang daw maghihintay si Sav sa sundo niyang si Mang Ismael.
Mukhang ito na ang sign na hinihingi ko. Na hindi ko na lang sasabihin kay Sav ang nangyari kanina.
Okay. That's it.
"Best? Alam mo I'm starting to think na may tinatago ka sa 'kin eh. Ano ba kasi talaga 'yang iniisip mo at palagi ka na lang tuliro. Alam mong makulit ako diba? Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang bumabagabag sa 'yo."
Namutla naman ako nang marinig ko iyon.
"Sav--"
"Best. Isa." She said in a warning tone.
I sighed as a sign of defeat. Gano'n pa rin naman. Hindi niya 'ko titigilan kaya hindi ko na lang papahabain pa ang usapan.
"Promise, you won't freak out or Over-react okay?"
"Promise. Ano ba kasi 'yan? Ang arte ah. Ang dami pang nalalamang pa-Promise."
"Fine. Ito na nga. Kaninang hapon kasi, I overheard Clara and Carlo's conversation. Sinabi ni Clara kay Carlo na aamin na raw siya kay Christian."
Nakita ko namang napatulala at namutla si Sav nang marinig niya ang sinabi ko. Nag-panic naman agad ako. She's getting the wrong idea!
"No best! It's not what you're thinking. Kanina, I followed Clara at nakinig ako sa confession niya kay Christian. I wasn't planning to look like a gossiper, I just did that out of Curiousity. I heard everything at narinig ko rin ang pag-reject ni Christian kay Clara. I wasn't planning to keep this as a secret. Sadiyang naghahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo but you were so eager to know what was bothering me so I had to tell you."
I was hoping to see her face lit up pero walang nangyari. Tulala pa rin siya. At mas lalo akong nag-panic nang makita kong tulala siyang naglalakad at ngayon ay patawid na siya sa kalsada.
I hear loud horns dahil may isang nagraragasang kotse ang palalapit sa direksyon niya pero tila walang naririnig si Sav. I was so scared. I shouted her name.
"Saveans!" Pero walang nangyari. I ran as fast as I could and pushed her away with my full force. Napadapa siya sa gilid ng kalsada habang sinalubong naman ako ng isang itim na kotse. The light was blinding until it hit me.
Bumagsak ako sa isang malamig na semento.
Isang malakas na busina at sigaw mula kay Sav ang tangi kong naririnig. Nakakabingi.
"Best! I'm so sorry."
Ang umiiyak na si Sav ang huli kong nakita bago ako tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Strings and Arrows
FantasíaNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...