I decided to have a rest for a while kahit ngayong araw lang. Masyado akong naging pre-occupied sa naging usapan namin ni Sav kahapon.
Napagdesisyunan kong tumambay dito sa Italian Restaurant na pinagkainan namin ni Sav kahapon. Kung saan ko siya nakita.
Ironic diba? Lakas kong makasabi na hindi na 'ko babalik dito pero heto pa rin ako at nagbabakasakaling makita ko siya.
Grabe. Desperada na talaga yata akong makita siya ulit. Kaya rin siguro hindi ko magawang mag mahal ng iba dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya and that Love is strong enough to hope that he'll be back.
He promised and I'll hold on to that. Hindi niya 'ko bibiguin. Sana nga.
Pinagmasdan ko ang mga naririto sa paligid. May mga magkapamilya, mag-asawa at 'yong iba ay mukhang mag-jowa pa lang yata. Talagang pangmayaman ang restaurant na 'to dahil lahat ng mga naririto ay nakadamit-pangmayaman.
Maganda naman ang ambiance ng lugar na 'to. Masiyadong Italyano na italyano ang dating. Mula sa mga disenyo ng lugar, pagkain at pati na rin ang mga musikang pinapatugtug.
Maya-maya pa lang ay nakita ko ang pagdaan no'ng waiter na epal noong isang gabi. Tangna naiirita na naman ako. Kung hindi ba naman kasi siya isa't-kalahating baliw, eh di sana nahabol ko na si Cupid no'n!
Aish. Ba't ko nga ba siya sinisisi? Hindi nga ako sigurado kung totoo nga bang siya 'yong nakita ko. Tsaka ba't nga ba nandito pa rin ako? Baka nga kasi ilusyon ko lang 'yon, dala ng sobra kong pagka-miss sa kaniya.
Tama. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanang wala na siya at hindi na siya muling babalik pa. Ilang taon na rin ang lumipas at walang Cupid na dumating.
I took my bag and was about to leave when I felt someone walk towards my direction.
"Excuse me ma'am."
I look at the guy who was standing in front me.
Damn.
"Ikaw na naman?!" Bulalas ko na medyo may halo pang pagkakairita.
It's that same old waiter again. Gago ba 'to!?
I looked at his name plate and raised an eyebrow on him.
Well then, Cullen, humanda ka at talagang nairita mo 'ko dahil sa presensya mo.
"Ma'am. It's nice to see you again here! May I take your order?"
"Take my order your ass. Pwede ba? No'ng isang araw ka pa ah. Naiirita talaga ako sa presensya mo dahil diyan sa ka-epalan mo."
Nakita ko namang bahagyang nagulat siya sa naging asal at pakikitungo ko sa kaniya. Shit. Sino ba kasing hindi maiirita!? Darn it. Alam ko namang hindi niya kasalanan 'yon dahil wala siyang alam pero hindi niyo 'ko masisisi.
"S-Sorry po ma'am. Hindi ko po alam na may ganoon na po pala kayong nararamdaman. Hindi ko po alam kung anong naging kasalanan ko po sa inyo. Ginagawa ko lamang po ang aking trabaho. Humihingi po ako ng paumanhin sa kung ano man po ang naging kasalanan ko sa inyo."
Dammit. Kinokonsensya ba 'ko ng isang 'to!? Shit. Effective ah.
Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko saka siya muling tinuonan ng pansin.
"Look, Cullen. I am really sorry for acting such a brat earlier. I did not mean it, trust me. Sadiyang may pinagdadaanan lang ako and I was looking for an outlet to vent it all out. Sadiyang sa 'yo ko pa talaga naibuga lahat. Which is madly wrong. I'm so sorry. Wala kang kasalanan."
I saw him flashed an assuring smile.
"Ay naku ma'am. Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad. Naiintindihan ko po kayo. Gano'n po talaga kapag may pinagdadaanan tayong problema sa buhay. Minsan hindi na po natin alam kung anong dapat gawin. Kung ano ang tama at mali kaya naiintindihan ko po kayo."
BINABASA MO ANG
Strings and Arrows
FantasyNever in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'di ba? This is a story about a lady who accidentally became a cupid after cursing the latter to the last of her breath. In this roller coaste...