Chapter 2 (The Shout)

59 0 0
                                    

''MS. ESPINOSA, what's the answer in my question!?'' pasigaw na sabi ng kanyang professor. Natutulog kasi ito dahil napuyat kagabi sa kakaiyak. Nagulat na lamang siya ng sigawan ng guro.

''Huh? Ahm... Sir... Eh...'' nalilitong sagot nito. ''Look, Ms. Espinosa, if you want to sleep, the door is open. Umuwi ka na lang sa bahay niyo. Alam mo namang ayaw kong may natutulog sa klase ko, 'di ba!?'' bulyaw ng professor sa kanya.

''Pasensya na, Sir. Hindi pa po kasi ako nakakatulog ng maayos simula no'ng mamatay ang parents ko.''

Oo, namatay ang kaniyang mga magulang, isang buwan na ang nakalilipas. Namatay sila dahil sa isang plane crash. Dapat sana ay papunta ng London ang kanilang mga magulang para puntahan ang kaniyang kuyang si Luke. Ipakikilala kasi nito ang kanyang girlfriend na si Gabby and at the same time, his parents want to visit his life there. Eh, hindi naman makauwi ng Pilipinas ang kuya niya dahil may kontrata pa sa Oak Tree Inc. kung saan siya nagtatrabaho.

Sa kasamaang palad, habang pababa sila ng Hong Kong para sa stop-over nila, bigla na lang nagkaproblema ang eroplano. Bumagsak ang kanilang sinasakyan malapit sa airpot. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang airport sa plane crash. Mahigit 20 pasahero ang namatay dito. Ang ilan ay sugatan at ang iba ay pinaghahanap pa rin.

Nabalitaan nila ito mula sa kanilang kapitbahay. Kagagaling lang nina Erich at ng kaniyang ate mula sa GLU dahil tapos na ang kaniyang klase. Habang kumakain sila ng hapunan, labis-labis na lamang ang pag-aalala at mabilis ang pagtakbo ng kapitbahay nila.

Papasubo na sana si Erich nang biglang pumasok agad sa bahay nila ang kanilang kapitbahay at ipiniyahag ang kaniyang nabalitaan sa magkapatid.

''Erich, Mariz, 'yong mga magulang niyo...''

''Po? Ano pong nangyari sa kanila?'' Seryoso ang mukha ni Erich. Walang emosyon ang pumapasok sa isip niya.

''Edi malamang, nasa London na.'' sagot ng kanyang ate.

''Huwag sana kayong mabibigla, pero,'' nakayuko nitong sinabi sa magkapatid, ''kasama ang mga magulang niyo sa mga namatay sa plane crash kanina. Napanood ko kanina sa TV.'' At pagkatapos no'n, ikinwento na ng kanilang kapitbahay ang lahat ng nangyari kina Erich at Mariz. Halos ilang araw hindi nakatulog ng maayos ang magkapatid. Nalungkot din ang kanilang kuya Luke.

Balik tayo sa kanilang klase. Kung titingnan mo ang kanyang best friends, makikita mong nag-aalala na sila sa kung anong pwedeng gawin ni Professor Matthew kay Erich.

''So!? Wala akong pakielam, Ms. Espinosa. Ang akin lang, pumapasok ka rito sa Generel Llev University,'' pagdidiin nito, ''para mag-aral at hindi para matulog! Palibhasa, lagi kang bagsak! Ni wala ka ngang kaalam-alam eh.'' Labis na napahiya at nadurog ang puso ni Erich sa sinabi ng kanyang matandang professor.

Mage-explain pa sana si Erich nang bilang nag-ring ang bell. It means, lunch break na! Ang isa sa mga favorite part ng isang GLU student sa buong maghapon.

***

Nagpunta ang magbe-best friends sa canteen para kainin ang favorite miryenda nilang tatlo... ang siomai with the partnership of malamig na malamig na tubig. Bumili na sila ng siomai at cold water. Umupo sila sa table na pangtatluhan.

''Friend, okay ka lang?'' nag-aalalang tanong ni Zoey.

''Okay lang ako, Friend.'' mangiyak-ngiyak na sabi ni Erich.

''Sis, 'wag mo na lang pansinin si Sir. Gano'n lang talaga 'yon. Eh matanda na nga 'di ba? Buyido na nga eh.'' hirit naman ni Eugene. Nabalot sila ng katahimikan ng ilang segundo.

''Okay. Aja!'' ngiting sabi Erich sabay taas ng kanyang kanang kamay na para bagang nag-aaya ng suntukan. ''Salamat guys!'' dagdag nito.

''Wala iyon, Friend. We'll protect you. We'll make you happy.'' nakangiting sabi ni Zoey.

ERICH's POV

Alam ko naman kasing hindi ako gano'n katalinong tao. Alam kong hindi ako nabiyayaan ng kagalingan. Pero walang karapatang si Sir Matthew na gano'n-gano'nin ako sa oras ng klase at sa harap ng mga kaklase ko.6

Pinigilan ko lang ang pagpatak ng luha ko kanina. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Pero para sa 'kin, mas magandang sinaktan niya na lang ako physically, but emotionally, mas masakit. May pangarap ako. Hindi ko hahayaan na ang isang matandang biyudo ang sisira sa future ko.

'Buti na lang at c-in-omfort ako kanina nina Zoey. Thankful talaga ako. Lucky, overwhelmed, gifted. Pagkatapos namin ng mga kaibigan ko sa canteen, pumunta sila sa classroom namin, pero ako naman ay sa pang-isahang CR at tumingin sa salamin. I'm staring at my eyes, asking my mind if what's wrong with me. Hindi naman kasi kasalanan ang hindi maging masyadong matalino.

I didn't noticed that my tears flowed over my face. Talagang hindi ko na kinaya. Sobrang sakit. Panang pinana ng black bow ang puso ko. Sanay na ako sa mga panunukso't pagpapahiya nila sa akin, pero sumusobra na sila.

Thank my parents, tinuruan nila ako na maging mabait at pasensiyosa sa mga tao sa paligid. Kahit na ano pang gawin nila sa 'kin, saktan man nila ako, hahayaan ko na lang sila. I'm very tired. Ignoring them is one thing para hindi na nila ako pag-trip-an.

Basta ako, I will prove them that this "bobita girl", Erich Espinosa, will be a successful woman someday. Ipakikita ko sa kanila na ang pinagti-trip-an nilang babae, ay magiging isang tinitingala at respetadong tao sa mundo. Hindi ko na sila gagantihan.

Sabi nga ni kuya Luke, "Huwag kang gaganti sa taong gumawa ng masama sa 'yo. Kahit ano pa 'yon. Kahit gaano pa kasama 'yon. Kahit gaano pa kasakit 'yon. Basta, maging mabait ka lagi sa kaniya at darating din ang oras na mare-realize niya ang nagawa niyang pagkakamali sa iyo."

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon