Chapter 13 (The Wasted Love)

28 0 0
  • Dedicated kay Ate Jeanela Lopez
                                    

KINABUKASAN, papunta sila sa Stratford para ipakilala ni Luke si Gabby sa kaniyang mga kapatid. Hindi pa rin mabakas ang tuwa’t kaligayahan ni Mariz, ngunit si Erich, muling iniisip si Nathan (kahit na malaki ang nagawa nitong kasalanan sa kaniya). Napansin ni Luke na malungkot ang kanilang bunso. Nagmamaneho ng kotse si Luke at nasa likod naman sina Mariz.

‘’Bunso, bakit ka malungkot? Are you not happy here?’’

‘’Wala ‘to, kuya. Naninibago lang siguro. Siguro-’’

‘’Kuya, ako na dito. Tatanungin ko na lang siya.’’ Kinausap ni Mariz ang kaniyang nakababatang kapatid subalit hindi ito klarong naririnig ng kanilang kuya. Pabulong niya lang itong pinagsabihan.

‘’Ano ba, Erich!? Gusto mo bang sabihin ko kay kuya lahat ng pinaggagagawa mo sa Pilipinas? Smile. Bakit kahapon, ang saya-saya mo?’’

‘’Huwag! Huwag mong sasabihin ate.’’

 ‘’‘Wag mo nang alalahanin si Nathan, please naman!’’ Tumaas ang tono ng boses ni Mariz kaya’t narinig ito ni Luke.

‘’Hey guys. Sino si Na–‘’

‘’W-Wala kuya. A friend of mine.’’ pagpapalusot ni Mariz.

‘’Kuya, just continue driving.’’ pagpapaalala ni Erich.

‘’Okay. But, I want to see you smiling.’’ Ngumiti naman si Erich at binulungan ng kaniyang ate. ‘’Wala. Na. Si. Nathan. Forget him, okay? Enjoy na lang natin ang buhay dito sa London.’’ At doon nagsimula ang mga maliligayang araw nila sa London. Kinalimutan muna nila pansamantala ang kanilang mga buhay sa Pinas.

Samantala, pagkapunta nila sa condominium kung saan nakatira ang girlfriend ni Luke, agad niyang tinanong  sa best friend ni Gabby na nakasalubong nila kung nasaan ito. Kagagaling lang niya sa room ni Gabby dahil binilhan niya ito ng cake. Fil-Am ang best friend ni Gabby, kaya hindi mo mapapansing amerikana ito. Morena, may mahabang buhok, mahinhin. Parang dalagang Pilipina. Nananatili lang siya doon dahil may inaasikasong papeles at pagkatapos no'n, she will come back to America.

‘’Hey, have you seen Gabby?’’ tanong ni Luke.

Nasa likod ang dalawang kapatid niya. Humirit si Mariz, at tinanong kay Mariz ang, ‘’Ate, makaka-survive ba talaga ako dito?’’ Agad namang sumagot ang kaniyang ate at ngumiti.

‘’Oo, Erich. Basta, FYF. Gano’n lang kasimple. BPT!’’

‘’FYF? BPT? Ano ‘yon?’’

‘’Face your fears! Be positive thinker, Erich. ‘Wag kang nega.’’

‘’Yeah! She’s in her room upstairs. By the way, I got to go. Bye Luke! See you tomorrow for the birthday party of Georginia.’’

‘’Okay. Thanks Jane! See ya’.’’ Lumabas na si Jane sa condo ni Gabby at umakyat na ang magkakapatid papunta sa itaas. Room 124. Pinindot ni Luke ang doorbell ngunit hindi ito narinig ni Gabby. Nag-doorbell muli ang binata ng tatlong beses ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pintuan. Kumatok siya at, wala pa ring nagbubukas. Alam ni Luke ang passcode ng room ni Gabby. He entered the password and sa wakas, nabuksan ang pinto. Maganda ang loob nito at may mga kulay rosas na kurtina. Walang katao-tao sa loob, pero may narinig na kalampog si Erich. Agad niyang pinuntahan kung saan nagmula ang tunog na ‘yon, at may narinig pa siyang boses ng babae na nagpahiwatig ng, ‘’Kiss me, Louis. Oh heaven, kiss my neck and have a great day with me.’’

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon