Prologue

82 1 0
                                    

        ‘’Bobo man ako sa inyong paningin, ako’y aangat pa rin.’’ Siguradong sigurado si Erich sa kaniyang magiging future habang hawak at tinititigan ang class picture no’ng 4th year high school sila. Hindi biro kay Erich ang mga pinagdaanan niya no'ng high school pa lang siya. Maraming nagsasabi  na sayang ang ganda at magandang pangangatawan niya dahil sa mabagal na pagtakbo ng kaniyang utak. Tinagurian nga siyang ‘’Bobita Queen’’ ng classroom nila dahil daw sa kabobohan nito. 

            Hanggang sa matagpuan niya sina Eugene Rosso at Zoey Javier, ang una niyang mga naging kaibigan. Erich didn't expected that there are still kind-hearted people remaining in the earth.

          ‘’As if naman, maganda at sexy ang mga ‘to. Akala niyo ba hindi ko alam na sa tuwing humihingi kayo ng papel sa ‘kin no’n, pinaplastikan at ini-snab-an niyo ‘ko? Kapal muks?’’ Nakakunot ang noo nito at nagsasalubong ang mga kilay habang nakatuon ang mga mata niya sa tatlong babaeng sina Demi Reyes, Vicky Felebusterismo, at Lianne Montemayor, ang mga babaeng ‘’Charlie’s Devils’’ sa kaniyang paningin. Lagi kasi nilang tinutukso si Erich at binu-bully pa nila ito pagkatapos ng kanilang klase.

          Pero, hanggang ngayong college siya, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga nanunukso sa kaniya. Hinahayaan na lang niya ang mga ito dahil baka lumaki lang ang gulo. Kung tutuusin, malungkot ang buhay niya, pero nandiyan pa rin ang kaniyang ate Mariz at kuya Luke (including her best friends) para gabayan siya sa bawat hamon ng buhay.

           Lumuhod na si Erich pagkatapos ilagay ang kanilang class picture sa photo album. She prayed first at pagkatapos manalangin, nahiga na siya. ‘’Just. Close. Your. Eyes. And. Dream.’’ Isinarado na niya ang kaniyang mga mata. Natapos na naman ang nakakapagod na araw. Thank God for this day.

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon