Chapter 9 (The Counter Girl)

25 0 0
                                    

        HANGGANG sa dumating na ang araw ni Erich para mag-aral muli, inasikaso na niya ang mga projects na ibinigay ng kaniyang professors. Hindi niya alam ang gagawin dahil tambak pala siya nito at akala niya, madali lang itong gawin, pero nagkamali siya. Kaya ngayong Linggo, sinubsob na lang niya ang kaniyang oras para tapusin ang 3 niyang proyekto na ang deadline lang naman ay sa araw ng bukas. ''Boba kasi Erich! Nakakainis ka!!! Inatupag mo kasi ang ibang bagay bago itong projects mo!'' sabi niya sa sarili at ipinukpok ang kaniyang ulo sa mesa.

        Maraming libro ang nakakalat sa mesa kung saan siya gumagawa ng paper projects niya. Ito namang si Nathan, hindi alam kung anong gagawin para mapakalma ang dalaga.

        ''Rich, okay ka lang?'' tanong niya.

        ''Oo, Nate, okay lang ako.''

        ''Sure ka? Anong gusto mong kainin? Alam mo na, baka... a, e, may gusto kang kainin.''

        ''Siomai!'' masayang sambit ng dalaga.

        ''Saan ako bibili no'n? Eh wala man nga no'n dito sa bahay eh.'' pagtataka ni Nathan.

        ''Diyan lang sa EV Market. Dadaanan mo lang 'yong limang kanto tapos mararating mo na.''

      Nathan, inilagay mo na naman ang buhay mo sa kapahamakan. Nangamot na lang siya ng kaniyang ulo. Agad na umakyat si Erich para kunin ang pera at ibinigay na kay Nathan. Nag-jacket ng itim si Nathan at biglang nagtaka ang dalaga, eh hindi naman malamig. Hindi rin naman mainit at umuulan... pero nagdahilan na lang si Nathan na may allergy siya sa usok ng mga sasakyan, na pinaniwalaan naman ni Erich.

        Mahirap kay Nathan ang ginagawa niyang pagsisinungaling kay Erich. Wala rin naman kasi siyang magagawa kundi gawin ito.

***

        Papalabas pa lamang ng bahay si Nathan, tinalukbong na niya ang ulo gamit ang hood ng jacket. Tumingin-tingin siya sa paligid. Sabi na nga ba eh! Tama ang hinala niya. Pagkalabas pa lang kasi niya, nakita na niya ang poste na may nakadikit na poster, at 'yon ay ang wanted poster na siya mismo ang nasa larawan.

        Dali-dali siyang naglakad at bumili ng siomai sa EV Market. Pumunta na siya sa counter, bitbit ang siomai. Lingon pa rin siya ng lingon at napansin niya rin na maging sa supermarket na iyon, may nakadikit din ng poster niya.

        ''Sir, 100 pesos po.'' magalang na sabi ng babae.

        ''Oh, eto.'' iniabot naman ni Nathan ang bayad niya, nakaduko, palingon-lingon.

        ''Epong! Kailangan kita dito!!!'' Ang bagal dumating ng bagger kaya nang tinitigan muna siya ng babae, aba'y parang na-love at first ito kahit na hindi niya buong nakita ang mukha ni Nathan.

        ''Sir, ang gwapo niyo naman.'' Nakikita lamang niya ang parteng ilong pababa ng mukha ni Nathan.

        ''Ah, e,'' iniangat niya ang kaniyang ulo at nakita na ng babae ang buong mukha nito, ''salamat!'' nakakataba 'yon ng puso para sa binata.

        ''Alam mo Sir, may kamukha ka po.'' pagtataka ng counter at agad namang ibinaba ni Nathan ang kaniyang ulo. Nang makapunta na ang bagger at tapos nang ilagay ang siomai sa paper bag, kinuha na niya ang bag na naglalaman ng kaniyang binili.

        Bigla namang naalala ng babaeng nasa counter kung sino ang kamukha niya. Sakto, umalis na ang bagger dahil tinawag siya ng kaniyang mga kasama para mag-lunch. ''Tama! 'Yong nando'n sa poster.'' Tinuro naman ng babae ang poster doon sa dingding at laking gulat ng babae nang mapansing... ''Guard, nandito ang wanted! Nandito sa Nathan! Guard!!!'' nagsisisigaw ang babae at humingi ng tulong. Pinigilan niya itong huwag sumigaw pero walang nagawa si Nathan kundi tumakbo na lang dala-dala ang siomai.

        Dali-dali namang r-um-escue ang mga guwardiya ngunit hindi na nila ito nahabol. Ini-report na rin nila iyon sa mga pulis. Nang makarating si Nathan sa bahay nina Erich, pagod na pagod, pawisan, at punit-punit ang paper bag, agad siyang umupo at pinainom ng tubig ni Erich.

        ''Anyare, Nate?'' pagtataka ng dalaga habang hinihimas ang likod nito.

        ''Wala, wala.''

        ''Nate, hindi pwedeng wala. Tell me.''

        ''A, ahm... Hinabol ako ng aso eh.''

        ''Hinabol ng aso? Hahaha! Baka naman drakula. Look at yourself, daig mo pa ang nakakita ng kapre sa acacia.'' tumawa naman si Erich. ''Parang aso lang, matatakot ka. Dapat kasi, kinagat mo ang dila mo no'ng madaanan mo ang aso na 'yon.'' pagpapayo ni Teacher Erich.

        ''Hindi totoo 'yon, Erich at ano'ng nakakatawa do'n?''

        ''Haha! Ang cute mo talaga.'' ginulo ni Erich ang buhok ni Nathan.

        Nabalot ng katahimikan ang bahay dahil sa sinabi ni Erich. Ang mga mata nila ay nagtitigan muli ng matagal. ''A,'' pagwasak ni Nathan sa katahimikan, ''eto na 'yong siomai mo.'' Kinuha ni Nathan ang siomai ni Erich mula sa kaniyang tabi.

        ''Nate, nang-iinis ka ba? Bakit ganito!? Punit-punit ang paper bag!''

        ''Hinabol nga po kasi ako ng drakula, Ms. Arrogant.'' pilosopong sagot ni Nathan.

        ''Talaga lang ha?'' Kiniliti ni Erich si Nathan sa bandang tagiliran. Oo, may kiliti roon si Nathan at lagi rin siyang kinikiliti ng mga kaklase niya no'ng siya'y nag-aaral pa. Kiniliti ng kiniliti ni Erich ang binata hanggang sa nakapunta na sila sa itaas ng bahay. Tuwang tuwa si Nathan at sa kakatawa nito, parang ito na ang best day ever niya.

        Nang makarating sa kwarto ni Erich, hindi sinasadyang nahawakan ni Nathan ang dalawang kamay ni Erich. Saktong kikilitiin kasi siya nito, hinawakan na niya ang mga kamay ni Erich. Na-out of balance naman ang dalaga at napahiga sa kama niya. Hawak-hawak pa rin ang kamay ng dalaga, nadapa naman si Nathan sa ibabaw ni Erich, pero hindi nagdikit ang kanilang mga katawan. Inilagay ni Nathan ang kaniyang mga kamay katabi ng ulo ni Erich.

        ''Your eyes are very cool.'' pagpuri ng binata habang tinititigan ang kayumangging mata ng dalaga. Ngumiti silang dalawa sa isa't isa at nabalot muli ng katahimikan ang kwarto.

        1 second...

        5 seconds...

        20 seconds...

        45 seconds...

        59 seconds...

        1 minute!

        ''Ah, Nate,'' pautal-utal na sabi ni Erich, ''pwede ka nang tumayo. Hehehe.''

        ''A, oo nga pala. Pasensiya na.''

        Nauna nang bumaba si Erich, nakangiti, maligaya, at inspirado. Ito namang si Nathan, napailing na lang ng banayad sa sobrang saya sa nangyari. Ngumiti siya at sinabing, ''Isang puntos muli, para sa 'yo, Ginoong Nathan.''

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon