Chapter 5 (The Stories)

41 0 0
                                    

''Nasaan ako?'' the guy asked as he hardly opened his eyes.. Hinawakan niya muna ang ulo dahil sa sakit bago umupo. ''Hello? Nasaan ako? May tao ba diyan?''

''Hey! Gising ka na rin. You're in my house.'' nakangiting sambit naman ni Erich na galing sa kusina. Biglang nag-flashback ang mga nangyari sa isip ng lalaki at naalala na ang lahat.

''A-,'' sabi ng binata, ''Ah. Natatandaan ko na. Salamat pala. Tinulungan mo 'ko.'' dagdag pa niya.

''Walang anuman.''

Lumingon ang lalaking iyon sa paligid ng bahay at may napansing...

''Teka, bakit iba ang...'' Laking gulat na lamang niya nang makita ang sarili na ibang damit ang suot. Nagpaliwanag naman agad si Erich.

''Don't worry, Mr. Kuya. I took off your clothes with my eyes closed. Basang basa ka kasi kanina.'' sabay ngiti na animo'y pusang nakangiti.

''Pero-''

''Be grateful na may naiwan pang mga damit diyan si Papa. By the way, I'm Erich!'' ibinaba nito ang kaniyang kanang kamay upang makipagkamay sa binata.

''I'm Natha-'' Naalala niya na wanted siya kaya uutal-utal itong nagpakilala sa dalaga.

Alam niyang malaki ang patong sa kaniyang ulo. Sandali lang, wanted ako. Pero, bakit hindi man lang ako nakilala ng babaeng ito? Mas mabuti pang huwag ko na lang sabihin ang totoong pangalan ko. Para naman sa kapakanan ko ito eh, pagtatakang sinabi niya sa kaniyang isipan.

''Natha...?''

''Nate! Ya, I'm Nate. Hehehe.''

''Nice to meet you, Nate.''

Inalalayan ni Erich ang bagong kaibigan para tumayo upang kumain ng kanilang hapunan.

''Kaya mo na bang tumayo? Ang taas ng lagnat mo kanina, pero ngayon bumaba na.'' sabi ni Erich habang hawak ang kaliwang braso ng binata.

''Kaya ko, Erich. Don't worry.''

Halos sampung oras na ang nakalipas bago magising si Nathan. Ipinaghanda ni Erich ang bisita ng masarap na masarap na tinola.

Kukuha na sana ng pagkain si Nathan nang sabihin ni Erich ang, ''Hep! Hep! Hep! We ought to pray first to thank God for these blessings.'' Ngumiti naman si Nathan at iniatras ang kamay. This girl is unique. May takot sa Diyos, mabait, at maalaga. God, thanks for this blessing.

Matapos manalangin ni Erich, pinagsilbihan niya muna si Nathan bago ang kaniyang sarili. Nagpasalamat naman si Nathan sa ipinakita ng dalaga. ''Thank you, Erich.''

''Ay, siyanga pala. Taga saan ka? Bakit napadpad ka dito sa village namin?'' tanong ni Erich.

''Taga Rizal ako. Mahaba-habang usapan.''

''Ah. Okay, sige. Ilang taon ka na? Oy, hindi ka naman siguro masamang tao 'no? Teka, aswang ka ba? Magnanakaw? Rapist? Holdaper?"

''A, e,'' pautal na sabi ni Nathan, ''Twenty years old na ako. Haha. Hindi ako gano'n. Kung gano'n ako, edi sana kanina pa 'ko gumising at pinatay ka? By the way, ikaw pala. Ilang taon ka na?''

Habang nagsasalita ang binata, inilapit naman ni Erich ang kaniyang mukha sa mukha nito. Tiningnan niya ito, side by side, up and down. Nagmukhang weirdo tuloy si Erich. Mukhang inosente naman. At, gwapo. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mga mata, ang ganda ng hugis ng labi, perfeeect!

Biglang napansin ni Erich ang mga pinaggagagawa niya sa harap ni Nathan. Napalunok na lang siya at sinabing, ''Nineteen years old pa lang ako. Good. I trust you, Nate. Pero, hindi ka ba hinahanap ng parents mo?''

''Thank you. Ahm, they were gone. Pinatay sila ng tito ko, 5 years ago. Erich, kakapalan ko na'ng mukha ko. Pwede ba akong mag-stay dito ng ilang araw? Wala kasi akong matutuluyan e.''

''I'm sorry. Stay? Here? In my house? Ow... sure.''

''What about your parents? Where are they? Bakit ikaw lang pala'ng mag-isa dito sa bahay niyo?'' tanong ni Nathan.

Huminga muna ng malalim si Erich bago sagutin ang tanong ng binata. "My parents died, 1 month ago. Namatay sila dahil sa plane crash. Nasa trabaho ang mga kapatid ko. Nasa ibang bansa sila."

''Sorry din. I'm sure, they're proud of you dahil meron silang anak na mabait, maganda, at maka-Diyos.''

''Asus, Nate, bolero ka din pala, 'no? Kumain na nga tayo.''

Pagkatapos ng maikling interview ay nagpatuloy na silang kumaing muli.

***

9:45 o'clock in the evening.

''Dito na lang ako matutulog sa sala.'' pahiwatig ng binata.

''Malamig diyan. Pwede ka naman do'n sa kwarto ko eh. Sa tabing baba ka nga lang ng kama.'' sabi naman ni Erich.

''Hindi, okay na 'ko dito. At saka nawawala na itong lagnat ko.''

''Sigurado ka?''

Nathan nodded.

''Don't forget to pray, Nate.'' masayang sambit ng dalaga.

''Sure. Ikaw din.''

Paakyat na ng hagdan si Erich nang biglang may sinabi si Nathan. ''Ahm, Erich... salamat nga pala ah? I know na hindi mo ako gano'n kakilala and I know na stranger ako, but you accepted me in your house. Pinagkatiwalaan mo ako kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala. You're such a great blessing from Him. Thank you and good night.'' Pagkatapos niyang magsalita ay niyakap ang dalaga.

Aw. Ang hot niya. He's very nice naman. ''A, e, ahm. Walang anuman, Nate. Hehehe. Basta, don't break my trust. I hate those people na sinungaling. Good night, Nate.''

Napaisip si Nathan doon sa sinabi niyang ayaw niya sa mga taong sinungaling. Oo nga naman. Sino bang tao ang may gusto sa mga taong sinungaling? Binitawan na siya ni Nathan at nagpunta na ng taas si Erich. What a night, Erich. Haba talaga ng hair mo. Kakikilala mo pa lang sa kaniya, parang perfect guy na siya for you.

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon