Chapter 7 (The Guitar & the First Kiss)

48 0 0
                                    

FIVE days ago, tumawag ang ate ni Erich na nasa Korea through cellphone. Natutulog naman si Nathan nang mga sandaling iyon dahil 11:45 PM na no'ng tumawag ang kaniyang ate.

''Hello. Sino po sila?'' magalang na sabi ni Erich.

''Hay! Salamat. Hello Erich! Ate mo 'to. I miss you, bunso.'' pasigaw na sabi ng ate niya sa sobrang saya.

''Ate!!! I miss you ate.'' maluha-luhang hirit naman ng kapatid.

''Kumusta ka na? Kumakain ka ba ng 3 times a day? Always kang magpe-pray.''

''Okay lang naman ako ate. Ikaw nga ang dapat kong kumustahin eh. Kumusta ka na ate? Kumakain ako. Hahaha! Ang taba ko na nga eh. Yes ate. I'm always praying.''

''Okay naman ako dito, bunso. Don't worry. Haha! Osiya, kailangan ko nang umalis. Mapapagalitan ako ng boss ko eh. Tatawagan kita ulit.''

''Ay. O sige ate. Ba-bye. Ingat ka lagi. God bless you. I love-'' Binitawan na ng ate niya ang telepono dahil sa pagmamadali nito. Nalungkot naman si Erich pero hindi maipinta sa kaniyang mukha ang sobrang kaligayahan dahil sa pagtawag ng ate niya.

The next day, kinailangang bumili ni Erich ng mga pagkain para sa isang buong linggo. Naubos na kasi nila ang mga pagkain na nasa bahay. Pinadalhan na naman siya ng kaniyang kuya Luke. Pero si Erich, hindi siya ang babaeng lulustayin ang perang pinaghihirapan ng kuya niyw sa mga walang kwentang bagay. Nag-iipon din siya para sa gayon, magkaroon ng dudukutin kapag gipit sila ng ate niya.

9:50 AM, iniwan niyang tulog si Nathan. Ang haba naman kasing matulog nang lalaking 'to. Daig pa si ate. Bumalik din siya makalipas ang dalawang oras.

In fairness, pagkabalik niya ng bahay, malinis na. Nainip kasi si Nathan no'ng umalis siya kaya naisipan na lang nito na maglinis pagkatapos niyang mag-agahan, para naman hindi na mapagod si Erich sa paggawa ng mga gawaing bahay pagkadating.

''Thank you, Nate!'' pasasalamat ni Erich.

Makalipas ang ilang oras, habang nanonood ng TV si Nathan suot ang white sando at maong shorts, bigla itong may narinig na tunog ng gitara. Hala, may multo.

Nasa itaas si Erich. Nasa loob siya ng kwarto at tumutugtog ng gitara. Pinatay ni Nathan ang TV at umakyat agad sa itaas. Nakabukas ang pintuan at naaaninag naman niya si Erich, hawak ang instrumento.

Suot ng dalaga ang t-shirt na may orange stripes at maliit na maong short. Wow! She's very sexy. Kumatok na lang si Nathan at tumingin naman si Erich. Ngumiti si Nathan sa dalaga. Natigilan naman si Erich at kinindatan ang binata. Oh! Pwede na 'kong mamatay. Hayayay. Ganda niya.

Umupo si Nathan sa tabi ni Erich na naka-Indian sit sa apple green na kama. The day is very peaceful. Sobrang tahimik at halos marinig mo na ang huni ng mga ibon.

''Marunong ka palang tumugtog ng gitara. Pwedeng mag-request?'' nakangiting hiling ni Nathan. Uma-Alden Richards na naman siya.

''Anong gusto mong kanta?'' Alam na ni Erich kung ano ang request ng binata, kaya pinangunahan na niya ito agad.

''Request ko 'yong... I'll Be There ni Julie Anne San Jose.''

''Your request is my command.'' she said as she saluted Nathan.

Tinugtog ni Erich ang song request ng binata. Habang tinutugtog nito ang intro, natulala agad si Nathan sa dalaga. She's very perfect. Kung ihahambing mo ang mga mata ni Nathan, mas maliwanag pa ang mga ito kaysa sa mga bituin.

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon