Chapter 8 (The Worried Guy)

44 0 0
                                    

Kinabukasan, ika-walong araw na ni Nathan sa puder ni Erich. Bumaba agad si Erich pagkatapos makapag-ayos ng sarili at ng kaniyang kwarto. Anong gagawin ko? Hindi ko kayang harapin si Nate ngayon. Tsk! Bahala na nga.Tiningnan niya si Nathan sa sofa at sakto na naman na natutulog pa 'yon, pero para may mali. 

Nakakumot ang binata ng kulay asul. Habang papalapit siya kay Nathan, nakita niya itong giniginaw at nanginginig sa sobrang lamig. Agad niyang hinaplos ang noo ng binata. ''Nate, okay ka lang ba? Ang taas ng lagnat mo!'' pag-aalala ni Erich. Patuloy pa rin sa panginginig ang binata.

''Kaya mo ba? Dadalhin na kita sa ospital.'' hindi na alam ni Erich kung ano ang dapat gawin.

''Hindi, Erich. Hindi. Ayaw ko doon. Please, Erich, dito ka lang sa tabi ko.'' umubo pa si Nathan.

''Oo, oo. Dito lang ako sa tabi mo, Nate.'' Yie! Haba talaga ng hair ko.

Kumuha muna si Erich ng bimpo at binasa ito ng maligamgam na tubig. Ipinatong niya ito sa noo ni Nathan para bumaba ang lagnat nito. Pinainom niya rin ito ng gamot. ''Nate oh, inumin mo 'to para agad kang gumaling.'' Nagpasalamat naman si Nathan.

Ilang segundo pa habang tinititigan ni Erich si Nathan, agad na bumangon ang binata at pumunta sa CR. Ano pa nga ba ang nangyari? Edi sumuka ang gwapo. Sinundan naman ito ni Erich at hinaplos ang likuran ng binata na nakayuko sa bowl. Pawis na pawis ang likuran ng lalaking 'to. 

''Nate, magpalit ka muna ng damit. Basang basa ang likuran mo.''

''O sige.''

Kumuha naman si Erich ng bagong t-shirt ng binata. Pagkarating niya sa CR, nakita na niyang naka-topless si Nathan. Aba, parang pasado 'to kay Erich? Ito kasi ang pangalawang beses na nakitang niyang naka-topless si Nathan, pero parang nag-improve naman. Matipunong dibdib, six pack ng abs, at syempre, hair sa baba ng pusod ang gusto ni Erich sa isang binata, na siya namang na kay Nathan. Woooh! Uh! Oh! Init! 

''Ah, Nate, eto na 'yong t-shirt mo oh?'' nakatalikod na sabi nito.

''Salamat Erich!'' at sinuot na niya ang red v-shirt. ''Rich?!'' pagtawag niya sa dalaga.

''Bakit? May kailangan ka pa ba?'' nasa sala siya para ayusin ang hinigaan ni Nathan.

''Bati na tayo ha? Sorry talaga, sorry.''

Lumapit naman si Erich kay Nathan at sinabing, ''Sorry din. Bati na tayo.''

Tumili ng mahinhin si Erich at hindi napigilan ang kilig pagkalabas ng CR. Sa kabilang banda, mabuti na lang at may experiences siya sa pag-aalaga. Lagi niya kasing nakikita ang kaniyang ina na ginagawa ang mga 'yon kapag may lagnat ang kaniyang tatay, kuya, at ate.

Inalagaan ni Erich ng dalawang araw si Nathan. Dalawang araw din kasing tumagal ang sakit niya. Pinainom niya ulit ito ng mga gamot, pinakain ng noodles, paulit-ulit na pinagpaalit ng damit, at syempre, ang pagtabi nitong matulog sa binata. Hindi niya ito pinabayaan.

Magaling na si Nathan. Habang nakahiga sa lap ni Erich si Nathan, dinampi-dampi niya ang buhok ng binata, dahilan para magulo ang ayos ng buhok nito. ''Rich, 'wag mong guluhin ang buhok ko.'' nakapikit at mabagal na sabi ni Nathan. Inaantok na kasi ito. ''Sorry, Nate.'' paghingi ng tawad ni Erich at bumungisngis ng mahina.

***

''Nate, mag-mall tayo. Hindi ka ba naiinip dito sa bahay?''

''Ha? Mall? A, e,'' pautal-utal na sambit nito, ''hindi ako mahilig diyan e.''

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon