Chapter 6 (The Hug, the Jackstone, & the Question )

54 0 0
                                    

Keep reading guys. Comment kayo ha? If naguguluhan kayo, I will make ayos-ayos it na lang. Haha! Kung natatawa or naiiyak kayo, commelike lang. Haha! Kidding. Thank you sa 'yo. Thanks sa support. ;)

- akosimanglance ;)

...

Nagising si Nathan ng mas maaga kaysa kay Erich. Kaya bilang ganting-pasasalamat nito sa dalaga, ipinagluto niya ito ng agahan. Alam niya kasing pagod ang dalaga at wala pang nakalutong almusal.

Lumingon-lingon siya sa kusina upang malaman kung may mga pagkain pa na pwedeng iluto. Nakita niya ang dalawang itlog, apat na hotdog, kanin na pwedeng gawing fried rice at mga sahog nito, at higit sa lahat, ang siomai na favorite ni Erich. Pwede naman siguro akong magluto dito. Para sa kaniya din naman ito eh.

Dali-dali itong nagluto. Ilang minuto pagkatapos mailuto ni Nathan lahat, nagising na si Erich. Ang swerte ng babaeng ito, napaghandaan ng gwapong lalaking katulad ko.

Nang pababa si Erich, lumingon siya agad sa sofa kung saan natulog si Nathan. Nasaan na si Nate? Baka nag-transform na 'yon bilang aswang. Naamoy din niya ang masasarap na pagkain.

''Saan galing 'yon? Sarap naman.'' Napapikit pa siya sa sobrang sarap ng amoy.

Pagkatapos sabihin ni Nathan ang, ''Oh, hi. Good morning! Pinaghanda na kita ng almusal mo. Alam kong pagod ka at baka may pasok ka pa. Hehe. 'Lam mo na, baka ma-late ka.'', inilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa batok at ngumiti.

''Alam mo, daig mo pa si Alden Richards kung ngumiti. Ang lalim ng dimples mo oh!?'' puna ni Erich habang pinipindot ng kaniyang hintuturo ang dimples ng binata. ''Hahaha! Wala akong pasok. Bakasyon namin ng two weeks, but still, thank you dito. Na-appreciate ko siya, Nate. Salamat.'' she added and she smiled after it.

Inaya rin ni Erich na sabay na silang kumain ni Nate.

''Ang sarap naman nito. Sure ka bang ikaw ang nagluto nito, Nate?'' papuri at pagtataka ng dalaga.

''Haha! Oo, ako nga. Nag-HRM kasi ako no'ng college, kaso lang hanggang first year lang ako. Tumigil ako. Hindi ko na tinapos 'yong pag-aaral ko.''

''Ah, gano'n ba? Sayang naman. Alam mo, kung ako sa 'yo, pagpatuloy mo iyang career or study mo.''

Nagkibit balikat na lang ang binata.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-aya si Erich na mag-movie marathon. ''Nate, movie marathon tayo.''

''Sure!'' sabi naman ni Nathan.

Habang nanoood sila ng The Conjuring, kasabay ng pagpatak ng ulan, seryoso silang dalawang nanonood. Hawak-hawak pa nga ni Erich ang dalawang berdeng unan at saka ipinantakip sa kaniyang mukha. Ang mata lang ang hindi niya tinakpan. Ang sabi kasi niya, movie marathon, so you must ready your eyes to all adventures and scenes inside the movie.

''Erich, bakit ka nakatakip ng mga unan? Hindi naman nakakatakot e.'' sabi ni Nathan at ngumisi.

''Eh kasi, tingnan mo oh!? Nakakatakot na kaya.'' nanginginig na sabi nito.

Nang nasa parte na sila ng nakakatakot, bigla na lang sumigaw si Erich. Naihagis pa niya ang mga unan sa TV. Sa kabutihang palad, hindi naman ito nasira. Pero ang mas nakakagulat lang para kay Nathan, ay ang yakapin ito ng babae.

Nakapikit si Erich, na para bagang ayaw nang ituloy ang panonood. Mahigpit ang yakap niya kay Nathan. Wala nang nagawa si Nathan kaya niyakap na rin niya si Erich. One point, Nathan. Dumada-moves!

Leaving On A Jet PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon