CHAPTER 1: SIL University
Kiana's POV,
"Kiana gising na!" Narinig kong sigaw ng ate kong si Kelsha kasabay ng pagkatanto kong binuhusan nya ako ng tubig.
"What's wrong with you ate?!" sabi ko at bumangon.
"Kanina pa kita ginigising pero ayaw mong bumangon. Gising ka na ata ngayon kaya di na need ng ikalawang buhos HAHAHA. Ako na bahalang magpatuyo niyang bedsheet mo. Pagkatapos mong maligo, pumunta ka sa dining at kumain. Maghahanap pa tayo ng school na papasukan mo."
Umalis na siya pero sumigaw parin ako
"BALIW KA TALAGA!"
Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo.
Baliw talaga yung Kelsha na yun. Gising na gising na tuloy ako.
Naligo ako at katulad nga ng sabi niya at pumunta na ako sa dining.
"Ngumiti ka nga Kiana. Ampanget mo na, mas pinapanget mo pa dahil sa simangot mo." Pang-aasar niya.
"Sinong di sisimangot sa ginawa mo?"
"Malay ko, di ko naman kilala lahat ng tao sa Pilipinas kaya di ko alam kung sino ang di sisimangot pag ginawan ko niyan."
Mas lalo pa akong sumimangot. Napakamapang-asar talaga. Pilosopo!
"Charot lang HAHAHA! Btw, nagrequest nga palang makipagvideo call si mama." Pagpapatuloy niya.
At mas lalo pa akong napasimangot.
Naiinis ako kaya tumayo ako ng walang pasabi at pumasok sa kwarto ko.
May mga anak sa labas ang ina namin at iyon ang dahilan kung bakit wala siya dito sa amin.
Nandoon siya sa ikalawa niyang pamilya at mas marami pa siyang oras doon kesa sa totoo niyang pamilya. Video call na nga lang ang pangangamusta niya samin eh, hindi man lang magawang bumisita.
Napakawalang-hiya lang na nung mismong araw na inilamay si papa ay saka niya dinala at ipinakilala samin ang ikalawang pamilya niya. Wala ba siyang respeto kay papa? Masaya pa siya nung ipinakilala niya samin ang pamilya niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung ano ang dapat mong ikatuwa sa pagpapakilala ng anak mo sa labas dun sa legal mong mga anak habang nakalamay ang legal na asawa mo.
Mayaman kami. Oo, pero noon yun. Simula nung namatay si papa ay nagbago yun. Sinimulan nang ispoil ng ina namin ang mga anak niya sa iba at hindi man lang nag-alala kung baka wala nang matira sa amin ni ate.
May pera pa rin naman kami na nakatutuos sa pangangailangan namin pero hindi na tulad ng dati.
"Kiana?" rinig kong boses ni ate sa may pinto.
Hindi ako sumagot kaya nagsalita ulit siya.
"Kiana? Ba't di ka sumasagot? Kiana, buksan mo nga 'to."
"Try mo kayang pihitin ang door knob ate?"
"Ayy HAHAHA di pala lock"
Papasok na nga lang, di pa chinicheck kung nakalock.
Maganda sana 'tong si ate Kelsha kaso minsan montanga.
"Kiana ayaw mo pa rin ba makausap si mama? Sasabihin ko nalang na busy ka kung ayaw mo." tanong nya at lumapit sakin.
Alam ni ate na galit ako sa ina namin.
Hindi ko maintindihan kung paano niyang napatawad ng ganun yung ina namin.
Again. Hindi ko sinagot si ate.
"Okay, I'll take that as a yes. Ako na bahala mamaya. Pero wag ka muna magmukmok Kiana! Maghahanap muna tayo ng school mo!"
Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang laptop. Ini-on niya yun at tsaka nagsimulang maghanap.
"KIANA!!"
"Ayy butiki!" Nasabi ko nang bigla siyang sumigaw.
"Hindi ako butiki Kiana."
"Wag ka kasing manggulat. Bakit kaba sumisigaw nalang bigla?"
"Kiana! Sa SIL UNIVERSITY KA MAG-ARAL!"
"SIL UNIVERSITY?"
"Oo."
"Eh diba yun yung school na misteryoso? Yung mga estudyante lang ang nakakaalam sa meaning ng SIL?"
"Oo. Kaya nga dun ka mag-enroll tapos sabihin mo sakin kung anong meaning?"
Kingina.
Asan ang utak ni ate Kelshaaa! Baka pwedeng pakibalik!
"Yan lang talaga ang dahilan ate?"
"Oo, ano pa ba dapat? Sige na." Hindi lang pala siya montanga, isip-bata rin.
"Ayoko nga!"
"Ang arte mo naman eh! Sige na kasi! Nacu-curious kasi ako kung anong meaning niyan. Diba sabi nga nila curiousity can kill the cat? Gusto mo ba mamatay ako?" With matching parang naiiyak pa yan.
"Eh hindi ka naman pusa." Pambabara ko sakanya.
Eh loko kase, papapasukin ba naman ako dun para sa meaning? Ayoko nga! Baka kung anong nandun eh!
"Kiana sige na kasi! Dorm type na school yan oh. Meaning niyan habang dun ka nagsstay ay di ka na mamromroblema sa tuwing makikipagvc si mama! Tsaka kung ayaw mo diyan, bakit? Wala ka namang school na natitipuhan ah?" Tanong niya pa.
Oo nga noh? Saan ako papasok? Nakakapagod naman kasing maghanap. Tsaka maganda rin yung di ko na kailangang gawing sinungaling si ate para lang di ko makaharap yung ina namin.
"Payag ka na kasi Kiana! Sige na! Sige na! Sige na! Sige na! Sige na! Sige na!" Ayan na, nagsasayaw na siya sa harap ko.
"Oo na, parang ano to eh. Tumigil ka na kakasayaw te. Para kang skeleton'g pinipilit itupi ang katawan."
"Hoy grabe ka! Papayag na nga lang, manglalait pa! Tse! Anyways thank youu Kiana HAHAHA ako na bahalang mag-enroll sayo."
Online kase mag-eenroll.
Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
TAMA BA TALAGA NA DUN AKO MAG-ENROLL?
------------------------------
Woy, iniedit ko pa to'ng story ah? Apakajeje naman talaga kase nito dati HAHAHAHA.
YOU ARE READING
Sex University (COMPLETED)
Teen FictionISANG PAARALANG MISTERYOSO AT ANG MGA ESTUDYANTE LANG ANG MAY ALAM NG KAHULUGAN. HINDI MO MAIISIP NA PURO KALIBUGAN PALA ANG ITINUTURO. •READ AT YOUR OWN RISK • This story was written years ago and includes multiple grammatical mistakes as well as...