Chapter 11

98.8K 1.1K 18
                                    

Chapter 11: Putangina

Kiana's POV,

Nang nagising na naman ako sa tunog ng alarm ko.

Bumangon ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko at naligo.

Tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko nang lumabas ako ng kwarto pagkatapos maligo para hindi ko na kailangang mag-ingat sa pagkain para di madumihan ang uniform ko, alam ko'ng wala rin si Zach.

Syempre nauna na yun sa classroom, hayok yun sa halik eh, tsk.

Tumutulo pa ang mga tubig sa buhok ko habang naglalakad ako patungong kusina para kumain pero..

"Witwew~"

Nakarinig ako ng whistle.

Pagtingin ko sa pinanggalingan nun..

"AHH! PUTANGINAMO BAT KA ANDITO?" Gulat kong sigaw nang makitang andun si Zach sa lamesa, kumakain.

"Eh? Baka dito yung room ko Kiana, nagka-amnesia ka ba?"

Nagawa pang magpilosopo.

"Gago sumagot ka nang maayos kundi sasaksakin kita!"

"Woah woah, chill lang tayo okay? Ano ba? Kala mo talaga ngayon ko lang siya inantay eh, nagtanong pa nga." Paliwanag niya.

Ha???

"Kahapon nga di moko hinintay! Syempre magugulat ako!" Sabi ko at unti-unti siyang tumingin sakin.

Napatakip naman ako sa katawan ko.

"So galit ka dahil hindi kita hinintay? Ganun ba?" Tugon niya habang nakasmirk.

Aba gago to.

"H-Hoy hindi no! Nag-eexplain lang ako kung bakit ako nagulat!" Depensa ko.

"Di eh. Sa pagkakaintindi ko, nagrereklamo ka kasi di kita hinintay. Bakit Kiana? Nasanay ka na ba saken?" Sabi niya habang may nakakaasar na mukha.

Tanginang to, naiinis nako ah.

"Hindi nga kasi ganun!"

"Sus, ganun yun eh. Aminin mo nalang."

"Masyado kang assuming!"

"Indenial ka lang."

"Hindi nga kasi!"

"Ayaw pa umamin, siguro may gusto ka na sakin." Sabi niya sabay tawa.

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil ako.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" sigaw ko at susugurin na sana siya dahil sa inis kaso...

"Witwew~ Ganun mo ba ko kagusto Kiana? Siniseduce mo na ako eh."

NAHUBAD LANG NAMAN ANG TUWALYANG NAKABALOT SA KATAWAN KO!

PUTANGINA PUTANGINA PUTANGINA PUTANGINA! WALANG IBANG NAKABALOT SA KATAWAN KO KUNDI TUWALYA KAYA ALAM KONG KITANG-KITA NIYA!

Kinuha ko ang tuwalya ko at kumaripas agad patungong kwarto.

Nagkulong ako sa kwarto at hindi pumasok.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO HAHARAPIN SI ZACH POTANGINA!

OO NAKITA NA NIYA YUNG KATAWAN KO WHICH IS NAKAKAHIYA RIN PERO MAS NAKAKAHIYA YUNG KANINA!

HUHUHU.

Sinubukan akong iconvince ni Zach na pumasok dahil wala lang daw yun pero alam ko! Alam ko'ng pagdating sa classroom, asar galing sakanya ang aabutin ko!

Paano nako mabubuhay nito? Magpapakamatay nalang kaya ako? NAKAKAHIYA PUTANGINA HUHUHU.

Ilang oras na ang nagdaan at syempre, nasa kwarto pa rin ako. HINDI NA AKO MAGPAPAKITA KAY ZACH KAHIT KAILAN!

Umaga pa lang nung nangyari ang nakakahiyang pangyayari at maghahapon na ngayon kaya nagrereklamo na ang tiyan ko.

Wala naman siguro si Zach ngayon no? Paniguradong pumasok na yun kaya wala siya dito.

Magluluto lang ako ng itlog pantawid gutom tas di na ako lalabas ulit para di ko siya makita, nakakahiya talaga huhuhu.

Ilang minuto lang naman ang pagluto ng itlog kaya hindi niya ako maabutan.

Pinihit ko ang doorknob ko at naghandang maging si The Flash para hindi ako magtagal sa labas ng kwarto ko.

Nang bumukas ang pinto ay walang ano-ano'y dumiretso ako sa kusina at nagluto.

Nang maluto ang itlog ay kumuha agad ako ng plato pero..

"What's with the rush?"

Napatalon ako nang may nagsalita sa gilid ko.

ANG PUTANGINANG ZACH!!!

BAKIT SIYA ANDITO? IMPOSIBLENG UWIAN NA KAYA BAKIT SIYA NANDITO???

Tatakbo na sana ako pabalik ng kwarto pero nahawakan niya ang braso ko.

"W-Wag mokong hawakan! Bitawan moko bilis!" Tugon ko pero hindi siya nakinig at lumapit sakin.

Tumayo sya sa harap ko at tiningnan ang mata ko kaya napayuko ako, nakakahiya huhuhu.

"Galit ka ba sakin?" Tanong niya at nagtaka ako.

Ha?

------------------------------------------

Sex University (COMPLETED)Where stories live. Discover now