Chapter 10

109K 1.2K 60
                                    

Chapter 10: Weird

Zach's POV,

"Bakit? Ano naman sayo kung maloko niya ako?" Pagpuputol ni Kiana sa sinabi ko.

Napatitig ako sakanya at napaisip.

Ano naman sakin?

Ang totoo'y hindi ko rin alam.

Ang alam ko lang..

"You're Kiana..." Tugon ko at tumalikod pero may idinugtong ako sa isip ko.

You're Kiana and you're too special to be fooled.

I don't know how, but you are.

--------------------------
Kiana's POV,

Pagkatapos akong iwan ni Zach ay naglalakad akong maraming laman ang isip. Nagtataka.

You're Kiana daw? Syempre ako si Kiana, alangan naman ako si Bea? Eh hindi ko nga kilala si Bea. Sino ba yang Bea? Bat nasali siya sa utak ko?

Ay putek lumalayo na ang utak ko. Ang dapat ko'ng isipin ay ano ang ibig sabihin ni Zach.

You're Kiana? Nagka-amnesia ba si Zach tapos parang pumasok lang sa isip niya ang pangalan ko kasi kilala niya ako dati? Omg.

Bat naman siya nagka-amnesia? Nabangga siya ng sasakyan? Eh wala namang sasakyan dito at di naman siya nakakalabas.

Putaena ano ba talaga!

Lakas ng trip ni Zach ngayun. Una di nya ko hinintay. Pangalawa bat siya may hinalikan sa room--- T-Teka, ano naman kung may hinalikan siya sa room? Wala akong pake! Tama wala akong pake kaya baguhin natin yung pangalawa.

Pangalawa, bat siya nakialam sa pag-uusap namin ni kuyang gwapo? Pangatlo, totoo ba yung sinabi niyang manloloko yun? Masyadong gwapo eh huhu. Pangapat, anong meron sa 'you're Kiana'?

Ang lakas ng loob niyang umaktong parang hindi ako kilala kaninang may kahalikan siya tas ngayon paiisipin niya pa ako ng ganito? Aba'y nasan na yung pamalo ko!

"Hi! Kiana, right?"

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang may nagsambit ng pangalan ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko si-- Sino nga ulit 'to? Yung malanding lalake na unang araw ko pa lang dito'y balak nakong landiin. Rolie ata yun?

"Ah y-yes. Why?"

"Naalala mo ba ako?"

"Rolie?"

"HAHAHA Ronie yun Kiana."

Ronie ba yun? Sorry naman, di naman kasi kami close.

"Ah Ronie ba yun? Pasensya na." Ngumiti ako ng plastik.

Ano bang kailangan niya? Dumidilim na oh, kailangan ko nang umuwi.

"Uhm are you available for a date?" Nahihiya niyang sabi habang nakayuko.

Ha? Date? Uso pa pala yan dito? HAHAHA akala ko dinidiretso na agad ng mga lalake sa kama ang mga babae.

"Date? Bakit?" Nagtataka ko'ng tanong.

Bakit siya makikipagdate sakin? Di kami close noh.

"I'm interested on you and I wanna know you more."

Tf HAHAHA MAY GANITO PA PALA DITO!

Masaya akong malaman na may ganito pa pala, yung hindi pwersahan at hindi kama agad ang pupuntahan pero kasi, hindi ko siya type. I mean,gwapo siya oo, gentleman yung pagyaya niya saken, palangiti pero hindi talaga eh.

Sex University (COMPLETED)Where stories live. Discover now