Chapter 15

85.6K 992 65
                                    

Chapter 15: Kathy

Kiana's POV,

Pagkatapos ng nakita ko ay bumalik ako sa kung saan kami nagdedate.

Hinanap ko kaagad yung bestfriend na Zach para mag-paalam na uuwi na ako sa room.

"Ba't uuwi ka na? Wala pa si Zach ah?" Tanong niya.

"Ahh kasi kailangan ko lang mag-cr, pasabi nalang umuwi na ako"

"Ahh okay sige"

Naggoodbye na ako sa kanya at umuwi na sa room namin.

Dire- diretso akong pumasok sa bedroom at dun umiyak ng umiyak.

Akala ko ba ako lang?

Hindi naman pwedeng sabihin niyang friend niya lang yun kasi hinalikan niya.

Sarap na sarap pa talaga si Zach ah?! At may papikit effect pa!

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay biglang bumukas ang pinto ng bedroom kaya napatingin ako.

Tsk. Ang manloloko.

"Kiana? Hooh! Bakit hindi mo ko hinintay? Alam mo bang nag- alala ako say---"

"Magluluta na ako ng ulam Zach, punta ka napang sa dining kung nagugutom kana" pagpuputol ko sa sinabi niya at lumabas ng bedroom at nagluto.

"Kiana? May problema ba?"

"Wala"

"Eh bakit ganyan yung mukha mo?"

"Wala lang. Trip ko lang"

"Kiana naman eh! Sabihin mo na kasi ang prob----"

"Wala nga sabi! Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala? Wag ka nalang magtanong!" Sigaw ko sa kanya dahil napuno na ako.

"Eh bakit ba kasi ganyan ang mukha mo?"

"I already answered that question"

"Eh Kiana hindi naman valid na reason yun eh"

Pumunta na talaga lahat ng dugo ko sa ulo kaya sasagutin ko na siya sa totoo.

"EH IKAW ZACH? BIGYAN MO NGA AKO NG VALID NA REASON KUNG BAKIT MOKO INIWAN DUN SA LUGAR KUNG SAAN TAYO MAGDATE?"

"Na-nagpunta lang ako sa-sa Cr, naiihi kasi ako"

"Oww ganun ba? Sa tingin mo valid reason yun? At bakit ang tagal mo bumalik kung nagcr ka lang ha? At Zach nalibut ko lahat ng cr pero wala ka dun Zach! As in wala!"

"Ahh basta may pinuntahan lang ako. Bakit ba ang big deal sayo nun? Sinabi ko namang hintayin moko eh kasi babalikan kita."

"Haah! So hindi mo talaga sasabihin ang totoo? Fine ako nalang magsasabi" napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ba't hindi mo masabi na nasa library ka at may kasamang iba ha?? At ang mas masaklap pa naghahalikan pa kayo?! Tapos feel na feel mo pa talaga ang sarao huh?"

Nashock siya sa sinabi ko habang tuluyan nang bumagsak ang luha galing sa mata ko.

"Akala ko ba Zach ako lang? Akala ko ako lang ang nag-iisang babaeng nasa puso mo? Akala ko lang pala. Galing mong manloko Zach, sarap mong awardan ng Best Cheater"

"Kiana pakingga---"

"Wag ka nang magpaliwanag Zach. Wag mo akong susundan ah? Gusto kong mapag-isa" sabi ko at umalis na sa kwartong yun.

Tumatakbo ako habang patuloy na umaagos ang luha ko pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang silid ng school na walang tao kaya umupo ako dun at nagmokmok.

Wala akong pake kung madilim basta gusto kong umiyak lang ng umiyak.

"Akalain mo may tao pala dito?" Sabi ng taong biglang sumulpot sa harapan ko pero alam kong babae siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Sayo po ba tong pwesto na to? Pahiram po muna ah? Gusto ko po kasing umiyak."

"Hala si ate girl, go lang ate umiyak ka lang diyan. Mabuti at may kasama akong iiyak."

Napatingin ako sa kanya at naaninag kong may mga luha sa mata niya.

"So dito karin umiiyak?"

"Nako ate girl! Kung alam mo lang, daily routine ko na yatang pumunta dito kada gabi at umiyak"

"Bakit?"

"Ang sakit lang kasi na iniwanan ako ng boyfriend ko, kahit ngayun hindi pa ako nakakamove on."

"Bakit nasaan ba siya ngayun? Sumama sa ibang babae? Nangibang bansa? Niloko ka? Nasan ba?"

"Sumakabilang buhay" tugon niya at umagos din ang luha niya.

"Sorry"

"Hindi, okay lang. Ikaw bakit ka umiiyak?"

Sasabihin ko ba sakanya? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko.

"Yung boyfriend ko kasi nakita ko may kahalikang iba" tugon ko at umagos din ang luha ko.

"Ahh ganun ba? Ano bang inexplain niya?"

"Hindi ko siya pinag-explain, sa sakit ng nararamdaman ko tumakbo nalang ako at di siya pinakinggan. Ayaw ko nading bumalik sa room namin sa ngayun."

"Ahh ganun ba? Mas mabuti pa nga kung ipagbukas mo ang pakikinig sa kanya. Galit na galit ka sakanya ngayun kaya wag muna kasi baka kung ano ang masabi mo."

Pagkasabi niya nun ay tumahimik kaming dalawa.

"Gusto bang doon ka muna matulog sa room namin ng roommate ko? Nang may matulugan ka?" Pagbabasag niya ng katahimikan.

Hindi na ako tatanggi pa.

"Sige. Salamat ah?"

"Your Welcome. By the way I'm Kathy" sabi niya sabay abut ng kamay.

"Kiana" sagut ko at nakipagshake hands.

Sex University (COMPLETED)Where stories live. Discover now