Chpater 25: Black Gang
Umaga na at syempre may klase pero hindi pa ako naliligo.
Ina-alala ko yung nangyari kagabi.
*FLASHBACK*
Kasalukuyan akong kumain ng biglang bumukas ang pinto.
Tsk. Tsk. Si Pesteng Zach.
"Kukunin ko lang yung mga gamit ko" biglang sabi niya sakin.
"Ok. Sa room ni Queen ka titira?"
"Oo"
"K"
Pumasok siya sa loob ng kwarto at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya nang may dalang maleta.
Bago pa siya makaalis ay tinanong ko siya.
"Siya ba talaga ang mahal mo Zach?"
"Oo"
Nakaramdam ako na tutulo na ang luha ko kaya tumalikod ako sa kanya.
"Sabi mo ako ang mahal mo? Kani-kanina lang ang dami mong sinabe sakin. Tapos ngayun? Ano?"
"Sorry. Narealize ko na siya ang mahal ko. Hindi ko alam kung bakit kita minahal pero alam ko ngayun sa sarili ko na mas mahal ko si Mandy kesa sayo"
"O-Okay"
"Alis na ako"
Naramdaman kong umalis na siya dahil nakarinig ako ng tapak ng paa pero hindi ko nakikita dahil nakatalikod ako.
*END OF FLASHBACK*
Hayssss! Maliligo na nga ako.
Pagkatapos kung maligo ay agad akong pumunta sa classroom namin para pumasok pero naaubutan ko ang walang laman na classroom.
"Kiana!"
"Oh Dane? Ba't walang laman tong room?"
"Masama kasi pakiramdam ni Ms. Flynn kaya sinuspende ang klase natin. Tayo lang ang walang pasok ngayun hahaha"
"Awtss okay. Haha"
"Mamasyal tayo?"
"Sige pero ang problema may pasyalan ba dito?"
"Oo naman! May Mall kaya dito!"
"M-May mall dito?"
"Oo! Yes and Yep!"
"Ang laki pala talaga ng school na to."
"Oo nga eh. Sa laki nito pati eroplano maliligaw dito."
"Haha! Sige tara na"
"Yepeeeee"
Papunta na kami sa mall ni Dane nang may humarang sa'ming 3 lalake na nakablack.
Tsk. Tsk! Ang Black Gang, alam kung si Queen ang nagpadala sa kanila.
Pa'no ko nalaman na black gang? Eh yung hikaw nila BG eh tapos color black, logo ng black gang.
"K-Kiana, si-sino sila?" Takot na bulong sakin ni Dane.
"Wag kang mag-alala, hindi ka nila sasak----"
Nagulat ako sa sumunod na nangyare.
Nakita ko nalang na bumagsak si Dane sa lupa at puno ng dugo ang braso.
Tangina! Hindi ko alam na kaya nila kaming saktan.
Gago ka Mandy! Hintayin mo ko! Ako ang magpapapunta sayo sa impeyrno! Puta! Dinamay pa ang kaibigan ko!
Sa galit ko ay agad kong sinugod ang lalakeng bumaril kay Dane.
Tumalon ako ng malakas at sinapa siya sa mukha.
Nasipa ko siya pero agad namang sinalo ng isa niyang kasama ang paa ko.
Nice. Mabilis.
Iikutin niya sana ang paa ko pero tumalon ako at ipinatid sa kanya ang isa kong paa.
Napaatras siya at napahawak sa tiyan niya na pinatid ko.
Sumugod sakin ang isa at dahil hindi ko namalayan ay napukpok niya ang baril niya sa ulo ko at nawalan ako ng malay.
--------
*Mulat* *Kurap* *Kurap*
Madilim at mabahong lugar, ba't parang ang familiar nitong lugar na to?
Tumingin ako sa paa ko, nakatali pati ang kamay ko sa upuan.
Mula sa dilim ay naaninag ko ang isang babae na papalapit sa'kin.
Nang makalapit na siya akin ay duon ko nalaman kung sino siya.
Haha! Tama nga ako.
"Kamusta Kiana? Okay ka lang ba? Baka may sugat ka? Tara padamihin natin hahaha!" Aniya.
"Nasan si Dane?"
"Inilibing na"
"Nasan siya Queen Mandy!?"
"Kidding, nasa clinic kaya wag kang mag-alala. Ikaw naman ang papatayin ko eh, hindi siya hahaha"
Humugot siya ng baril at itinutok sakin.
Pumikit ako at hinintay na tamaan ng bala pero wala.
"Hahaha Joke ulit! Mamaya ka pa mamatay! Hindi ako ang papatay sayo"
"Bobo ka ba Mandy? Ikaw nalang pumatay sakin, ikaw ang gustong mamatay ako eh"
"Tsk. Tsk! Ano bang pake mo? Mas gusto ko yung taong sinabihan ko ang pumatay sayo, alam mo ba? Pahihirapan ka muna niya bago ka patayin, yung mahirap na mahirap, hanggang sa ikaw na mismo ang mag-mamakaawa na patayin ka!"
"Bakit sino ba siya?"
"The Leader Of The Black Gang, Mr. Jamada"
Nang sinabi niya yun ay naporma ang ngiti sa labi ko.
Dun ko naramdaman ang tuwa.
Kawawang Mandy.
------------------
Mr. Jamada pronounce as Mr. Hamada
•VOTE AND FOLLOW ME•
YOU ARE READING
Sex University (COMPLETED)
Novela JuvenilISANG PAARALANG MISTERYOSO AT ANG MGA ESTUDYANTE LANG ANG MAY ALAM NG KAHULUGAN. HINDI MO MAIISIP NA PURO KALIBUGAN PALA ANG ITINUTURO. •READ AT YOUR OWN RISK • This story was written years ago and includes multiple grammatical mistakes as well as...