Chapter 12: Gusto
Kiana's POV,
"Bingi ka ba Kiana? Sabi ko, galit ka ba sakin?" Tanong niya.
Napatitig ako sakanya.
Bat nya naisip yun?
"W-What do you mean?"
"Iniiwasan mo ko nang grabe eh. Sorry na, di ko sinasadyang makita yung a-ano mo, ikaw kaya yung naghubad sa harap ko!"
"Anong naghubad? Gago ka! Aksidente yung nahubad! Hindi ko hinubad! Tsaka anong galit? Nabobobo ka na ata!"
I can't believe this guy, saan niya nakuha yun? Ganun ba kababaw tingin niya sakin? Magagalit sakanya dahil sa aksidente? Ang rating sakin, minamaliit ako eh.
"Hindi ka ba galit?"
"H-Hindi! Gago ka ba? Ganun ba kababaw tingin mo sakin?"
"Eh iniiwasan mok---"
"Pag iniiwasan, galit na? Gago Zach, alam mo ba yung salitang 'nahihiya'?"
"G-Ganun ba? Akala ko galit ka eh. Sabagay, syempre di ka magagalit sakin, crush mo kaya ako."
Napatigil ako.
WTF?
"PUTANGINA DI KA PA TAPOS DYAN? ILANG PAGES MUKHA MO? BAT ANG KAPAL? TSAKA CRUSH? ANO KA, GRADE 1?"
"HAHAHAHAHA kalma, napaghahalataan ka baby. Ayaw mo ba sa crush? Edi mahal moko?" Pang-aasar na naman niya.
Ayoko na, putangina.
"TANGINAMO HINDI KA BA TITIGIL?!" Sigaw ko at pinagsisipa siya.
"A-Aray, aray Kiana HAHAHAHA, tama na, ayoko na, pramis titigil na ako HAHAHA." Pagmamakaawa niya pero tonong nang-aasar pa rin amputa!
"Tanginamo! Itatak mo sa kukute mo, di ako magkakagusto sayo!" Singhal ko.
"Ouch, sakit mo naman magsalita." Sabi niya sabay hawak sa puso niya tas umaktong nasasaktan.
"Truth hurts!" Sigaw ko.
Kinuha ko agad yung itlog sa kawali at saka pumasok ng kwarto para kumain.
Potangena, nasira yung plano ko.
Pero bat nga siya andito? Isang oras pa bago ang uwian ah?
Pinauwi ba ng maaga? Baket?
Ah basta, ang importante, nakakain ako!
Akala ko okay na at hindi ko na kailangang lumabas pero kinagabihan ay kumakalam na naman ang sikmura ko. Potangena.
Tangina kasi ni Zach eh, sinadya ba namang magluto ng mabangong pagkain para lumabas ako.
"Kiana luto na yung ulam. Labas ka na, di na kita aasarin pramis hehe. Ang sarap ng ulam oh hmm~"
Kahit boses niya ay naiinis na ako putangina.
"Oy Kiana, kumain ka na, malilipasan ka!" Rinig ko na naman ang boses ni Zach pagkatapos ng ilang minuto.
Honestly, nabobored nako dito masyado at gusto ko nang lumabas pero grr!
Para matawiran ang boredom, kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ng games.
Tuloy pa rin si Zach sa pagconvince saking lumabas minu-minuto pero hindi ko siya pinansin.
Nang nabored ako sa games ay gustong-gusto ko na talaga sanang lumabas pero naalala ko..
MAY NUMBER AKO NI RONIE!
Nays, pampalipas boredom hehe. Hindi sa pagpapaasa sakanyang interesado ako pero baka lang naman magwork diba? Get to know each other.
Tinawagan ko siya at agad naman niyang sinagot.
"Hi!" Bati ko.
"Sino po 'to?"
"Uh Kiana."
"Hala! Ikaw pala Kiana! Buti tumawag ka! May pinadala ako sayo!"
"Ha? Ano?"
"Hindi pa ba dumating?"
Napatingin ako sa pinto.
Hindi ko alam! Hindi ako lumabas ng kwarto! Pano ko ba sasabihin 'to?
"Uhm ano kasi Ronie, uh anong pinadala mo?" Tanong ko.
"Tingnan mo nalang hehe. By the way Kiana, I'm so sorry, may kailangan kasi akong gawin ngayun kaya di kita makakausap pero I promise, I'll call you next time!"
"Ah ganun ba? Sige, t-tingnan ko nalang yung pinadala mo hehe."
"Sige! Ingat ka! Bye!"
"Bye." Tugon ko at inend ang call.
Putek ano ba yung pinadala niya? Kailangan ko'ng lumabas para dun?
Pero susubukan ko nga siya diba? Okay, kukunin ko na, bahala si Zach sa buhay niya.
Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko para lumabas ngunit tumambad sakin si Zach.
"O-Oh? Lumabas nako oh, masaya ka na?" Sabi ko at lalampasan na sana siya kaso..
"Sana sinabi mo agad na flowers lang ang makakapagpalabas sayo, kaya ko namang bumili Kiana." Tugon niya.
Napalingun ako sakanya.
"H-Ha?"
"Tss." Sambit niya tsaka ibinigay sakin ang isang bouquet ng flowers.
"A-Ano 'to?" Binilhan niya ko ng bulaklak? Ha? Para saan?
"Di sakin galing yan. May nagdeliver nyan dito. Kanino yan galing?"
Ito siguro yung tinutukoy ni Ronie! Hindi ako mahilig sa bulaklak pero sige.
"Eh ano naman sayo!" Sigaw ko at kinuha ang bulaklak sakanya tsaka dumiretso sa kusina.
"Kanino nga Kiana?" Tanong niya habang nakasunod sakin.
Ang kulit neto.
"Pake mo ba kasi! Ikaw ata yung may gusto saken eh!" Bawi ko ng asar sakanya habang nakaupo at kumakain sa mesa.
Umupo siya sa harap ko at nagsalita.
"Gusto nga kita, kaya sabihin mo na kung kanino galing yan."
"Oh? Anong konek? Bat ko sasabihin sayo kung kanino to galing? Problema mo na yan! Ako ba yung may gusto sayo? Bobo mo nam----" Napatigil ako sa pagsasalita at pagkain nang narealize ko ang sinabi niya.
"A-Anong sabi mo??" Gulat na gulat kong tanong.
----------------------------------
YOU ARE READING
Sex University (COMPLETED)
Teen FictionISANG PAARALANG MISTERYOSO AT ANG MGA ESTUDYANTE LANG ANG MAY ALAM NG KAHULUGAN. HINDI MO MAIISIP NA PURO KALIBUGAN PALA ANG ITINUTURO. •READ AT YOUR OWN RISK • This story was written years ago and includes multiple grammatical mistakes as well as...