Chapter 18: New Friend
Kiana's POV,
Pagkatapos kong mag-isip ay tiningnan ko ang oras.
6:50 am
May 1 hour and 10 minutes pa ako para maghanda.
Bumangon ako sa kama at tumingin sa salamin.
Oo nga pala, hindi pala to room namin ni Zach.
Zach
Naalala ko naman ang kalokohang ginawa niya.
Ba't niya ba yun ginawa? Kung sasabihin niyang aksidente yun ay hindi ako maniniwala, eh sarap na sarap nga siya eh.
Feel na feel ng pucha.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinahid.
Lumabas ako ng room at doon ko nakita sina Kathy at Lutch na nakabihis at nagkakape.
"Woi Kiana, ang tagal mo naman maligo? Alas syete na oh, 1 hour nalang" Ani Kiana.
"Ahh hehe sorry ganito lang talaga ako, alas syete ako naliligo sorry"
"Hoi! Ano ba! Wag kang magsorry! Hindi ka nakagawa ng kasalanan! Kung meron man'g dapat magsorry ay si Zach yun"
Natigilan ako.
"Kiana? Anong plano mo ngayun? Siguradong magkikita kayo dahil pareho kayo ng tinutuluyan na classroom" sabi ni Lutch.
"Kiana, please nagmamakaawa ako, ayusin nyo ang relasyon nyo please, naniniwala akong maaayos nyo pa yan" muling sabi ni Lutch.
"Ano ka ba Lutch! Hindi ikaw ang nasa posesyon ni Kiana! Nahihirapan din siya lutch! Ano kaba! Wag mo siyang pilitin" singhal ni Kathy sakanya.
"Eh nagmamakaawa lang naman ako eh, hindi naman ako namimilit Kathy!" Singhal naman ni Lutch.
"Eh para lang namimilit eh! Alam mo? Wag mong madaliin si Kiana kasi hindi mo alam pinagdaraanan niya nung nakita niya si Zach na may kahalikan!"
"Kiana maligo ka na Kiana wag kang maniwala sa mokong na ito" baling sakin ni Kathy.
Hindi na ako nagsalita pa at dumiretso na ako sa banyo nila.
Pagkatapos ko maligo ay pumunta ako sa kwarto para magbihis.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ng napakabangong amoy mula sa pagkain sa mesa.
"Kiana hali ka na! Kain na tayo" yaya ni Kathy sakin.
"Ahh okay lang ba?" tanong ko sa kanya.
"Hala! Oo naman, bakit naman hindi? Hali ka na dali para sabay tayo pumasok"
"Eh kasi nahihiya na ako eh, nakitulog na nga ako dito at nakiligo tapos makikikain pa ako"
"Hay nako! Wag lang mahiya! Okay lang talaga pramis! Kaibigan naman tayo eh, okay lang yan"
Agad akong umupo sa upuan at tsaka nagsimulang kumain.
"Kiana sorry sa mga sinabe ko kanina ah? Hindi ko yun sinasadya, gusto ko lang kasi na magkaayos kayo ni Zach" biglang sabi sakin ni Lutch.
"Nako! Okay lang yun Lutch, naiintindihan kita"
"Pasensiya na talaga Ki----"
"Okay lang talaga, alam mo? Wag na natin balikan, hehe"
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa mga silid namin.
Pagpasok na pagpasok ko ay as usual, mga nagsesex na mga tao, hayss.Dumiretso ako sa likod kung saan ako nakaupo at napakaswerte kong wala si Zach kaya umupo kaagad ko.
"Hello ate? Anong pangalan mo?"
Nabigla ako ng may babaeng tumabi at kumausap sakin.
"A-ah Kiana"
"Ako nga pala si Dane, ikaw ba yung newbie na sinasabi nila?"
"Ahh oo"
"Ahh ganun ba? Mag-isa ka yata? Wala ka bang roommate?"
"Ahm ka-kasi yung roommate ko, na-nag-away kami ngayun"
"Ayy ganun ba? Bakit naman"
Pucha, ba't ang dami niyang tanong?
"A-ah ka-kasi, kasi a-ano--"
"Okay lang kung wag mong sabihin, mukhang privacy na eh hehe"
Privacy talaga pucha.
"Alam mo ba na puro sex ang mga itinuturo dito bago ka nag-enroll?" Tanong niya ulit.
"Hindi eh, kung alam ko lang ay hindi na ako sumali."
"Pareha pa la tayo, 5 years na akong nandito, miss na miss ko na ang pamilya ko. Nung una hindi nila matanggap na ganitong klase ang paaralang napasukan ko pero wala silang choice eh, sa huli natanggap rin nila" paliwanag nila.
"Ahh ako hindi pa ako months dito, yung ate ko pinilit lang ako papasukin dito para malaman lang kung anong meaning ng SIL. Ngayun nagsisisi akong pumasok pa ako dito"
"Huh? Ganun lang yung dahilan niya? Para malaman ang meaning? Hahaha, eh sinabi mo na ba ang meaning?"
"Hindi pa, natatakot akong sabihin sa kanya, baka kasi patakasin niya ako dito, eh kung anong gusto niya, dapat masunod"
"Eh hindi ka pwede makatakas dito, kapag tatakas ay mapahamak ka lang"
"Yun na nga eh, baka sa kagustuhan ni ate na makatakas ako, baka mapahamak kami."
"Nako Kiana ang hirap ng sitwasyon mo na yan, kapag sinabi mo nalang sa kanya ang totoo ay sabihin mong wag kang patakasin kasi mahirap na"
"Sige sige, salamat sa advice Dane"
"Teka, pwede ba kitang maging kaibigan?"
"Ahh okay sige."
"Talaga? Thank you Kiana! Thank you! Dito nalang ako uupo sa tabi mo, wala bang nakaupo dito?"
"Meron!"
Nabigla ako nang may nagsalita sa likod ni Dane kaya napatingin ako.
Si Zach.
------------------------
Wew, sabi ko babawi ako diba? Haha.
•PLEASE VOTE AND FOLLOW ME•
YOU ARE READING
Sex University (COMPLETED)
Подростковая литератураISANG PAARALANG MISTERYOSO AT ANG MGA ESTUDYANTE LANG ANG MAY ALAM NG KAHULUGAN. HINDI MO MAIISIP NA PURO KALIBUGAN PALA ANG ITINUTURO. •READ AT YOUR OWN RISK • This story was written years ago and includes multiple grammatical mistakes as well as...