Chapter 13: Reject
Kiana's POV,
"A-Anong sabi mo??" Gulat na gulat kong tanong.
"Narinig mo naman Kiana! B-Bat mo pa pinapaulit?" Sabi niya habang namumula ang tenga.
Tumitig lang ako sakanya at hindi nagsalita.
Tangina seryoso ba yung sinabi niya? Gago.So hindi sya curious lang sa nagpadala sakin nito? Nagseselos siya? TF.
Pero bakit may kahalikan siya noon? Anong kagagohan to?
Gusto niya ko tas nanghahalik siya ng iba? Gago to tangina niya.
"M-Magsalita ka naman. Kakaamin ko lang tas wala kang reaksyon." Nahihiya niyang sabi.
"Tanginamo Zach, ako pa lolokohin mo. Panget mo magprank oy." Sagot ko.
Oo tama, prank niya lang siguro to. Tangina, muntik akong maloko ah.
"Ha?"
"Pakyo Zach! Tigil ka na nga, di bagay sayo tanga!" Tugon ko.
"What do you mean? Hindi to prank! Halos mahimatay ako dito sa hiya tas iisipin mo prank? Hindi naman ako vlogger kaya bat ako magpaprank Kiana?"
"Tangina seryoso ba? Ginogoodtime mo ata ako eh."
"Seryoso Kiana." Sabi niya at tsaka ako nakumbinsi.
Seryoso yung mukha niya at walang bahid ng pang-aasar.
"B-Bakit ako?" Tanong ko.
"Bakit hindi ikaw?"
"I mean, anong dahilan? Bat ka nagkag-gusto sakin?" Nahihiya na rin ako pota!
"I don't know. Nagseselos ako 'pag may kasama kang iba. Corny pero ang lakas ng kabog ng puso ko pag andyan ka tas masaya rin ako."
Napalunok ako. Tangina seryoso nga siya.
Ano bang gagawin ko?
"Kung di mo alam ang sasabihin mo, it's okay. Umamin lang ako para malaman mo naman yung nararamdaman ko. Hindi naman required na gustuhin mo pabalik yung umamin sayo."
Hindi ako nakasagot dahil wala akong masagot! Walang lumalabas sa bibig ko at blangko ang utak ko.
"So kanino nga galing yan? Pwede mo bang sabihin sakin?"
"K-Kay Ronie." Amg tanging nasagot ko.
"Ahh okay. Hindi naman ako makikialam, buhay mo yan eh. Nacurious lang hehe. Sige na Kiana, matutulog na ako, goodnight." Tugon niya at pumasok ng kwarto.
Kumain ako at ginawa lahat ng pwedeng gawin sa sala hanggat sa nakaramdam ako ng antok at pumasok na sa kwarto ko.
Just wtf. Seryoso talaga si Zach. Hindi siya nagbibiro.
Pero bakit nga siya nanghahalik ng iba kung gusto niya ako? Tangina ang hirap niyang basahin ha. Bipolar ba siya? Nakakainis!
Teka? Bat ako naiinis? Irereject ko nalang siya.
Tama! Irereject ko siya. Pumasok ako dito para tapusin ang 1 year at makalabas sa tanginang school na to, hindi para mang-accept ng manliligaw!
Pati si Ronie! Irereject ko nalang rin para hindi unfair. Tangina.
Kung ano-ano ang iniisip ko hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa tunog na naman ng alarm ko.
Agad akong bumangon at ginawa ang daily routine.
Habang nagbibihis, napaisip ako.
Andyan pa kaya si Zach at hinihintay ako? Tangina awkward.
Pero irereject ko nalang siya ngayon at sasabihing wala siyang pag-asa para hindi na rin siya umasa.
Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya para masabi ang gusto kong sabihin pero hindi ko siya nakita.
"Ay wala siya." Nasabi ko at magluluto na sana ng kakainin.
"Hmm, hinahanap mo ba ang poging ako?"
Napatalon ako nang may nagsalita sa likod ko.
Si Zach. Kakagaling lang siyang kwarto niya.
"H-Ha? Hindi! Hindi ikaw!" Taranta kong sagot."HAHAHA! Sige nga sinong hinahanap mo kung ganun?" Sabi niya at nagsmirk.
"s-si ano, uhm, si-si Ronie! Oo! Si Ronie! Sabi niya susunduin nya ko!" Palusot ko.
Agad namang sumimangot ang mukha niya at umupo sa mesa.
"Ikaw magluluto ngayon." Tugon niya.
"Alam ko!" Sigaw ko at nagluto.
Buti nalang at hindi awkward.
Pagkatapos kong magluto ay nakiupo na rin ako sa harap niya para kumain.
Ay oo nga pala! Irereject ko siya ngayon.
"Uh, Zach." Tawag ko.
Itinaas niya ang ulo niya saka tumingin sakin.
"Bakit?"
"A-Ano kasi.."
Puta pano ko ba to sasabihin? Galing kong makasabi sa sarili ko kagabi na irereject ko sya agad kasi gago siya pero ano na? Hindi ako makapagsalita ngayong kaharap ko siya!
"Ano yun?"
"May sasabihin ako."
"Ano nga?"
"K-Kasi.."
Tangina di ko masabi!
Kailangan kong sabihin pero parang ayaw ko!
"Look Kiana, kung naaawkwardan ka dahil sa sinabi ko kagabi, kalimutan mo nalang if you want para hindi ka na nahihiya sakin. Ako pa rin to oh, ang poging Zach ng buhay mo." Sabi niya at nagpogi sign pa.
Tangina.
"Ano, uhm, g-gusto ko sanang sabihin na.."
"na?"
"Bakit ka may kahalikang iba kung gusto moko?" Mabilis ko itong sinabi.
Iba yung lumabas sa bibig ko dahil ayoko palabasin ang nasa isip ko!
Hindi sa hindi ko kayang sabihin, ayaw ko lang sabihin! Ewan ko kung bakit!
Tumitig siya saken at tsaka tumawa.
Gago ampota, tumawa pa nga.
"Bat gusto mong malaman? Nagseselos ka ba?" Pang-aasar niya.
Gago?
"H-Hindi ah! Nacucurious lang rin ako!"
"Di eh, nagseselos ka."
"Hindi nga!"
"Deny ka pa Kiana, halata namang nagseselos ka! HAHAHAHA."
"Hindi nga! Bahala ka nga dyan!" Sigaw ko at tumayo.
Niligpit ko ang pinagkainan ko at mabilis na nagtoothbrush.
Kinuha ko ang bag ko atsaka lumabas ng dorm para di na niya ko maasar.
"Kiana!"
Napalingon ako sa bumati sakin sa labas ng dorm.
Si Ronie.
----------------------------------------
YOU ARE READING
Sex University (COMPLETED)
Teen FictionISANG PAARALANG MISTERYOSO AT ANG MGA ESTUDYANTE LANG ANG MAY ALAM NG KAHULUGAN. HINDI MO MAIISIP NA PURO KALIBUGAN PALA ANG ITINUTURO. •READ AT YOUR OWN RISK • This story was written years ago and includes multiple grammatical mistakes as well as...