Chapter 28

56.9K 715 12
                                    

Chaptet 28: The Truth (2)

Kathy's POV,

Haysss ang boring naman dito sa room.

Wala na kasi si Kiana dito eh, wala na tuloy akong makausap.

"Woii! Kath! Anong ginagawa mo? Ba't ka nakatulala?"

Ano bang gagawin ko para di ako mabored?

"Hello? Kath? Okay ka lang?"

Ano kaya kung puntahan ko si Kiana?
Tama! Pupuntahan ko nalang siya sa room niya, namimiss ko siya eh.

"Hoi!"

Natigil ako sa pag-iisip dahil sa malakas na sigaw na yun ni Lutch.

"Ano ba Lutch! Ang ingay mo!" Sigaw ko din sa kanya.

"Wow? Ako pa talaga maingay? Eh kung hindi ako sumigaw eh hindi moko mapapansin! Ano ba kasing iniisip mo at natulala ka?"

"Hu- Huh?"

"Oo! Natulala ka kanina! Tanga neto!"

Eh hindi ko siya napansin eh.

"Ganito kasi yan! Naboboring ako dito wala akong magawa, naisip ko na dalawin ko si Kiana! Ano sama kaba?"

"Edi sige! Yun naman pala eh! Nandun din naman si Zach kaya tara na!"

-----

Zach's POV,

Hindi ko talaga matanggap na nasaktan ko na naman si Kiana.

Pero wala akong magawa.

Kung hindi ko gagawin yun ay siya ang mapapahamak!

T-T

Patawarin mo'ko mahal ko.

Sana tuparin mo ang pangako mo.

Nandito ako ngayun sa room ni Mandy.

Malaki, maganda, malinis!

Syempre Queen eh! Tsk!

Ngayun ko lang rin nalaman na kaya naman pala siya Queen sa paaralang ito ay dahil anak siya ni Ms. Deyms, ang principal dito, or should I say the owner, tsk.

Namimiss ko na si Kiana. Isang gabi ko palang siyang hindi nakasama pero miss na miss ko na siya. Pa'no kaya kung dalawin ko siya?

Ano namang idadahilan ko?

Hmmmm....

Alam ko na!

Sasabihin ko nalang na may nakalimutan akong gamit. Hehe.

Lumabas ako sa room ni Mandy dahil wala siya, may pupuntahan daw.

Naglalakad ako patungo sa room namin noon ni Kiana ng makita ko sina Kathy at Lutch na nandoon sa may pintuan kaya nagtago muna ako sa may pader.

"Lutch katukin mo" sigaw ni Kathy kay Lutch.

"Ikaw na!"

"Ikaw na nga!"

"Bakit ba ayaw mo?"

"Eh pano kung gumagawa sila ng kababalaghan diyan, edi ako pa masisisi!"

Tang-inang Lutch to! Pag-iisipan ba naman ako ng masama?

"Ayy ewan ko sayo! Ako na nga lang!"

Kinatok ni Kathy ang room namin pero walang nagbukas.

Kinatok pa niya ito ng maraming beses pero wala paring nagbukas kaya dun na ako kinabahan.

Sa kaba ko ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at humarap sa kanila.

"Oh? Nasa labas ka Zach? Asan si Kiana?" Tanong ni Lutch.

"Wa-wala ba diyan si Kiana?"

"Wa-wala! Bakit? Hindi ba kayo magkasama?" Sabat na tanong ni Kathy.

"Hi-hindi"

"Bakit?!"

At kinwento ko sa kanila ang mga nangyare, pati ang dahilan ko kung bakit ko siya iniwan.

--------
Yan lang po muna ah? Kung hindi niyo naiintindihan ang storya ay wag kayong mag-alala kasi maiintindihan niyo rin pagkatapos hehe.

Sex University (COMPLETED)Where stories live. Discover now