Chapter 9

117K 1.2K 30
                                    

Chapter 9: You're Kiana

Kiana's POV,

Napamulat ako galing sa mahimbing na tulog nang narinig ko ang alarm ko.

Epal talaga ng mga alarm huhuhu.

Tumayo ako at ginawa ang daily routine para maghanda sa panibagong klase na wala naman akong natutunan. Lol.

Nang lumabas ako, inaasahan kong nakaupo na si Zach sa sala pero..

W-Wala siya.

Weh? Totoo ba to?

Naisip kong baka may kinuha lang siya sa kwarto niya or what kaya pagkatapos ko'ng kumain at magtoothbrush ay naghintay ako ng mga ilang minuto para siguraduhin.

Halos kalahating oras na akong naghintay pero wala pa rin akong nakikitang imahe ni Zach at kailangan ko nang pumasok dahil malelate na ako.

H-Hindi ako dismiyado dahil wala siya noh! Nagulat lang ako kasi bago to. OO NAGULAT LANG AKO!

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.

Hindi ko siya kailangan! Bahala siya sa buhay niya!

Pagdating ko sa classroom, mga ungol na naman ang sumalubong sakin as usual.

Kung sa ordinaryong klase ay puno ng nagkukwentuhang estudyante, pero dito, puro ungol. Tsk.

Pumunta agad ako sa upuan ko para yumuko at di makita ang kalaswaan nila pero may nakaupo.

Bat may nakaupong babae sa upuan ko? Nagshohortage na ba ng upuan dito? Putek naman.

"Uhm hi, upuan ko ho yang inuupuan k--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marealize ko kung anong ginagawa ng babae.

N-Nakikipaghalikan siya doon sa katabi niya.

And ang katabi niya..

Si Z-Zach.

"Oh sorry, nakiupo nalang muna kasi ako dito kanina kasi wala pang tao, pero don't worry, lilipat nalang kami." Sabi ng babae at tumayo siya kasama si Zach para lumipat ng upuan.

Ha-ha. Para akong tangang naghintay kanina sakanya tapos andito pala siya't lumalandi.

Hindi ko alam kung bakit pero may kumirot sa puso ko.

Wtf HAHAHA.

Putangina.

Nagpanggap akong walang nakita at umupo sa upuan ko at isinubsob ang mukha pero halos mandiri ako nang maalalang dito sila naghahalikan kanina.

Ang kapal ng mga mukha nilang mantsahan ang upuan ko ng kalaswaan nila.

Walang gana kong itinaas ang ulo ko para makinig sa klaseng hindi ko gusto pakinggan.

'Kailangang makinig ka kung ayaw mong ma-erase sa attendance', sabi yan ni Ms. Flynn.

Ngayon, nagsesex na talaga ang mga estudyante sa harapan para ipakita kung paano gawin ng tama.

Nagsimula nang magmasturbate ang mga kaklase ko nang nalibogan sa nakita pero ako? Nandidiri.

Ang pagpasok dito ay isang torture. Shit.

Pagkatapos ng klase, ofcouse lumabas agad ako. Wala naman si Zach sa tabi ko kanina kaya wala akong problema.

Uuna na sana ako pauwi nang..

"Hi lady." May nagsalita sa harap ko at nang tinangnan ko ito..

Oh shit ang gwapo.

Judgemental ako sa mga taong andito dahil halatang sex lang ang habol nila pero ang isang to, shit hindi ko mapigilan magsabi ng 'ang gwapo'. Para siyang artista. Mas gwapo pa ata to kay Zac-- Bat nasali yung gago? Erase erase.

"H-Hi." Nauutal pa ako nang sinabi ko yan dahil nasisilaw ako sa kagwapuhan niya.

"Earlier, I've noticed that you're not interested on that class. Isa ka rin ba sa napilit lang na pumasok dito dahil hindi na makalabas?" Tanong niya kaya nagulat ako.
"Oo bakit?"

"We're in the same situation." Sabi niya nang bagsak ang mga balikat.

Really???

"Talaga ba? Masaya akong may parehas ako ng sitwasyon dito. Nakakasawa kasing makakita ng mga taong malilibog dito e--"

Naputol ang pagsasalita ko nang may humigit sakin at inilagay ako sa likod niya.

"Wag mong isali si Kiana sa mga biktima mo, tigilan mo ang pagdagdag ng pangalan niya sa listahan ng mga niloko mo." Narinig ko ang boses ng humigit sakin kaya narealize ko kung sino siya.

"What do you mean Zach? I'm interested on her, why would I fool her?" Tanong naman ni kuyang gwapo.

"Tara na Kiana." Sabi ni Zach at hinigit ako palayo kay kuya.

Wtf? Ba't ba siya epal?

"Putangina bitawan mo nga ako. Ba't ka umepal ha? Alam ko naistorbo ko yung paghahalikan nyo ng babae mo pero dahil yun andun siya sa upuan ko!" Galit kong sabi at pinilit na tanggalin ang pagkakahawak niya.

"Kiana nagsisinungaling yun! Palagi niya yung ginagawa! Sinasabi niyang natrap lang siya kaya siya andito pero ang totoo, kukunin niya lang ang loob mo tapos ikakama ka na!"

Putang-- HAHA. Nagsalita ang lalakeng nag-aktong di ako kilala nang may kahalikan siya.

"At sa tingin mo papaniwalaan kita ha?" Sambit ko

"Hindi na importante kung maniwala ka sakin. Ang importante nailayo kit--"

"Bakit? Ano naman sayo kung maloko niya ako?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

Napatitig siya sakin ng mga ilang minuto bago nagsalita.

"You're Kiana." Mahina niyang tugon at lumakad palayo.

-----------------------

Sex University (COMPLETED)Where stories live. Discover now