[2]
Maxhein
Naglakad ako palabas ng departure area habang kinakaladkad ang stroller na maleta at hawak sa kabilang kamay ang phone. Kanina ko pa dina-dial ang magaling kong head guard na si Voxen pero ring lang nang ring ang number niya. Great.
Pagkatapos ng ilang subok ay tumigil na ako. For sure naman nandito na siya at hinahanda ang sasakyan. Marami akong kasabayan na galing din ng Palawan. Nakaramdam ako ng hilo. Hindi na talaga ako masasanay sa ganitong environment.
Tumunog ang phone ko, tanda na may nag-message.
From: Voxen
The car malfunctioned. I will bring it to the nearest repair shop. Please go on ahead.
Received 11:20AMMalfunctioned? Naka-store lang naman iyon sa private parking area ng airport, paano magkakagano'n? Napahilot ako ng sentido. Tapos pinapauna niya ako. Hindi ba dapat puntahan niya muna ako at itawag ng taxi? Argh. Nevermind. The Voxen I know will never hail a public vehicle because he's too shy to talk with older people.
Naglakad na ako papunta sa taxi bay pero napahinto rin nang may mabilis na mamahaling sasakyang tumigil sa gilid ko. Tinted ang mga bintana pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Shit. I-I've never felt like this before. Except when...
Tahimik na lumabas sa driver's side ang isang lalaking naka-leather jacket at ragged jeans. Nawalan na ako ng paki sa pag-awang ng mga labi ko nang bigyan niya ako ng magandang ngiti. Napalunok ako at saglit na hinawakan ang tapat ng puso kong bumibilis sa pagtibok.
Nakakagulat na may tao pa rin palang nagdudulot sa akin ng pagkahiya. I feel like a damn maiden.
"Lady Maxhein," nilakad niya ang pagitan namin at inabot ang maleta ko na naluwagan ko pala ng hawak. "Pinapasundo ka sa akin ni boss."
I can't help but frown. Xyriel? Kahit kailan talaga madali akong mabasa ng mga pinsan ko. Naalala ko tuloy noong magpunta ako sa mansyon nila. Skayz was exceptionally taking care of me when I stayed there for a few hours.
"Hi, um, Skayz." I get to say his name again!
He chuckled. "You can call me Sky if you want." Oh.
Pinagbuksan niya ako sa passenger side at maingat naman akong sumakay. Masyadong maingat. Sana hindi niya mahalata na pinapatagal ko ang oras. Nilagay niya sa trunk ang maleta ko at sumakay na rin sa tabi ko. Naestatwa pa ako nang lumapit siya at ilagay ang seatbelt ko. Binuhay niya ang makina ng Audi at lumabas na kami sa airport.
"Should I drive you home? Or you need to go somewhere else?" tanong niya at inalis ang aviator glasses na sinabit sa gray shirt niya na nakapaloob sa jacket. Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso kaya tinuon ko ang mga mata sa maugat niyang mga kamay na magaang nakakapit sa manibela.
"I-I have a date to attend to." Crap. My voice shook.
"Oh."
"Yes. Lolo planned it and he wants me to try, you know. He's saying that I'm not getting any younger and he wishes me my happiness." Why am I blabbering?
"Of course."
Nakagat ko ang ibabang labi at lumingon sa bintana sa gilid ko. Bakit kasi iyon pa ang unang lumabas sa bibig ko? Something tells me that he needs to know that. But what do I do? Naging mabigat ang atmosphere sa loob ng kotse dahil sa sinabi ko.
Huminga ako nang malalim at tinangkang silipin siya sa sulok ng paningin ko. Umiigting ang panga niya. Is he mad? Naiinis ba siya kasi ang ganda ng salubong niya sa akin na parang siya na ang pinaka-gentleman sa mundo tapos makikipag-date naman pala ako sa ibang lalaki... o nagseselos siya?
BINABASA MO ANG
Poison Empress
ActionYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...