[20]
Purple at yellow ang Aster Market ngayon kaya lahat ng food stalls ay ganoon ang kulay ng dekorasyon. Sa entrance pa ay may nagbebenta ng purple and yellow balloons na pinagkakaguluhan ng mga bata.
Sky opened the door for me and offered his hand. I held it as I stepped out of the car and I clung to his arm. Ngumiti kami sa isa't-isa.
Bumaling ako kay Voxen na kakababa lang sa Everest na kasunod namin. "Voxen, let's eat."
"I'll wait here, boss." he said, not showing any emotion. He took one look at the crowding entrance, then back at me. "Just be careful."
I almost pouted. Lagi na lang hindi sumasabay sa amin ng kain si Voxen. Sinasabi niya na kumakain na rin siya sa ibang lugar pero hindi ako naniniwala.
"Are you sure, man?" Si Sky na ang nagtanong. Concerned na rin siya.
Tumango lang ang head guard ko.
In the end, hindi ko pa rin siya nagawang pakainin kasama namin. I'm starting to worry about his eating schedules. Dati naman walang problema sa kaniya kung magkasabay kami kumain.
Is it because of the crowd?
No. Voxen is used to crowds like these.
Ano naman ang ayaw niyang makita sa Aster Market?
Natigil ako sa pag-iisip nang hipan ni Sky ang gilid ng mukha ko. Tinignan ko siya na nakanguso na. Nandito na kami sa loob ng market.
"He's going to be fine." he said as if he heard the conversation inside my head.
"I know. It's just… this is the first time he declined my offer. And the fact that this is just a lunch offer makes everything weird."
"Baka hindi niya lang gusto ang mga pagkain dito."
"Voxen was never choosy. He might have lived in a mountain before."
"Really?"
"Just a guess. He doesn't talk much about himself."
"People who don't talk about themselves sometimes have a big baggage that's difficult to carry so they decide to leave it behind. And not letting anyone see what's inside."
Tinignan ko siyang maigi. It's true that everybody has one baggage from their past but it really differs in weight. Tama si Sky. Hindi kami nagkakaiba ni Voxen.
May nakaraan kami na hindi bastang nailalabas na parang nagre-reminisce lang. It takes courage to fight your own demons. And it takes a single moment for them to destroy your present.
Kung ano man ang nakaraan ni Voxen, whether he wants me to know or not, I'm sure he'll get over it someday.
Pero teka… bakit parang lumalim yata ang hugot namin sa simpleng pagtanggi niya sa lunch?
Blame it on the boyfriend.
"Welcome, Hot Chick!"
Sakto lang ang staff ng Hot Chicken pero kapag pumupunta kami ni Sky ay lumalabas talaga si Devon sa office para batiin kami.
"Alam mo talaga kung kailan kami dadating ah." komento ni Sky. "Sinasabi ko sa 'yo, tomboy—"
"Oo na, oo na, 'tol. Hindi mo kailangang ipamukha na mag-syota na kayo ni Miss Max. At pwede ba? Bawal ang PDA rito!"
Natawa kami at bumitaw na si Sky sa paghapit sa baywang at pagsandal ng ulo sa balikat ko. Inayos niya ang nagulong buhok ko sa likuran. Ganoon din ang ginawa ko sa kapirasong buhok sa noo niya na nagulo.
BINABASA MO ANG
Poison Empress
AcciónYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...