[3]
Nakipagkulitan pa sa amin si Devon bago inatupag ang mga bagong dating na customer. Isang magandang babae na naman iyon kaya gano'n ulit ang pagbati niya. Napailing at tawa na lang ako. Umupo na ako nang maayos sa tabi ni Lady Maxhein na kinakalikot ang phone niya. Hindi ako lumaking tsismoso kaya nanghula na lang ako kung ano ang ginagawa niya.
"Si Blaze?"
Sinulyapan niya ako at nandoon pa rin ang pagkapula ng mga pisngi niya. "No. No. It's Xyriel. She's asking if we're together now." Kinagat niya ang ibabang labi. "I mean, if you and I have left the airport."
Tumango na lang ako. Bakit kaya hindi sa 'kin nagtanong si boss? Nakakasakit ah!Napatingin naman ako sa mga labi ni Lady Maxhein na kinakagat niya pa rin. Gumaganiyan na siya simula pa kanina. Masyado na kaya siyang hindi komportable?
Umupo ako nang maayos at pinatong ang magkabilang braso sa table. "So, kung walang magaganap na date ngayon, ano'ng posible mong ginagawa?"
Nag-isip muna siya at umupo na rin nang maayos. "Work."
"Work?"
"Yeah. That's basically what I do everyday. Nothing new."
"Nasa opisina ka lang?" Tumango siya. "Not even strolling? You know, ang ganda ng mga lugar sa Palawan."
"They are. I just don't have time." She smiled apologetically.
Tinuon ko ang sentido sa kamao ko nang nakaharap sa kaniya. "Kung gusto mo, i-tour kita?" Nagpakawala siya ng tawa. "What? Pwede ka namang mag-tour sa sarili mong isla 'di ba?"
"Yes. I'm sorry. I just..." Tumawa ulit siya. "I just find it funny. I know those places better than you do. But well, I never really appreciated it. Maybe you like it, but it doesn't have the same effect on me. Palawan is just... a turf, you know."
Natahimik ako at napatango na lang.
Tanda ko pa ang sinabi dati ni boss na may problema sa paningin si Lady Maxhein. Not literally. Black and white lang ang nakikita niya. Objective type. Kung mabait ka, mabait ka. Kung masama ka, masama ka. Bumabase siya sa facts, hindi instinct, hindi feelings. Kaya mahirap din sa kaniya ang makakita ng kagandahan sa isang bagay. Siguro dahil iyon sa klase ng pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya. Bata pa lang daw kasi ay isinampal na sa mga apo ni Head Master ang papel nila sa mafia world.
Pumasok sa isip ko ang batang Lady Maxhein na tumatanaw sa mga batang naglalaro sa ilalim ng ulan. Hindi nagbabago ang pagkaseryoso sa mukha kahit kitang-kita sa mga mata niya na gusto niya ring maranasan kung paano maging ordinaryong bata.
"B-But..." Tinignan ko siya nang magpatuloy siyang magsalita. "You can still tour me if you want. I can allot some time for that."
Napangiti ako. "Really? Okay, then. Sabihin mo lang sa akin kung kailan."
"Thank you. Um... What about you?"
"Hmm?"
"What are you supposed to be doing if you didn't fetch me from the airport?"
Huminga ako nang malalim at tinignan ang mga taong dumadaan sa harap namin. "There's this group we've been hunting for a while now. Umatake sila sa sarili naming headquarters isang linggo na ang nakakaraan. Mabuti na lang at may bisita kaming isa pang grupo noon kaya kahit paano ay napigilan naming silang manakit pa ng iba pa naming tauhan. They ran off after throwing a few hand grenades so we're currently locating those fuckers."
"I can help you locate them all. You just have to raise the name of their group on the anti-Zion ranks."
Nilingon ko siya at umiling ako. Ang anti-Zion ranks ay isang section sa private website ng organisasyon na naglilista ng mga grupong kumakalaban sa kanila. Kung aling grupo ang may pinakamalaking damage sa taga-Zion ay sila ang nasa unahan ng rank. Alam kong kaya ko iyong gawin para mas mapadali ang pambabawi sa lintik na grupong iyon, pero nang bumaba sa pwesto si boss bilang 1st Master ay sumunod na rin kami.
"Tumiwalag na kami sa Zion."
Lady Maxhein snorted. "Then apply back in."
"Yeah, but the boss won't be going back. Siya lang ang kikilalanin kong boss."
"Lolo and I already talked about that. My dearest cousin, stubborn as she is, will have to undergo a lot of training sessions and field assignments to get her throne back. The Elders are also processing this so if ever she pass, our positions will go back to its former state. As well as her allied groups."
Hindi ko maitago ang saya sa itsura ko. "T-Talaga? Walang halong biro?" Tumango siya. Oryt! Magiging kasapi na ulit kami ng Zion. Nginitian ko si Lady Maxhein. Posible na kaming magkasama nang maraming beses. Kahit walang official business ay pwede akong pumunta sa opisina niya kahit ano'ng oras.
"Lolo doesn't want to let Xyriel go independent when there's a whole family that can fully support her. But it's all thanks to you guys because you stayed with her even now."
"Of course. We always worry about her." Napailing ako. "Hindi siya sanay isipin ang sarili niyang kaligtasan. Kapag may problema, nareresolba niya iyon agad nang hindi namin nalalaman. Tapos darating ang isang araw, maayos na ulit ang lahat. Like you."
Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. "Like me?"
"Yep. You both solve everything by yourselves, which is okay in some way." Kumunot saglit ang noo ko pero tinuloy ko pa rin dahil mukha siyang naku-curious. "Pero ang mali roon ay kumikilos ka mag-isa. Kaya nga tayo gumawa ng organisasyon dahil tinipon-tipon natin ang mga taong kapareho natin ng interes at pangangailangan. If you do everything on your own, how will we function? What purpose do we have? Decoration? Back up? Hindi ba dapat nandito kami dahil sumusuporta kami? Dahil kapantay niyo kami sa pakikipaglaban? Kasi kapag nasa giyera tayo, walang laban ang isa sa daan-daang kalaban. Pwera na lang kung may superpowers ka."
Tinitigan niya pa muna ako nang maigi bago inalis ang tingin at nanahimik. Shit. Ang dami kong sinasabi eh isa lang naman ang tanong niya. May pagka-OA talaga ako kapag nadadala ng bugso ng damdamin. Kainis. Babawiin ko na sana ang mga sinabi—tangina ang dami no'n—nang iangat niya ulit ang ulo at bumaling sa akin.
"Do you know why lolo created Zion?" tanong niya. Umiling ako. Huminga siya nang malalim at pinatong ang mga braso sa table saka nilapit ang mukha sa akin. "It's because of us, his family. He was a powerless man back in his childhood days in Italy. He walked along the streets, begging for scraps. Then one day, a powerful man came up to him and asked, 'what will you do if I give you a hundred million cash?' Lolo answered, 'I will make shelters for people like me and offer them jobs to gain a hundred million cash of their own.' The powerful man, amazed by my grandfather's selfless thoughts, gave him a hundred million grand and said nothing more. He was never seen again, and Lolo was true to his words. Look at him now. He's running an empire."
Narinig ko na ang kwento na iyon pero ngayon ko lang nalaman na iyon ang dahilan kung bakit itinayo ang Zion. Akala ko isa lang iyon sa mga tsismis na pinapakalat sa mafia para takutin ang mga kalaban.
"Lolo and Xyriel are the same. Not us." Ngumiti si Lady Maxhein. "They tend to gather different kinds of people and help them in any way they can. I wouldn't be surprised if Xyriel gets to build her own organization. They're the selfless ones. Not me. I'm merely a CEO in a group I didn't build on my own."
See? She really has a problem with her eyes. Napakababa rin ng tingin niya sa sarili. Kanina lang ay nag-offer siya na tulungan akong hanapin ang mga kalaban namin tapos ngayon ay sasabihin niyang hindi siya selfless?
Napailing ako at hinawakan ang kamay niya na nasa table. "You're the one running that empire now, Lady Maxhein. Hindi mo ba alam? Mas lumalawak na ang sakop ng Zion mula nang maging 1st Master ka. Who cares about building your own organization to know if you're selfless or not? Ang importante rito, marami kang natutulungang tao na nangangailangan. Tama nga at iba ka kay boss. Iba ka rin kay Head Master. Pero nakakatulong ka sa paraan na ikaw lang ang nakakagawa. Hmm. What do you call it? Your contributions are somewhat exotic," pinag-isipan ko ang salitang iyon. "Yeah. You're exotic."
Ngumiti naman siya at napatawa. "You're being melodramatic. Am I some kind of food?"
"Hey, food is not the only exotic thing in this world."
Tumawa ulit siya. Kumikislap ang mga mata niya kapag ginagawa niya iyon. Natigilan ako. Doon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya. Green. Deep green, kaya hindi masyadong napapansin sa malayo. Para siyang gemstone na hinukay pa sa pinakamalalim na parte ng disyerto.
"Beautiful," wala sa sariling sabi ko.Nawala ang lapad ng ngiti niya at namula ang magkabilang pisngi. "W-Wha—"
"Hot chick, heto na order mo."
Muntik na kaming mawalan ng balanse nang magsalita gamit ang malalim na boses si Devon sa likod namin. Napabitaw kami ng kamay at parang napapaso na dumistansya sa isa't-isa. Nilapit ni Devon ang mukha sa gitna namin.
"May naistorbo ba ako?" tanong niya.
Umiling ako nang mabilis. "H-Hindi. Wala kang naistorbo." Langya!
"Akala ko mayroon eh." Nilapag niya sa table ang mga in-order namin. "Enjoy your meal, hot chick." Nagngitian sila ni Lady Maxhein.
Extra lang ba ako rito? Nakakahiya naman. "Max, kain na." I snapped.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Devon, tanda na ayaw niyang pinuputol ang ugnayan nila ng kasama ko. Go away!
Humarap na si Lady Maxhein sa mga pagkain at bakas sa mukha ang pagkagulat. "W-What kind of chicken is this?"
Napangiti ako. "Inihaw na manok na binudburan ng labing-tatlong foreign spices para manuot ang lasa sa bibig nang matagal. They call it 'Lucky 13.' Take a bite first."
Kinuha niya ang kutsara't tinidor saka pumiraso sa malamang parte. Sinubo niya ito at nginuya na may kasamang patango-tango. "Oh, it's really good. Tasty. Juicy. The spices blend in perfectly and it doesn't make me thirsty."
"They sure do." Natawa ako nang magpatuloy na siyang kumuha ng mga laman. "You like it?"
"Never tasted something like this before. Now it's my favorite." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti saka humarap ulit sa plato.
Sinimulan ko na rin ang pagkain ko at nagnakaw ng ilang mga sulyap sa kaniya habang kumakain. Kung titignan siya ngayon ng mga ordinaryong tao ay makikita nila ang klase ng babae na tahimik pero palangiti. Wala siyang bakas ng kahit anong iligal na gawain. Wala siyang bakas ng kasamaan sa mga mata.
Ako? Nakikita ko ang isang babae na ginagawa ang lahat ng makakaya niya para sa pamilya. Nakikita ko ang isang babae na inuubos ang oras sa pag-intindi sa ibang tao kaysa sa sarili. Nakikita ko ang isang babae na socially-awkward pero kapag nakasama at nakausap na ay parang long-time friends na ang turing.
Totoo ngang iba siya sa lahat. Beautiful. Exotic.
My exotic.
BINABASA MO ANG
Poison Empress
ActionYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...