Chapter 26

219 40 0
                                    

[26]

Skayz

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng may tumutulo sa matubig na sahig. Pinilig ko ang ulo ko at sinubukang gumalaw pero ayaw makisama ng katawan ko. Doon ko lang din napansin na nakatali ng kadena ang parehong kamay at paa ko sa bakal na upuan.

Nanghihina ako. Ayaw mag-proseso ng utak ko bukod sa sakit ng katawan. Para akong binugbog nang walang tigil. Para akong mababalatan nang buhay.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Baka sakaling may maganda akong makikita para maalis ang atensyon ko sa sakit.

Una kong nakita ang upuan na kinalalagyan ko. Sunod ang bakal na mesa at sa kabilang gilid ay may isa ring upuan. Mukhang ako lang ang nandito. Sunod kong ginala ang paningin sa mga dingding. Gano'n din ang itsura. Para akong nasa interrogation room ng mga pulis.

Natigil ako sa pagmumuni nang unti-unting bumalik sa matinong pag-iisip ang utak ko.

Blaze!

Hindi ako namalikmata nang makita ko siya. Buhay na buhay. Sa itsura palang na iyon, alam ko nang may binabalak siyang masama. Ang pakikipag-date niya kay Max at ang pagkamatay niya... Lahat iyon ay nakaplano. At ang mga clone na iyon... Pero bakit?

Ano'ng gagawin niya kay Max?

Inangat ko ang mga kamay ko pero bumaba lang ulit dahil sa bigat ng kadena. Saan niya ako dinala? Hawak din ba niya ang girlfriend ko? Nasaan siya? Fuck. Kailangan kong makaalis dito!

"Pakawalan niyo ako!"

Kapag nalaman kong ginalaw niya si Max, magsimula na siyang magdasal para sa kinabukasan niya. Kakalimutan ko ang tagal ng pinagsamahan namin kung lahat ng iyon ay pagpapanggap niya lang!

Tumingala ako nang marinig ang pagkaskas ng bakal sa may pinto. Nasa labas ang lock dahil wala akong nakikitang knob sa pinto.

"You're awake."

Pagkapasok pa lang ng taong akala ko'y patay na, kitang-kita ko na ang otoridad sa suot niya at ayos ng buhok niya. Business suit and all. I don't see any signs of my old friend anymore.

"Tangina mo, Blaze. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagkakamali kang kalabanin ang Zion!"

"Please, Skayz. I've heard that a lot from the people I already killed." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Prente pa siyang naupo sa tapat ko. "It wasn't easy, you know. Those Italian dudes really get their prices high. Mabuti na lang at kayang-kaya kong magbayad, magawa lang nila ang pinaplano ko."

"You will never get away with this."

"Right. Kung makakalabas ka rito." Ngumisi pa siya na lalong nagpainis sa 'kin. "You and the Empress really put up the fight back there. Nabawasan ng kalahati ang mga tauhan ko. Tsk, tsk."

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Para sa pera? Para sa pwesto? Paano na ang pamilya mo? Si tita—"

"What family are you talking about? Porlain? I was never a Porlain."

Iyon ang nagpatigil sa akin. "W-What?"

"Glaze and I are not twins. I'm Thalia's son from another man." Itinuon niya ang magkabilang siko sa mesa at bahagyang nilapit ang mukha sa akin. "I've never known anything about my real father. I wanted to ask mom about him. I wanted to see him. I wanted to talk to him. Pero nang maging allied group na ang Scarlet Phoenix sa Zion, doon ko nalaman ang lahat. Doon ko nalaman kung bakit hindi sa akin pinaalam ni mom ang tungkol sa kaniya. She was so desperate to be in good terms with the Head Master. I thought she was really happy about it. Pero iba pala ang ibig sabihin no'n."

Naalala ko ang pekeng engagement party kung saan ko nakitang nagbatian ang pamilya Porlain at si Head Master. Kita ko sa mukha ni tita na nage-enjoy siyang kausap ang big boss.

"She was feeling sorry for herself!" Hinampas na naman niya ang mesa dahil sa galit. "Mortal na kaaway ng Zion ang totoo kong ama. Marami na siyang napatay na miyembro ng organisasyon na iyon. At ang naisip ni mom? Humingi ng tawad sa mga ginawa ng ama ko sa pamamagitan ng pagsakop ng Zion sa pamilya namin! Alam mo ba kung gaano iyon nakasakit sa pagkatao ko? Kinakahiya niya ang sarili kong ama. And she let him die just like that!"

"Gumagawa ka ng sarili mong konklusyon, Blaze. Umanib si tita sa Zion dahil alam niyang makakatulong iyon sa Phoenix—"

"We were okay as an independent group. You know that!" Dinuro pa niya ako at kita ko na sa mga mata niya ang kahinaan ng loob. "Alam mo kung anong klaseng pamilya mayro'n kami. We don't need any help from a bigger family. And what was my mom doing? Seeking protection and support from the family who destroyed my father's name."

"Blaze..."

"Pagbabayarin ko silang lahat. At sisimulan ko sa itaas. Sa pinakamalakas. Ang Empress. Pagkatapos ang Goddess. Sunod ang Queen. Hanggang sa unti-unting mawalan ng galamay si Marque Cephyr. Hanggang sa maging teksto na lang sa mga libro ang pangalan ng Zion."

Umiling ako. "Walang magbabago sa ginagawa mo, Blaze. Hinding-hindi mo sila kaya."

"I know their weakness. And that's what I'm going to use against them."

Kumunot ang noo ko.

Sumandal si Blaze sa upuan at pinagkrus ang mga kamay. "Marque's weakness is obviously his granddaughters. The three masters have their own weaknesses. At kamakailan ko lang nalaman kung ano ang kay Maxhein. Kailangan ko pang magkunwaring patay para lang doon." Tumawa pa siya.

"What?"

"Poison."

Muntik nang mapaawang ang labi ko. Imposible. Hindi iyon sinabi sa 'kin ni Max kahit kailan. At lason? Lahat ng tao ay nagkakasakit o namamatay sa lason.

Nang hindi pa ako nakasagot ay ngumisi na naman siya. "I'm talking about a specific poison. Did you know why Maxhein's first alias is Poison Empress? It's because she's immune to poison. She can drink one and she'll live for days without having an antidote. It was rumored that she used to be a food-tester for the Head Master and was reported that she had been diagnosed from food poison an awful lot of times. But looking at her now, she's still as strong as she came to be. Remarkable, isn't she?"

Kinuyom ko ang parehong kamay ko. Max would've told me something big like this. Sana sinabi niya na may pinagdadaanan siya. And here I was, always offering her to eat outside. Mas lalo ko lang pinahamak ang katawan niya. Mas lalo ko lang siyang pinapahirapan!

Just then, may naalala ako noong minsan na napagkwentuhan namin ni boss ang mga pinsan niya. Sa kanilang tatlo ay si boss lang kakaiba ayon sa sinabi ng mad scientist na si Arril Monte, leader ng Violet Hoax na mortal na kaaway ng Zion. Naapektuhan ang cell development ni boss kaya hindi na siya tatangkad o tataba. Kapalit nito ay may taglay siyang mataas na katalinuhan at malakas na pangangatawan. But she said that Max and Lady Dianhell were not like the boss because they're normal.

What if... Arril only said that because she didn't know what happened to the other two girls? What if... someone else was responsible?

At ang sabi ni boss dati tungkol sa kidnapping incident kay Max noong fifteen years old siya.

"Nakatakas siya sa kamay ng Hoax kinabukasan. Nang itanong namin kung ano'ng nangyari, sabi niya, 'They made me drink something weird.'"

That drink could be the reason why she can endure poison.

"Pero hindi ako makakapayag na mabuhay lang siya nang gano'n lang." Masamang tingin ang iginawad ko kay Blaze nang magsalita siya. "Nagpakamatay ang totoo kong ama gamit ang pag-inom ng lason. Dinakip ni Maxhein ang kapatid ng ama ko at wala ako sa tabi niya no'ng pinaghahanap niyo na siya. He was helpless. He didn't have a choice because he doesn't want to be killed in the hands of the enemy."

I stared at him. "You're a Monte." Tumingin siya sa akin at ngumisi.

Anak siya ni Don, ang kapatid ni Arril Monte na pinuno ng Hoax. Silang dalawa ang may pakana ng pagkamatay ng mga magulang nila boss, Max, at Lady Dianhell. Sila ang dumakip kay Max.

"It was easy playing innocent in Marque Cephyr's eyes. Tulad ng ginawa ng tita ko, hindi siya naghinala sa akin. I was planning this whole thing behind his back and I know all of this will go my way." Tumayo siya at mabagal na naglakad pabalik sa pintuan. "I was hoping to make you join me. Hindi ko kayang kalabanin ang nag-iisang kaibigan ko. Pero alam kong mahal mo ang Empress kaya hahayaan na lang kitang manuod habang unti-unti siyang namamatay."

Pinilit kong makawala sa mga kadena. "Blaze! Don't you fucking dare!" Hindi niya kayang patayin si Max. Hindi ako naniniwala! The Blaze I know will never do this insanity. Pero ang mga mata niya ay nagsasabi ng kabaliktaran.

"They took my father away from me! And now it's time to take everything from them." pinal na sabi niya at tuluyan nang lumabas ng silid.

Napasigaw na lang ako sa galit at kahinaan sa pagpupumiglas sa kinauupuan ko. My heart's beating rapidly and my breathing is ragged. Ano'ng dapat kong gawin? Sinabi na sa 'kin ni Blaze kung ano ang gagawin niya kay Max. I can't just sit here and fucking do nothing!

Max. Max. Max.

She's immune to poison. Blaze will make her drink something weird. It's going to happen again. Hindi ako makakapayag. Pero ano'ng gagawin ko? Shit. Sky, please think fast!

Sinubukan ko ulit iangat ang mga kamay ko. "Fuck it!" Ramdam ko ang hapdi sa palapulsuhan ko nang mapwersa ng kadena. Nadagdagan na ang sugat ko bukod sa pagkakasaksak sa akin kanina. If this goes on, I will run out of blood. And I don't want to die here.

Muli kong ibinagsak sa arm rest ang mga kamay ko at nag-ingay ang kadena sa sahig. Ginalaw ko ang mga paa ko pero hindi ko ito mapaghiwalay.

"Damn! Blaze! Get me out—"

Natigilan ako nang may tumunog na default ringtone sa kung saan. Pagyuko, nakita ko ang umiilaw na phone sa bulsa ng pants ko.

They didn't... take my phone away?

Maxhein

It feels like a dream. But it's not.

It's a nightmare to even remember all of it.

Lolo, Dianhell, and Xyriel made sure that I would still be okay after that night. They made me forget what happened to me in the hands of the Hoax. But I know that I cannot forget a single thing.

I cannot forget the time when they broke into our house and killed everyone in it.

I cannot forget the time when they made me drink something awful, and I did not die.

That's when he told me.

"Was my experimentation a success? It seems so. Look at you. You've just swallowed a very harmful chemical substance and the antibodies quickly neutralized its effect. You won't die by poison anymore, my dear."

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay unti-unting nagbago ang kulay ng buhok ko. Mula sa caramel brown ay naging gold ang bawat isang hibla.

"Your body will take time to adjust to the new chemical within your body. Don't worry, it's not harmful. And only your physical appearance will change."

I've just been poisoned, and yet he told me not to worry.

Naging blangko ang pag-iisip ko noong mga panahon na iyon. Hindi ko namalayan na nakalabas na ako sa laboratory at naglalakad mag-isa sa kalsada na hindi ko alam. Before nightfall, someone who knew me got me out of my trance and called lolo for help.

When he saw me, he hugged me so tight I thought I was going to break down and cry. But I didn't. I'm not sure why, but I feel disgusted with myself.

Kaya naisip kong magpalakas nang magpalakas. Even without Mitchell beside me in those times, I'm sure I can be stronger.

I'm going to put this curse to good use.

Poison EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon