[22]
Xyriel
"Dating malaking grupo ng mga assassin ang Demon Spade pero dahil sa isang insidente ay nagkawatak-watak sila?" paggawa ko ng summary sa mga sinabi sa aking impormasyon ni Veronica.
Tumango siya pero nakatingin pa rin sa nilalarong zombie game sa x-box. "They were one of the most powerful assassins in Europe. They killed more people than any other serial killers. And they're rich. Too rich. Guess what? Money is the real reason they disbanded. Arrogant bastards who wants money for themselves."
"So, ang Italian assassins ba na nandito sa Pilipinas ay dating kasapi ng Spade?"
"Maybe. Majority of Spade members were from Italy anyway. Hindi na nakakagulat na may marka sila ng spade tattoo sa mga katawan nila. Pero kung ang assassins na ito ay kumikilos nang sila lang, the price must be too big that they even dared to trespass a foreign country."
"They even dared to walk on Zion's territory." Tumango-tango ako at sumandal sa loveseat na nasa tabi ng sofa na inuupuan ni Veronica. "Zion is the most powerful and influential mafia organization in this country. My cousin can track down Demon Spade and those rogue assassins so they can no longer harm others here. Hindi lang namin magawa iyon dahil hindi pa namin kilala noon ang grupong palihim na umuubos sa mga assassin."
"Great. Tell that cousin of yours to save these dimwits before it's too late."
"Nasa puder na niya ang leader ng mga assassin na hindi sakop ng Zion. Nasa puder ko naman ang mga miyembro nila na nagso-solo na at pinupuntirya kami dahil akala ng ilan ay kasapi namin ang Spade."
"Kung sino mang miyembro ng Spade ang nagpaniwala kay Natalie, sigurado akong siya rin ang may pakana ng sunod-sunod na pagpatay sa mga assassin dito sa Pilipinas."
"At siya rin ang nagbabayad sa mga Italian assassin na gumagawa ng misyon para sa kaniya."
"The question is, why?"
Naalala ko ang voice record kung saan maririnig ang lalaking nagsasalita ng Italyano. "They're targeting my cousin. They're targeting Zion. All those assassins they killed did not want to join forces so they just threw them away like trash."
Ngumisi si Veronica. "Look at you, idiot. Copying my own lines." Hindi ko na siya pinansin.
It all made sense now. Ang lalaking pumatay kay Blaze ay isa sa mga Italian assassin, ang nag-utos sa Hoax copy na kunin si Xhien, at sila rin ang sumira sa Green Venom kaya ito sumugod sa headquarters ng Domino.
"You helped us get to her."
"S-Spade… arm…"
"The family will go down with her. Spade will finish the job."
"I was planning to get closer to this girl, seeing as her expertise is an asset to Spade. Boss would like her in the team."
The Italian assassins are working for a man with a spade tattoo on his arm.
Humarap ako kay Veronica na seryoso nang nakatingin sa akin. "They're working together to destroy Zion. That Spade and the Italian assassins."
"And they're recruiting assassins to create a war."
Tumayo ako at naglakad-lakad sa sala ng bahay nila. Mabilis na namang tumatakbo ang isip ko. "Unang araw pa lang nila sa Pilipinas, naibalita na agad sa amin na pumapatay na sila ng kapwa assassin. Ibig sabihin, nakuha nila ang utos na iyon noong nasa Italy pa sila. May malaking posibilidad na isang leader ang nag-utos sa kanila para mapapayag silang kalabanin ang Zion. Isang leader na may spade tattoo sa braso. Hindi kaya, dati nila iyong leader?"
BINABASA MO ANG
Poison Empress
AksiYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...