[6]
Skayz
Bakit ba napunta ang lahat sa ganito? Bakit ba ako biniyayaan ng mga tsismosong palaka?
"Hoy, p're. Ikwento mo na iyan!" panunudyo ni Jyxen. Aish. Si boss kasi nagtanong pa eh.
"Omygosh! Something really happened!" tili ni Miss Xhien.
"Nothing happened. She just gave me a hug and a kiss, okay?" I said, frustrated.
"Wow naman!"
"OMG!"
Asgard even chuckled. "Look at you, man. You're all red."
"Stop picking on me!" Lumayo ako sa kanila nang kaunti.
Ako nga mismo ay hindi makapaniwala na gagawin ni Max iyon. Mas lalo pa no'ng sabihin niya na tawagin ko siya sa nickname niya. Hindi naman kasi kami gano'n ka-close sa isa't-isa. Ngayon nga lang kami nag-usap nang kami lang dalawa. Bakit naman niya ako tatratuhin na parang kaibigan, 'di ba?
Pero kung titignan ko naman ulit ang mga nangyari sa amin kanina, pakiramdam ko nag-relax na siya sa 'kin. She was listening intently to everything I say, and she speaks in an informal way. She didn't bring up anything about work, so I figured she got tired of it too.
Hindi ko masasabing workaholic siya. Siguro wala lang talaga siyang mapaggagamitan ng spare time kaya nagtatrabaho na lang din siya.
What does a Master do anyway? Ang alam ko lang pumupunta-punta sila sa mga regional headquarters para mag-check ng facilities, supplies, at transactions. Sila rin ang may hawak ng assignments na dini-distribute sa mga independent workers. Kind of like a legal business, but not really. We're talking about illegal business here after all.
So, kung iyon lang ang alam kong ginagawa ni Max, malamang mayro'n pang iba na nangangailangan ng supervision niya. Her hands are damn full.
Kaya napakaimposible talaga na magkaroon siya ng interes sa 'kin. Well, gwapo naman talaga ako kaya hindi na nakakapagtakang mapalingon ang kahit sino.
But Max? Hell, I don't even know what to do when she's near. However, that lunch made me realize that she's not a difficult person, very open to topics outside of work. Hindi nga lang siya masyadong friendly. Naalala ko pa no'ng magpaalam kami kay Devon. Hahaha!
"Aalis na kayo?" Ayon na naman ang malalim at pilit na panglalaking boses ng tomboy na staff.
Inalalayan kong tumayo si Max pahakbang sa bench. "Oo. Salamat sa pagkain. As usual, masarap na naman ang luto niyo."
"Thank you." bulong niya sa 'kin. Humarap na rin siya kay Devon. "Thanks for the food. Um, it was delicious. I enjoyed it."
"Mabuti naman kung gano'n. Balik kayo ah?" Hinawakan niya ang kamay ni Max saka hinalikan ang likod ng palad niya. "Miss Hot Chick." saad niya sabay kindat.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sobrang pula ng mukha ng kasama ko, o magagalit dahil sa ginawa ng tomboy na 'to. Sa huling segundo ay napatawa na lang ako.
"Uy, uy, uy. Ngumingiti mag-isa oh!" sigaw ni Jyxen. "Kinikilig ka, p're!"
"Tsk. Tumahimik ka nga. Anong kinikilig? Barilin kita riyan eh."
"Boss oh, si Skayz."
"Skayz, tumigil ka na." sita ni boss sa likod namin. Napakamot na lang ako sa batok. Pagdating sa mga sumbungan naming mga head guard, kakampihan ni boss ang mas bata.
"Skayz, I want you to have this." Nilingon namin si Miss Xhien na may inabot sa 'king box.
"Hindi ko naman birthday, Miss Xhien."
BINABASA MO ANG
Poison Empress
ActionYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...