[30]
Lumabas na ako sa city jail at dumiretso sa sasakyan ko na naka-park lang sa labas. Pagpasok ay binuhay ko na ang makina ang umalis sa lugar na iyon.
Walang nakatambay ngayon sa headquarters kaya kapag doon ako pumunta, mabo-bored lang ako. Hindi rin pwede sa mansyon ni boss dahil hindi pa raw siya stable sabi ni pareng Zandre. Maya't-maya ang pagbabago ng mood at kung ano-anong bagay ang sinisira.
Apparently, seeing Max in that state and fighting off the clones triggered her suppressed negative emotions. Isa iyon sa mga epekto ng antidote na nasa katawan niya. The only way to bring her back to her normal state is to relax and stay away from people.
Napakunot ang noo ko. Eh bakit nandoon si Zandre? Nakita ko ang sasakyan niya sa direksyon ng bahay ni boss kahapon nang ma-discharge ako sa ospital.
Hindi kaya, sinabi niya lang iyon para masolo si boss? Ah! Ang selfish talaga ng lalaking iyon!
Tumunog ang phone ko sa dashboard tanda na may tumatawag.
"Hello?"
"Sir Skayz, si Kenisha Strauss ito."
Umayos ako ng upo. Siya ang secretary ni Max sa Manila. "Oh, Kenisha. Ano na'ng balita?"
"Wala na sa kritikal na kondisyon si Lady Maxhein."
Bumagal ang pagmaneho ko sa sasakyan at ilang segundo pa bago ako makahinga nang maluwag. Parang may natanggal na tinik sa puso ko. "Mabuti naman."
"Inabiso ng doktor niya na iuwi muna siya sa Palawan para doon magpagaling nang maayos. Ngayong umaga ang flight nila."
"Ah, ganoon ba. P-Pwede rin ba akong pumunta? O bawal pa rin?"
"Sabi ng doktor, kung ikaw lang ang pupunta, ayos lang." Lumiwanag ang mukha ko sa saya. "Mukhang nakilala ka na niya sa ilang beses mong pagtanong kung pwedeng makita si Lady Maxhein."
Natawa ako. "Pasensya na. Mabilis akong mag-alala sa mga ganitong sitwasyon."
"It's okay. Pinapakita lang no'n na lubos ang pagmamahal mo sa Empress."
Hindi pa talaga ako sanay na marami nang nakakaalam sa relasyon namin ni Max. Mula noong isang araw, ang daming nagtatanong na taga-Zion kung paano kami nagsimula at kung may nangyari na ba sa amin. May ilan naman na nagbabanta na bugbugin ako kung sakaling saktan ko ang Empress.
Talaga namang maraming nagmamahal sa girlfriend ko. Sa katotohanang iyon, proud na ako sa kaniya.
"Sasabay ka ba sa private plane, Sir Skayz?"
"Ah, hindi. May lakad pa ako ngayon."
"Tumawag ka muna sa number na ito kung papunta ka na sa estate para masabihan ko ang security na papasukin ka."
"Sige. Salamat, Kenisha."
"You're welcome."
Ibinaba ko ang tawag saka inapakan ang accelerator.
Kung maaalala kong mabuti, hindi ganoon kadali ang pag-administer ng amtidote sa katawan ni Max. Posible raw na tanggihan lang ng blood cells niya ang kahit anong foreign substance dahil hindi pa nawawala ang lason. Ang poison immunity naman niya ay "close to failure" na.
Nawawala na ang bisa ng kakaibang immunity niya sa lason. Dahil ito sa dami ng neurotoxin na humalo na sa buong katawan niya.
Sabi nila… kung sakaling hindi ko na-inject sa kaniya agad ang generic antidote noong oras na iyon, baka tuluyan na talaga siya namatay.
It didn't make me feel relieved at all because she's still not waking up.
Hangga't hindi siya nagigising, patuloy lang na tutusok ang napakaraming tinik sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Poison Empress
ActionYou can never kill an empress. [ZION MASTERS #2] Achieved Ranks: 2 on #action-romance 7 on #sciencefiction November 2018 - March 2019 •| ⊱✿⊰ |• Order of the Trilogy Gangster Queen Poison Empress War Goddess •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the W...