Chapter 12

294 43 0
                                    

[12]

Ramdam ko ang vibration ng phone ko sa bulsa kaya sinagot ko agad ang tawag dito.

"Sky, speaking."

"Nasaan ka?"

"Boss? Nasa labas ako ngayon."

"Ah. Kasama mo si Max?"

"Kakaalis lang, boss. Bakit?"

"Punta ka na rito. May meeting tayo."

"Copy that." Ibababa ko na sana nang marinig sa background ng kabilang linya ang mga boses ng co-headguards ko.

"Si Skayz ba iyan, boss?"

"Mga p're, alam niyo bang luma-lovelife na iyang manok na iyan?"

"Talaga? Kahit gurang na pala iyan malakas pa rin ang karisma." Tss. Sinong gurang tinutukoy ni Renzo?

"Hahaha! Pagbigyan na natin, Renz. Akala ko nga uugatin na mga kamay niyan eh." At tumawa sila nang pagkalakas-lakas bukod kay boss.

Sumama ang mood ko bigla. "Siguruhin niyong magtago nang maigi. Makakatikim talaga kayo ng kambal na sapak pagdating ko riyan!"

"Bilisan mo na, Skayz."

"Yes, boss!"

Mabilis akong naglakad papunta sa kabilang side ng parking lot at binuksan ang Audi. Kahit inis ako, na-miss ko rin 'yong mga manok na iyon.

Xyriel

Hindi ako na-inform na ganito pala ang ibig sabihin ng reunion para sa mga magagaling kong headguard.

May sapakan dito, sapakan doon. May kumukuha ng picture, ng video. May nambabato ng furnitures, ng damit. Kung wagas sila maka-miss sa isa't-isa, bakit pa sila umalis 'di ba? Tss.

Gumalaw ang bangs ko kaya napatingin ako sa may sala. Nakangiti sa gilid ko si Zandre na hindi ko mawari kung inaayos o ginugulo ang buhok ko. Sa huli ay ginulo nga niya. "What do you want to do?"

Sumandal ako sa sofa at pinag-krus ang kamay habang pinapanood ang mga sabong sa harap ko. "Nakapag-desisyon na sila kung paano ulit ako makakaangat sa Zion bilang Master. Medyo nakakapagod at nakakatamad pero kailangan. Nadadagdagan ang mga grupong nakakonekta sa akin at maliit lang ang resources na maiaalok ko sa kanila. Kapag naging Master ako, mapupunan nito lahat ng kulang." Nilingon ko siya. "Magiging busy ako sa mga susunod na araw. Ayos lang ba sa 'yo?"

Tumango siya. "I like watching my lady do some labor."

"Tss. Ano na ba kasing nangyari sa application mo? Sabi mo scheduled for interview ka na."

"The location didn't suit me so I turned it down."

"Saan ba raw?"

"Near MPD." Natikom ang bibig ko. Problema nga iyon, ang magtrabaho malapit sa mga pulis. "I'm thinking about remote places like Rizal. They seem to have a shortage for high school teachers."

"May mga tao ka ro'n, 'di ba? Patignan mo muna. Ang layo no'n dito."

"That's alright. I'll take you with me."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano'ng gagawin ko ro'n? Kakasabi ko lang na magiging abala ako eh."

"Psh." Lumayo siya at pinag-krus din ang mga kamay. Hm? Nagtampo?

Hinipan ko ang bangs ko at humarap sa kaniya. "May gana ka pa talagang magtampo, tanda? Trabaho mo iyan kaya dapat iyan ang unahin mo kaysa sa 'kin. Sinabi ko na sa 'yo 'to, 'di ba? Ang trabaho kapag pinakawalan mo, hindi mo na makukuha ng pangalawang beses. Hindi tulad ko, sa 'yong-sa 'yo na ako."

Poison EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon