Chapter 12

17 2 4
                                    

Magdadalawang buwan na kaming andidito parang feeling ko ayaw ko na umalis sa lugar na 'to. Ang dami dami kong iniisip. Pano nalang pag umalis ako? Paano si Seb? Yan yung tanong na madalas na pumapasok sa isipan ko. Parang di ko kaya ng wala sya sa tabi ko.

Lumabas ako ng kwarto para uminom sana ng tubig. Ngunit aksidente kong narinig ang pinaguusapan nila mom at dad.

"Naayos na daw ni Dad ang lahat kaya pwede na tayo bumalik." Wait. Fuck. Anong ibig sabihin non?

"Kailan tayo babalik?" Tanong ni mom kay dad.

"Bukas ng umaga na tayo aalis dito." Holy---what? Di ko na napigilan ang sarili ko at sumabat sa pinaguusapan nila.

"What the hell do you mean dad?" I asked because of my curiousity.

"We're going back to Manila. Aalis na tayo dito." Parang gumuho naman yung mundo ko ng marinig ang naging sagot ni dad. No, hindi pwede.

"Dad? Can't we stay a little bit longer? 3 months more! Please? Gusto ko na dito. And i dont wanna leave this place." Sana pumayag si dad.

"No. Bukas na tayo aalis and hindi na magbabago ang desisyon ko."

"Then i won't come with you. I'll stay here." Matapang kong sabi. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni dad ganon narin si mom.

"What? No. Hindi ka maiiwan dito." Napatayo naman si mom upang hawakan si dad, dahil halatang nagpipigil sya ng galit.

"I don't care. I'll stay here, and there is nothing you can do about it." Sambit ko at patakbong umakyat sa kwarto ko at nag impake ng mga gamit. Nang matapos na ako ay tinext ko si Seb na puntahan nya ako ngayon na. Nagreply naman sya agad at sinabing pupunta na agad sya dito.

Sa veranda ako dumaan para hindi nila mapansin na nawala ako. Agad ko namang nakita si Seb at hininaan ang boses habang nagsasalita.

"Jump! Sasaluhin kita!"

"Ha! Ayoko nga! Are you out of your mind!" Pagiinarte ko. Syempre no! Baka maaksidente pa ako.

"Sumunod ka na nga lang! I said jump! Kung ayaw mo aalis na ako!" Ay puta.

"Oo na oo na! Saluhin mo ako ha!" Ngumiti naman sya sakin saka tumango.

Tumalon ako at parang bumagal ang pagbagsak ko at parang naiwan yung puso ko sa itaas. Agad naman akong nasalo ni Seb saka ibinaba.

"Seb. I'll live with you! Let's go! Baka mahuli nila tayo!" Hindi ko na muna sya pinagsalita at kinaladkad papuntang bahay nya.

Nang makarating kami ay inexplain ko naman lahat sakanya.

"Buti hindi ka pumayag." Tila gumaan naman ang pakiramdam nya ng malaman nya ang naging desisyon ko.

"Oo naman. I love you so much that i can't leave you here. Atsaka baka hindi na kita makita pag umalis ako dito." Niyakap nya naman ako. At niyakap ko sya pabalik.

"Thank you for choosing me. Pero paano yung pagaaral mo?" Napaisip naman ako. Oo nga.

"I don't care about that anymore as long as i'm with you." Walang pake kong sabi.

In The Middle of the WoodsWhere stories live. Discover now