14

3.8K 142 28
                                    

"Come join us inside." Aya ni Addie nang binalikan ako sa sasakyan.

"Ha? Ano kasi, I still have my classes later at." I glanced at my wrist watch, 8:07 AM. "At 9:45. I think I can't make it on time kung sasali pa ako sa inyo." Pagsisinungaling ko.

"Ay." Pagdismaya niya, "Next time nalang?"

"Sure."

"I'll tell Kat muna para malaman niyang you're here." Akmang aalis na si Addie nang pinigilan ko siya.

"Wag na, baka busy siya sa loob. Tsaka male-late na ako, traffic na sa mga oras na to." Keep on lying Kisses. Keep it up.

"Um, okay. Mag-iingat ka. Thank you for dropping me here."

"Welcome. Enjoy. See you later." Nang sinirado na ang pinto ng sasakyan ay doon na tumaas ang aking kilay. "ENJOY." I sarcastically repeated while my glare is following her direction.

HINDI AKO NAGSESELOS.

•••

Pag uwi ko sa bahay ay agad akong naligo upang mahimasmasan, hoping that the water will take away this jealousy inside me. Pero ugh! Ano ba talaga sila? Sino ba talaga si Addie sa buhay niya?

"BWISET."

Pagkatapos kong maligo ay tumawag si Kit. Tiningnan ko ang pangalan niya sa screen na walang ka-emosyon emosyon. "Oh ano, tumatawag ka na naman? Kukumustahin mo yung kapatid mong nandun sa best friend niyang maypahawak hawak pa sa mga kamay and God, may pahalik pa sa noo? I can't even." Naiinis kong kinakausap ang pangalan ni Kit sa phone ko.

I missed the call. When his name appeared again in the screen, I sighed deep before answering the call, "Hey!" And sounded like a happy kid, but deep inside I'm not. Sino ba ang sasaya sa sitwasyon kong ngayon? Duh?

As expected, gusto malaman ni Kit ang nangyaring sorpresa kaninang umaga. Pero hello, it seems like I was more surprised of Addie's re-appearance to Kat's life than she was.

Blah blah bah, enjoy na enjoy sa pakikinig si Kit at tawang tawa pa sa nangyaring pagtatagpo namin ni Addie sa airport.

As much as I want to ask Kit about the status of his sister and his sister's "best friend", I chose not to. Kasi kung may something fishy ang dalawa, dapat alam na yun ni Kit kaso sa tono ng pananalita niya it seems like mag best friend lang ang dalawa sa kanyang paningin.

Baka naman kasi mag best friends lang, Kisses? I thought.

Pero parang hindi! One side of me objected.

Huminga ako ng malalim and hopefully tell myself, "I shall seek for the answer."

•••

It was already 8 in the evening when Kat went home. Alone. Miraculously with a bright mood. Smiling from ear to ear. "Hi ate!" Masiglang niyang bati. "How's school? I bought you something by the way." At iniwagayway ang supot na may naglalaman na, "Jelly ace!"

"And what made you think to buy me a pack of... jelly ace, Kat?" Taas kilay kong tanong.

"Umm." She acted thinking, "Let's say a big feels hit me telling me that you need a lot of this right now." She sat beside me and opened the cellophane in a hurry with excitement. "I know you'll gonna love these."

I was just observing her. Really, Kat? Jelly ace para sa akin? Jelly ace para sa oras na to? Ugh!

"Anyway how's school?"

"School?" Takang tanong ko.

"Yup. You went to school today di ba?"

"Did I?" Tanong ko ulit.

My Boyfriend's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon