25

2.3K 99 16
                                    

Friday na pero nakatambak ang mga gawain ko both sa trabaho at research, talagang walang patawad at hinahabol pa ako ng deadline ng mga eto. Kaloka. Friday na pero busyng busy ako. I guess someone can't come to the invitation tomorrow.

Itetext ko na sana ang bata nang napagdesisyonan kong sorpresahin siya sa café right after I'm done arranging my stuff.

Habang nagda-drive ay di ko maiwasan ngumiti nang maalala ang chikinini. Haha! Ilang araw na ang lumipas pero halata pa rin ang bakas ng chikinini sa leeg niya lol. Ang galing ko talaga pag chikinini ang usapan.

Naabutan kong may ginagawa sa loob si Kat. Umupo lang ako sa gilid at umorder ng kape habang naghihintay. She did not even notice me dahil na rin busy siya sa trabaho niya.

It seems like it isn't only me who have a long Friday today. Nang out na niya ay sumunod din agad ako sa kanya, "Bata." Pagtawag ko.

Nagtataka si Kat nang nakita niya ako, "Bakit ka nandito?"

"Susunduin ka."

"May motor ako, remember?" Sagot niya.

"Edi joyride tayo. May extra helmet ka ba?"

"Wala. Umuwi ka na." Pambugaw niya.

"May date ka ba?" Tanong ko.

"Wala rin."

"Wala pala eh, edi tara na." I grabbed her wrist and leaded her to my car. "Dinner muna tayo bago umuwi."

"Hindi pa ako gutom."

"Edi roadtrip muna tayo. Wag ka na ngang ano jan."

Soundtrip habang nag ro-roadtrip ang ginawa namin. Di kami nag-uusap. Walang kibuan. Wala lahat. Ninanamnam lang namin ang walang traffic na kalsada at ganda ng mga musika. Maya't maya ay narinig ko ang sunod-sunod at malalakas niyang hilik. Alam kong hindi na scripted ang hilik niya ngayon, alam kong pagod siya sa araw na to.

I parked when we reached the uphill in a certain place. Dito kami madalas tumambay ni Kit nung mga estudyante at kaibigan pa ang turing namin sa isa't isa.

I stayed here for half an hour samantalang tulog na tulog pa rin ang bata sa loob ng sasakyan. Mga ilang minutong nakalipas ay nagising na rin ang bata.

"Where are we?"

I did not answer her but instead I waved my hand to come near here with me. Inalalayan ko siyang umupo sa may edge para mas matanaw niya ang overlooking view.

"Wow." Bulalas niya habang kinukuskos ang mga mata. Ngumiti lang ako.

Ganun pa rin kami tulad kanina, walang kibuan. The breeze of the air and dance of the leaves replaced the sound of the music. Nakapa relaxing... napaka ganda.

We could be like this for the whole night kung hindi tumunog ang mga tiyan namin, enough to tell us that we're hungry. Sabay lang kami tumawa at pumanhik sa sasakyan.

•••

Nandito kami ngayon sa Bucket Shrimp to take our dinner. "Di ba allergic ka sa shrimp?"

"Yup." She nodded.

"Ba't gusto mo dito?" Tanong ko.

"Parang sarap na sarap ka sa pag introduce kanina sa Bucket Shrimp so I want to try." Sagot niya.

"Paano nga yung allergy mo? Malalagot na naman tayo neto sa kuya mo."

"Are you afraid, love?" Teasing me. Talagang ginaya pa niya boses ko. Grrr.

"I'm not. More on concern, love." I teased her too. 'Kala niya huh.

Napatigil siya saglit sa narinig, "Whatever. I have this everyday." At kinuha sa bulsa ang isang tablet ng gamot. "Parang condom ko na nga to. Mas mabuti ang handa." At tumawa.

My Boyfriend's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon