6

5.3K 173 13
                                    

"Psst!" "Psst!" "Psst!" Sunod-sunod na sitsit ng-- sino pa nga ba? Duh.

"Hoy. Tinatawag kita."

"Hoy ka rin. Kung makasitsit ka 'kala mo naman kung sinong manyakis na tambay sa may kanto at kung maka hoy, fyi, may pangalan ako." Sagot ko habang nakatutok sa telibisyon.

"Psst. Tanda."

URGH. Habaan mo pa ang pasensya mo, Kisses. Bata lang yan. Kapatid din yan ng boyfriend mo. Mag hunos dili ka kung may plano kang patulan yan.

"Pssssssttt!!!"

Hindi makikita sa mukha ko ngayon ang inis na nararamdaman. Ngunit kanina ko pa siyang minumura at sinisigawan sa kalooblooban ko. No joke, nakakainis ang batang to! Huhu.

"Sige ka isusumbong kita kay kuya na hinatid ka ng katrabaho mo kagabi."

I rolled my eyes. Story maker, I hissed inside.

"O kaya naman nakita kita nung isang araw nakikipag holding hands ka sa ex mo."

As if naman kilala niya mga ex's ko?

"Fine. I'll tell him you're not taking your vitamins regularly, ate."

And that hits me. I saw her smirked. Sure ako magtatampo at magagalit yun si Kit once he'll know. Over protective din yun eh, lalo na't prone ako ng mga sakit.

"Ahuh ahuh." She's smiling triumphantly.

"What. Do. You. Want. Kid?" I asked her word per word, stopping myself to attack her and keeping in mind to extend my patience.

"You."

My body stiffened. My heart softened.

"Go. With. Me." As she continued mocking me.

Hopia, eh noh?

Hay nako Kisses akala ko ba tapos ka na sa stage na to? Akala ko ba it's a strange feeling for you to err-- like her?

"San ba?"

"Let's go to grocery!" Masaya niyang sambit at tuluyan nang lumapit sa akin. "Grocery tayo, ate. There's no food inside the fridge, no fruits and no snacks. Magugutom tayo, ma-stastarve, then we'll both be dead if that happens. Kuya will forever be sorry for our souls that might cause him to be depressed tapos our families-- szcswmql"

Hindi natuloy ang pagna-narrate niya ng kanyang wide imagitation dahil tinakpan ko ang kanyang bibig. Ah no, almost to crumpling ang ginawa ko. Alam mo, sarap din kirutin ang bibig mo noh? Cute eh." Ear to ear smile showing no teeth ang ginawa ko, "To the point na magdurugo."

I saw her brows furrowed. Hinawi niya ang kamay ko. "Eto naman si tanda di mabiro. Sabagay, matanda na."

"Just shut up." Tsaka ako tumayo.

•••

"Anong sabi ng gatas sa isang gatas na na nasa huling place sa racing?"

I did not mind her. I just keep on pushing the cart.

"Edi a, las ka." Siya na rin ang sumagot.

"Ate, anong sasabihin ng gatas sa gatas na walang swerte?" Tanong niya.

"Edi, malaska." Sagot din niya.

Husq, ang korneh ng batang to.

"Anong advice ng gatas sa kapwa niyang gatas when it comes to love?"

"Ate."

"Huy ate."

*poke poke*

"Ano na naman ba, Katarina."

My Boyfriend's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon