chapter 3

4.1K 75 3
                                    

Hindi ako sa kwarto na tulog sa guest room pero  pag labas ko ng Gabi na yon  ay wala na si Darren sa kwarto  hindi ko Alam kung saan Siya pumunta O sa kwarto ba siya na tulog dahil sa guest room ako na tulog hindi niya rin ako sinundan O kinatok man lang sa bathroom habang umiiyak ako ng tahimik nung Gabi rin yon iniisip ko na ganun talaga pag walang pakealam sayo ang tao

kasalukuyan naman akong kumakain ng umagahan tinanong ako ni manang kung gising na ba si Darren pero hindi ko na sagot yon dahil hindi nga ko sa kwarto niya na tulog  maya maya ay naka rinig ako ng mga yabag na papunta kung nasan ako
Hindi ko nilingon yon dahil alam ko na agad kung sino yon

"Good morning Ijo !.. halinat mag almusal kana "

Bati pa ni manang at alam kong
si Darren yon nag lapag si manang ng isa pang Plato sa harapan ko at umupo naman doon si Darren hindi ako tumingin sa gawi niya at naka tutok lang ang mata sa kinakain ko

Ramdam kong naka titig siya sakin pero hindi ko yon binigyan ng pansin mabilis kong tinapos ang kinakain ko saka tumayo na

" Oh... Ija bat ang bilis mo ata kumain ?"

Pag puna ni manang dahil tumayo na agad ako at kinuha ang Plato ko Ayoko lang talaga kasabay si Darren himala na nga na umupo siya habang nakain pako dahil ayaw niya ko kasabay 

" Unang araw ko po kasi sa trabaho kaya po bawal ang late "

Pag dadahilan ko kahit ma aga pa naman ayuko lang talaga makita si Darren hindi dahil Galit ako kundi Dahil napaka hangal ko na kala ko talaga nag aalala siya pero kala niya pala ako si mica  at nag pa dala ako sa tukso

" Mag iingat ka ija "

Rinig ko pang sabi ni manang Bago ako lumabas ng bahay katulad ng ginawa ko kahapon hindi Nako nag dala ng sasakyan kasi ki Dad pa yung sasakyan na yun siguro bibili ako ng Bago gamit Yung ma giging sweldo ko

Nag aabang ako ng taxi ng ng may Makita akong lalaki na parang wala sa sarili na tumatawid sa kalsada Baliw ba siya ? Tumingin ako sa kanya at saka sa dadating na sasakyan kung mag papatuloy siya sa pag lalakad ng mabagal ma babangaan siya alam niya ba yun ?

" KUYA!..."

Sabi ko at sinalubong ang pag lalakad niya at saka ko siya hinila ng hinila Hanggang makarating kami sa lakaran ng tao na balak niya bang mag pa kamatay ? Nababaliw na ba ang lalaking toh

" hey let me go."

Sabi niya at kinukuha ang kamay Niya na hawak ko pa pala kaya binitawan ko na saka ko siya tinignan ng masama alam niya ba na mamatay siya kanina ? Nababaliw na ba toh tinignan ko siya sobrang puti niya naka pantalon din siya at naka plain white T'sirt para siyang artista kung tutuusin matangos din ang ilong niya at kapansin pansin ang gulo niyang buhok

Tumitig siya sakin pabalik habang hawak hawak ang kamay Niya mukang napa lakas ang hila ko sa kanya pero dapat nga mag pasalamat siya eh niligatas ko kaya siya

" Kung mag papakamatay ka kuya wag sa kalsada dun ka sa building Yung mataas para sigurado hindi ka na ma bubuhay "

Sabi ko saka tinalikuran nakita ko pa ang pag nguso niya sakin dahil sa sinabi ko pero halata mong ngumuso lang siya para pigilan ang ngiti niya natutuwa pa ang lalaking yun na mamamatau na siya wala ba siyang pake alam sa Buhay niya Yung iba nga gusto pang mabuhay pero hindi pinaka tapos siya sasayangin niya lang ang Buhay niya

Nakita ko ang parating na taxi kaya naman pinata ko at sumakay na agad ako doon hindi ko na nilingon Yung Baliw na lalaki pero narinig ko pa ang pinaka huli niyang Tanong

FAKE MARRIAGEWhere stories live. Discover now